💕 NOBODY'S BETTER 25 💕

Start from the beginning
                                        

"Grabe naman kayo!" Wika ko na medyo nahihiya.

"Sus! Pahambol si ate! Hahaha!" Tawa ni Moriah habang humiga naman na si ajumma Rose sa couch.

"Uy mahiya ka naman Rose! Di mo bahay to uy!" Bulyaw ni Appii sa kanya.

"Enebe!" Wika ni ajumma Rose pagkatapos ay umayos ng upo. Napa roll eyes naman si Appii habang natawa na lang kami nila Dorcas, Moriah at Margaret dito.

"Tara na?" Tanong ko ng dumating na dito sa may living room ang mga boys. Tumango naman sila at sumunod ulit sa akin.

Umakyat na kami sa second floor dahil nandito lahat ng kwarto. Huminto kami sa ikatlong pintuan. Lima kasi ang kwarto ng bahay namin. Iyong unang pinto ay kwarto nila mama at papa, ang pangalawa namang pinto ay kwarto ng kapatid ko, iyong pangatlo naman ay ang guests room, ang pang apat ay ang kwarto ko at ang last na kwarto ay opisina ni papa ko.

"Guests room pala namin ito." Wika ko sabay bukas ng kwartong iyon. "Dito natutulog iyong mga nagiging bisita namin pero sa ngayon, dito muna matutulog iyong mga boys. Okay lang ba sa inyo?" Tanong ko sa mga kaklase kong lalaki.

"Okay lang basta may wifi." Casual na sagot ni Rain. Binatukan tuloy siya ni Margaret.

"Pang ROS mo na naman! Ay naku Rain! Sinasabi ko sa iyo ha! Tigil tigilan mo na yang paglalaro mo niyan!" Pangangaral ni Margaret sa kanyang kasintahan. Yep, mag bf, gf po sila last year lang kaya heto, sanay na kami kapag may away sila o pinapagalitan ni Margaret si Rain. Dahil walang araw o oras na di pinapagalitan nito si Rain. Matigas din kasi ang ulo ng mokong na to. Hahaha! At ewan ko ba kung bakit ganoon na lang at hindi sila naghihiwalay. Well, siguro kahit na nag aaway sila ay hindi nila pinapalaki o pinapalipas iyong away nila kaya hanggang ngayon stay strong sila. Sana ganyan din kami ni Kelso. Lahh? Bakit napunta dito si Kelso?

"Aray! Ito naman nag jojoke lang ako sa kanya eh!" Nakasibangot na sabi lang ni Rain habang kinakamot ang batok niya. Napatawa na lang kami sa kanya.

"Okay lang. May wifi naman talaga kami eh!" Sagot ko na ikinasaya niya.

"Really?" Tanong niya. Tumango lang ako. Dumiretso na siya sa loob na kung saan nag aayos na sila kuya Tyre at Kelvin. Napansin ko na kanina pa tahimik si Kelvin. Well, siguro na oop siya. Hahaha! Ako din naman eh!

"So, kayo naman, sa kwarto ko kayo matutulog." Sabi ko sa mga girls. Tumango naman sila at iniwan na namin iyong mga boys at dumiretso sa kwarto ko.

"Okay lang ba kayo dito?" Tanong ko sa kanila ng makarating kami sa kwarto ko. Well, sa harap lang naman ito eh ng guests room hahaha kaya madali kaming nakapasok.

"Okay lang. May aircon naman eh!" Natawa na lang kami sa sinabi ni ajumma Rose. Ilang kwentuhan pa ang naganap sa loob ng kwarto ko at kung ano ano pang kaek-ekan ng naisipan na naming bumaba para magluto.

❌❌❌

Pagdating namin sa kitchen, wala ang mga boys. Maging sa living room ay wala din sila pero hindi ko na lang ito pinansin at magsimula ng ayusin iyong gagamitin namin ngayon pero napansin ko na wala pa ni isa sa kanila ang nagdare na mag umpisang magchop ng mga ingredients o mag prito man lang.

"Hindi pa ba tayo mag uumpisa?" Nagtataka kong tanong. Umiling lang sila sa akin. Napa kunot noo naman ako.

"Mamaya pa tayo magluluto dahil may hinihintay pa tayo." Napa kunot noo ulit ako sa narinig kong sagot nila.

"Eh? Sino?"

"He's here!" Napatingin ako sa may pintuan ng kitchen namin dahil iniluwa non ang mga kaklase kong lalaki kasama si Kelso. Yep, si Kelso. He's wearing a simple blue T-Shirt at naka jeans. And he's wearing some glasses na bumagay sa kanya.

NOBODY'S BETTERWhere stories live. Discover now