LESSON 02- Daughter To Father

56.8K 1.1K 155
                                    

LESSON 02- Daughter To Father

"HINDI ka pa ba uuwi, Elizabeth?"

Napalingon si Eliabeth sa taong nagsalita sa kanyang likod. Doon ay nakita niya si Dario. Nakangiti sa kanya ang lalaki habang nakapamuksa ang dalawang kamay nito. Naglakad ito palapit sa kanya. Hindi niya napigilan ang pagbilis ng tibok ng puso niya nang makita na naman niya ang gwapong mukha ng kanyang nobyo.

Isang buwan na ang kanilang relasyon ngunit hindi pa rin siya makapaniwala na niligawan siya ni Dario. Hindi pa rin siya sanay sa presensiya nito. Naiilang pa rin siya kapag magkasmaa sila dahil ang pakiramdam niya ay tinataasan lamang siya ng kilay ng lahat dahil sa siya ang girlfriend ni Dario. Napakataas kasi ng tingin niya dito na dati ay tinatanaw lamang niya sa malayo. Sikat ito sa kanilang eskwelahan. Hindi naman lingid sa kanya na isang weirdo ang tingin sa kanya sa Wellington High School dahil aloof siya at palaging nag-iisa.

"Dario, anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

Mag-isa siyang nakaupo sa bench na nasa harapan ng library.

"Ikaw yata ang dapat kong tanungin niyan. Bakit 'andito ka pa? Uwian na, ah. Ninanamnam mo ba ang hangin ng Wellington dahil isang linggo ang suspension na ipinataw sa iyo?" may halong biro na turan ni Dario.

Huminga ng malalim si Elizabeth sabay tingin sa kawalan. "Ayoko pang umuwi. Hangga't maaari, ayoko pa..." Makahulugan niyang sagot.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Ha? W-wala. Eh, ikaw, anong ginagawa mo dito?"

"May pinag-usapan lang kami ni Joshua. Kilala mo naman siya, 'di ba?"

Tumango si Elizabeth bilang pagsagot. Isang beses ay naipakilala na sa kanya ni Dario si Joshua. Bestfriend ng kanyang nobyo si Joshua. Magkababata ang dalawa.

"Hindi ka pa ba uuwi?" basag ni Dario sa kanyang pananahimik.

"Mamaya na siguro..."

"Kung hindi ka pa nagugutom, mas mabuti pa na kumain na lang tayo sa fast food. My treat!"

"Ano ka ba, 'wag na. Gagastos ka pa, eh."

"I insist. Tara na at baka mapagkamalan pa tayong multo dito!" biro ni Dario sa kanya. Nasabi siguro nito iyon dahil sila na lang dalawa ang tao sa eskwelahan.

Hinawakan siya ni Dario sa kanyang kamay at hinila patayo. Napakainit ng kamay nito. Tila may ilang libong boltahe ang biglang gumapang sa buo niyang katawan nang dumampi ang balat nito sa balat niya.

----- *** -----

"SALAMAT sa libreng burger at fries, Dario. Sa susunod, ako naman ang manlilibre..." nakangiting turan ni Elizabeth sa kanya. Nasa tapat na sila ng bahay ng una at katatapos lang nila na kumain sa bagong bukas na burger house malapit sa Wellington High School.

Mangha na napatitig si Dario kay Elizabeth. Napansin niya na tila nailang si Elizabeth sa paraan ng pagkakatitig niya dito kaya naman nag-iwas ito ng mukha.

"M-may dumi ba ako sa mukha?" nakaiwas ang tingin na tanong ni Elizabeth.

"Wala. Nakakagulat lang na ngayon lang kita nakitang ngumiti. Napakaganda mo pala kapag nakangiti ka. Kaya kung ako sa iyo, palagi mong gawin iyan... ang ngumiti."

Namula ang pisngi ni Elizabeth. "Binibola mo ba ako?"

"Of course not. Girlfriend kita kaya natural lang na purihin kita."

"Dario, sigurado ka ba talaga dito?"

"Saan?"

"Sa pakikipagrelasyon sa akin..."

School Trip X3MTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon