LIBOG2 -18

2.9K 109 4
                                    



IVAN'S POV


I FOUND A LOVE, FOR ME.
DARLING JUST DIVE RIGHT IN.
AND FOLLOW MY LEAD.
I FOUND A GIRL BEAUTIFUL AND SWEET.
I NEVER KNEW YOU WERE THAT SOMEONE WAITING FOR ME...

Tumutugtog na nga ang kanta at andito narin kami na nakatayo at hindi alam kung ano ba ang gagawin ko. Nakangiting nakatingin sakin si Llyod ng deretso at naiilang narin ako sa kaniya. Siya narin mismo ang pinwesto sa kung saan ako dapat hahawak para sumayaw kami. Haha

At sumayaw na kami sabay sa tunog ng kanta.

COZ WE WERE JUST KIDS WHEN WE
FELL INLOVE
NOT KNOWING WHAT IT WAS
I SEE MY FUTURE IN YOUR EYES...


" L-Lloyd, bat ako ang inaya mong sumayaw? Ang dami-daming magaganda sa paligid oh " nahihiyang salita ko sa kaniya.

" ikaw kasi ang mas kumuha ng attention ko ngayong gabi " ngiting sabi niya na ang gwapo-gwapo ng tunog ng boses. Naku! Baka maiihi ako sa salawal ko wala sa oras.

" nambobola ka na ngayon Llyod ah, ang sabihin mo lang nakakaawa akong tignan kaya ako nalang ang inaya mong sumayaw " tawang sabi ko kay Llyod at ngumiti nalang din siya sakin. Iba ang aura ngayon ni Llyod, parang may bago akong nararamdaman kay Llyod. Teka? Bumalik na kaya ang dating Llyod?

" AHEM!! " nawala ang kanta ng biglang may nagsalita sa microphone. Napatingin ako agad sa kung saan yung nagsalita at napalaki mata ko. Taena! Napabitaw ako agad kay Llyod. " sa may hawak sa mahal ko pakibitaw na, dahil kakantahan ko na siya. Mahal ko, sana magustuhan mo to kahit sintonado hah " salita niya sa Mic at lahat ng tao ay nakatutok na sa kaniya, yung iba ay kilig na kilig na sa kaniya.

NAGIISANG PAIBIG ANG NAIS MAKAMIT YUN AY IKAW,
NAGIISANG PANGAKO NA HINDI MAGBABAGO PARA SAYO
KAILAN MAN SANAY DI MAGKALAYO

TANGING IKAW LAMANG ANG AKING IIBIGIN
WALANG IBANG HILING KUNDI ANG YAKAP MOT HALIK

Habang kumakanta si Alvin sa stage ay para akong lumulutang sa kinatatayuan ko. Bigla naging slowmo ang lahat maliban sa Alvin na kumakanta sa stage. Umiinit mukha ko at pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso ko.

" bitaw na sa kamay ng Jowa ko please " sabi niya habang deretsong nakatingin sa direksyon ko at napatingin naman ako sa kamay ko na hindi ko namalayan na nakahawak kamay parin ako kay Llyod. Napa peace sign nalang ako kay Lloyd at tumingin kay Alvin at ngumiti, ngiting patay nanaman ako pag nakalapit na to sakin.

" sa-salamat sa sayaw mo L-Lloyd hah " salita ko kay Llyod

" sus. Salamat dahil sayo medyo kompleto na rin gabi ko " ngiting sabi ni Llyod pero medyo naguluhan ako sa sinabi niya kaya naglakad na lang ako papunta sa upuuan namin.

9:30 narin at hindi ko lang namalayan na lumalalim na pala ang gabi. Habang nakaupo at naghihintay lang sa mga dumadaan na nagdadala ng pagkain at mga inumin. Salamat sa college night busog ako paguuwi na kami mamaya haha.

" so? " biglang may nagsalita sa likod ko at napalingon naman ako.

" mahal " ngiting sabi ko pero sa likod ng isip ko sana lang wag na ibalik ang tungkol sa nakita niya kanina.

" masaya ba kahawak kamay yung Llyod na yun? " naku! Pag sa selos hindi talaga nakakalimot tong mokong na to.

" ahh. Mahal, sorry, nabigla kasi ako nung kinantahan mo ko kanina. Tila nawala lahat ng nasa paligid ko at hindi ko na namalayan na habang nakatitig ako sayo nakahawak kamay pa pala ako kay Llyod. Ang ganda mo palang kumanta mahal " naka-smile kong sabi, please bumigay kana.

KAHIT AKO'Y LILIBOG LIBOG ( I LOVE YOU FOR A THOUSAND MORE ) BOOK 2 BoyxboyWhere stories live. Discover now