"Anong ginagawa mo dito?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya habang inilalagay niya na sa bewang niya ang apron.
"Sasamahan kang magluto." Casual na sagot niya sabay nagsimula na siyang gumalaw dito sa kusina namin. Naka rinig na lang ako ng 'Ayieeeehhhhhh' na galing sa mga kagroupo ko.
"Marunong kang magluto?" Maghang tanong ko sa kanya kasi hindi ko naman alam na marunong siyang magluto. Ang alam ko lang sa kanya ay marunong siyang sumayaw pero di ko naman alam na marunong siyang magluto. Mukhang marami pa talaga akong hindi alam sa kanya ah.
"Yep. Naalala mo ba yong nahimatay ka?" Tumango ako. "That time, habang tulog ka, pinagluluto kita ng pagkain kasi gusto ko pagnagising ka, matikman mo 'yong mga niluto ko but unfortunately, hindi mo natikman dahil kinabukasan ka na nagising." Wika niya.
"Pero okay lang dahil ngayon, heto, sasamahan kita at tutulungan kitang magluto." Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko. Masaya ako sa nalaman ko and the same time, naeexcite kasi matitikman ko na iyong mga luto niya.
"Hey! You're blushing anae." Sabi niya na may halong pang aasar. Pinalo ko nga siya ng sandok na hawak ko.
"Ahem. May tao pa po dito." Biglang ubo ni Appii sa amin dahilan para mapunta ang atensyon ko sa kanila. Narinig ko na lang ang mahinang tawa ng katabi kong si Kelso at bumalik na kami sa mga ginagawa namin.
Katulad ng sinabi ni Kelso, siya ang nagluto pagkatapos ay sinamahan namin siya ng mga kaklase kong babae habang ang mga kaklase naman naming lalaki ay inuutusan lang namin kapag kailangan pero ngayon naka tambay sila sa may living room. Amoy na amoy ko ang niluluto ni Kelso at ang bango bango. Gusto ko na sanang tikman iyon kaya lang nahihiya ako sa kanya. Kenekeleg din pala ako. HAHAHA!
"You want to taste it?" Tanong niya pagkatapos niyang tinikman iyong niluluto niya. "Can I?" Tanong ko din. Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin pagkatapos ay nag scope siya ng maliit na portion sa niluluto niya at inihipan ito. Nang napagtanto niyang medyo malamig na ay isinubo niya ito sa akin dahilan para kainin ko to ng may ngiti sa labi.
"Wahhh! Ang sweet niyo!" Kinikilig na wika ni Margaret. Napa blush naman ako habang ngumiti naman si Kelso sa komento ni Margaret.
"Hindi ba masarap?" Tanong niya ng nakain ko na iyong sinubo niya. Anong di masarap eh! Super sarap ng luto niya. My ghad!
"Kelso ang sarap!" Sagot ko na ikina singkit ng mata niya.
"Lahh! Ibang meaning non ajumma ah!" Painosenteng sabat ni ajumma Rose. Isang malakas na na batok ang nakuha niya sa dalawa niyang katabi. Yan kasi eh! Ang green! Katulad ni Momo. HAHAHA!
Pagkatapos ng tawanan ay nagsibalik na kami sa pagluluto. Si Kelso lang pala dahil sila Appii, Margaret, Dorcas at ajumma Rose ay tulong tulong sa paglalagay sa mga Tupperwares ang mga niluto ni Kelso habang ako'y tinutulungan siya sa mga kakailanganin niya.
"Ummm, Kelso." Nahihiyang bulong ko.
"What is it?" Tanong niya din.
"Thank you for helping me out." Mahinang bulong ko ulit pero di ko maiwasan ang ngiti ko.
"Don't worry. It's my pleasure to help you anae. Basta ikaw, malakas ka sa akin. Mahal kasi kita eh. At gagawin ko ang makakaya ko para matulungan ka." Hindi ko alam ang irereact ko sa sinabi niya. Na caught on camera ako mga Besseu sa mga sinabi niya dahilan para maramdaman ko ang pagbilis ng pagtibok ng puso ko dahil lang sa munting sinabi niya. Salamat Kelso dahil naramdaman kong mahal mo rin ako sa wakas.
Naramdaman ko na lang na pinupunasan niya ang mga mata ko. Umiiyak na pala ako, hindi ko man lang namamalayan. Si Kelso kasi eh! Pinapaiyak ako.
"Don't cry na anae dahil lahat ng sinabi ko sa'yo, ipinakita at ipinapadama at totoo. Walang halong biro at laro kaya please cheer up na! Ayaw kitang makitang umiiyak ng dahil sa akin." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya. Mahigpit na mahigpit na tila ayaw ko siyang pakawalan. Ibinaon ko din sa kanyang mga dibdib ang ulo ko at umiyak don. Nababasa ko na nga yong damit niya pero hinayaan niya lang ako. Marahan niyang hinamas ang likod ko tilang sinasabi na magiging ayos lang ang lahat. Alam ko naman na magiging ayos na ang lahat dahil naging klaro na ang lahat.
Na mahal niya ko at wala ng iba.
Walang halong biro at ramdam ko yon sa kanya. At di ko pinagsisisihang hinintay siya ng more or less isang taon dahil sa wakas, naramdaman kong mahal niya na ko.
"Thank you Kelso." Bulong ko sa pagitan ng mga hikbi ko.
Thank you for making Keisha this happy.
❌❌❌
ESTÁS LEYENDO
NOBODY'S BETTER
Novela JuvenilNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...
💕 NOBODY'S BETTER 25 💕
Comenzar desde el principio
