"You don't have any idea what she had done before, Cedric. I know you will hurt once you will know, so it's better go out in my room. I will spill it how slut your ex-wife is." Galit na saad nalang ni Mama.

Wala akong magawa kaya tumayo na ako sa kinauupuan sa kama. Bago umalis, tinignan ko muna ng ilang sekundo si Mama. May sasabihin pa sana ako kaso hindi ko nalang itinuloy pa.

"Pagaling kayo, Ma." Sabi ko nalang dito.

Di lang ito umimik at nanatiling nakahiga lang itong patalikod sakin habang yakap ang picture ng anak kong si Clive.

Tumalikod na nga ako at naglakad papuntang pintuan. At lumabas na sa kuwarto ng mama ko.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Hurry up, Ros. We will go. I will be late in my work." Sabi ko habang nakaupo malapit sa pintuan habang nagsa-sapatos.

Lumabas na nga ng kuwarto si Ros at kakabihis at kaka-suklay lang nito. Naka-pantalon lang siyang kupas na tinernuhan ng T-shirt na may naka-printang, "Pakboy looks, Goodboy inside." Wala kasi akong mapiling mabuting damit kaya yan nabili ko. Okay na yan basta may maisuot siya.

Nasa likod ko na si Ros samantala ako nakaupo lang sa sahig habang nagsasapatos. Pagtayo ko, nakita kong nakatingin si Ros sakin. Sabay tingin ulit sa sapatos kong luma at kupas na. Bili pa ito sakin ni Mama nung Grade 9 ako. Buti di pa sira kaso kupas nga lang.

"Don't worry. Once I earn money, I will buy new shoes but as of now, I will use it this shoes. This is very mportant. It's part of my memory with my mother." Sabi ko sa kanya sabay ngiti ng natural."Let's go! Maybe I will late." Yaya ko na dito sabay tayo na.

Sumunod na nga ito sakin.

Paglabas palang namin sa Apartment, may mga babae nang bumabati kay Ros.

"Good morning, Ros." Bati ng dalawang magandang babae nang nakasalubungan namin ito.

Nginitian lang ito ni Ros.

"Hmm?" Takang sambit ko."Paano nalaman nilang Ros pangalan niya?" Takang sambit ko sa mahinang boses.

"Ros, magandang umaga!" Bati ng isang lalaki na nakasalubungan namin.

"Magandang umaga rin, Paul!" Bati ni Ros dito.

Nanlaki mata ako halos napabuka ako ng bibig nang tinitigan ko si Ros.

"Paanong natuto siyang magtagalog?!! Saka naintindihan niya yung sinabi ng lalaki na iyon? Paul? Kilala niya ang lalaking iyon? Kilala rin siya nito?" Gulat na turan ko sa isip.

"Ros, idol!" Bati na naman ng grupong kabataan na mukhang pupunta ng basketball court. May dala kasi ang iba ng mga bola.

"Hello!" Malawak na ngiti na bati ni Ros dito.

Di ko alam napakamot na ako sa ulo. Takang-taka na hinawakan ko ang kamay ni Ros at pinalapit sa akin.

"How can you speak and understand Tagalog? How come you know every one here? And how they know your name?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

Lahat ata na nakakasalubungan namin, kilala siya. Kahit mapabata man o mapa-dalaga, kilala siya at binabati siya. Nakakapagtaka lang, di pa siya nagtatagal ng two weeks dito pero ang dami na nakakakilala sa kanya. Mukhang ang dami na rin niyang close.

"Maliit na bagay lang." Sagot nito sakin sabay ngumiti ng pilyo.

Aba't! Tama ba narinig ko?! Sinabi niya yang tagalog na iyan? Marunong na siya mag-tagalog? O talagang marunong talaga siyang mag-tagalog?!

"Kailan ka pa natutong mag-tagalog?" Kunot-noo tanong ko dito.

"My troops teach me."  Bitin na sagot nito habang naglalakad kami sa kalsada.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now