LESSON 01- The Real Story

107K 1.6K 180
                                    

NOTE: Hindi na po kumpleto ang kwentong ito kaya huwag niyo na pong ituloy ang pagbabasa. May deleted parts dahil published book na po ito. Maraming salamat :)




LESSON 01- The Real Story

"AHHH!!!" Ang malakas na sigaw na iyon ni Maika ang pumunit sa katahimikan ng malamig na gabing iyon. Humihingal na bumalikwas siya ng bangon. Habol ang hininga at hindi siya makapaniwala na nasa sariling silid niya siya ngayon.

Panaginip. Panaginip lang ang lahat?

Hindi totoo na buhay si Teacher Noah?

Napalingon siya sa pinto ng kanyang silid nang bumukas iyon at pumasok ang nag-aalalang si Bridgette. Naka-wheelchair ito at halatang nagising din itong tulad niya.

"Anong nangyari, Maika? Bakit narinig ko na sumigaw ka?" tanong nito sa kanya.

Umalis siya sa kanyang kama upang yumakap sa kaibigan. Kailangan niya ng makakapitan ng mga oras na iyon dahil hindi maampat ang takot na nararamdaman niya. Para kasing totoo ang panaginip na iyon. Si Teacher Noah daw ay buhay. Hindi iyon isang panaginip kundi isang bangungot!

"Bridgette! Napanaginipan ko si Teacher Noah... B-buhay daw siya! Buhay si T-teacher Noah!" Nanginginig ang buo niyang katawan habang nagsasalita.

Naramdaman ni Maika ang paghaplos ni Bridgette sa kanyang likod. "Maika, panaginip lang iyon. Hindi buhay si Teacher Noah, okey? Matagal na siyang patay. Magkasama na sila ngayon ni Olivia sa kabilang buhay..."

Mas lalong hinigpitan ni Maika ang pagkakayakap sa kaibigan. Tama si Bridgette. Panaginip lamang ang lahat. Papaano mabubuhay si Teacher Noah gayong sa kamay niya mismo ito namatay! Kitang-kita niya noon ang pag-agos ng masaganang dugo mula sa leeg nang gilitan niya ito.

Tapos na ang lahat. Tapos na...

- - - - -***- - - - -

WELLINGTON HIGH SCHOOL...

"Look who's coming, Sabina! Si Elizabeth Herrera... ang weirdo slash mang-aagaw ng boyfriend of the year!" Napaangat ng mukha si Sabina Tamayo mula sa pagbabasa ng notes nila sa English sa sinabing iyon ng kaibigan niyang si Alyson Mendez. Si Alyson ay ang kaibigan niyang maingay at kalog.

Nasa hallway sila habang nakaupo sa mga bench na nakahanay sa gilid ng daan.

Hindi nga ito nagsisinungaling dahil daraan sa harapan nila ang babaeng araw-araw ay nagpapainit ng kanyang dugo! Walang iba kundi si Elizabeth. Makita lamang niya ang pagmumukha nito ay parang gusto na niya itong agad na sabunutan at ingudngod ang pagmumukha nito sa semento.

Hindi niya akalain na ang weirdong babaeng iyon ang makakaagaw sa kanyang nobyo na si Dario Perez.

Si Dario Perez ay ang pinakasikat na lalaki sa kanilang eskwelahan. Bukod kasi sa gwapo at matalino ito ay mayaman din ang pamilyang pinanggalingan nito. Ang mga magulang lang naman nito ang may-ari ng school kung saan sila nag-aaral.

Hinawi ni Sabina ang kanyang buhok na hanggang batok lamang niya. Kahit maikli ang kanyang buhok ay hindi niyon nabawasan ang ganda ng kanyang mukha. Nagpadagdag pa nga iyon sa kanyang aura ng isang masungit na babae. Mukha siyang kontrabida sa mga pelikula. Inilapag niya ang kanyang notebook at tumayo.

"Oh, no. I smell a catfight! Meow!" Natatawang sambit ni Alyson. "Sayang at wala si Lucy to witness this fight!" Si Lucy dela Torre ay ang isa pa nilang kaibigan. Bale, tatlo lang silang magkakaibigan.

Ilag sa kanila ang lahat ng estudyante sa school na ito dahil sa pagiging palaban nila. Lalaki o babae man ay pumapatol sila. Kahit ang ilang guro ay takot din sa kanila. Hindi naman sila mapatalsik sa school na iyon dahil na rin sa tulong ni Lucy. Sa kanilang tatlo kasi, ito ang pinakamayaman dahil anak ito ng mayor ng kanilang bayan. Pero siya ang sinusunod ng mga ito dahil siya ang pinakamatapang.

School Trip X3MTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon