Kabanata 7

420 14 11
                                    

Rizalie Delgado

Lumapit kami sa kinaroroonan ng hari at humarap sa amin ang isang hindi uugod-ugod, hindi rin matanda at lalong hindi pangit na lalaki. My gosh ang gwapo naman niya.

Siya ba ang hari? O ang prinsipe? Parang mas matanda lang ata siya sa akin ng 2-3 tatlong taon. Napaka gwapo din niya infairness, matangos ang ilong, perfect ang jawline, napakashiny din ng mahaba niyang buhok, nakakabighaning pares ng mga mata at syempre higit sa lahat ang malaki at malambot at malaking...ay hindi pala malaki, tama lang na kissable lips.

"Hoy Rizalie ang laway mo tumutulo." Nagising na naman ako mula sa day dream ko nang isara ni Francisco ang aking bibig.

"Ikaw ba ang hari?" Tinuro ko siya gamit ang aking daliri at parang nagulat ata at natakot ang lahat sa ginawa ko. Lahat sila ay parang nangitim ang mga mukha at labi.

Gulat na gulat si Francisco sa ginawa ko at mabilis na ibinaba ang aking nakaturong daliri. Agad din siyang nagbigay paumanhin.

"Pasensya na sa inasal ng kaibigan ko, hindi na po mauulit." Yumuko si Francisco sa harap ng lalaki at bumulong sa akin.

"Alam mo bang isang napakalaking kapalastanganan ang pagturo sa hari? Pwede ka agad pugutan ng ulo sa pinagagawa mo!"

Nandilat ang aking mga mata sa narinig ko mula kay Francisco.

"Oh my gosh! I'm very sorry po! I won't do it again please forgive me your highness!" Yumuko na din ako, I can't imagine myself na headless because I can't no longer wear necklaces and that's a no!

Sinapo ni Francisco ang ulo ko. Tignan mo ang ugok na ito, kung makasapo ha!

"Nagsasalita ka na naman ng kakaiba! Magbigay paumanhin ka sa hari Rizalie!" Pangbubulyaw ni Francisco.

Lumapit ang hari sa harap ko at itinaas ang ulo ko na nakayuko.
"Hindi, ayos lamang iyon. Dahil nga sa mga salita at kilos niya, masasabi talaga nating hindi siya taga rito at nagmula siya sa isang malayong lugar. Diba binibining Rizalie?"

Ngumiti ako sa kanya at nagulat ako ng bigla niyang halikan ang aking kamay. Oh no! Amoy paksiw pa iyan simula kagabi! Wala kasing hand soap dito.

Tumingin siya sa buong paligid. "Maari na kayong umalis, iwan niyo na kami ni Francisco at ng ating bisita."

Wala pang ilang segundo ay tumahimik na ang paligid at naiwan kaming tatlo. Napabuntong hininga naman si Francisco.

"Salamat naman at wala na ang dakila mong mga alagad "mahal na hari". Sabay tumawa ang hari at si Francisco na parang close na close sila. Diba dapat ay ni-rerespeto ang hari? Sige ka Francisco siguradong puputulan ka ng junjun niyan sa pinaggagagawa mo!

"Oo nga Francisco, mas gusto ko na ganito, tahimik lang ang paligid at walang palaging sumusunod sa akin saan man ako magpunta." Biglang nag-apir ang dalawa. Hala shookt.

"Nga pala Rizalie alam kong nagtataka ka na sa kinikilos naming dalawa, pero sa totoo niyan ay matalik talaga kaming magkaibigan nitong si Protacio. Magkakabata kami, pero sa harap ng kanyang nasasakupan ay dapat mapanatili parin ang kaayusan at paggalang sa "mahal na hari". Sabay na naman silang nagtawanan na parang wala ng bukas.

Gwapo sana ang dalawang ito pero parang mga siraulo.

"Ipagpaumanhin mo kami binibining Rizalie, nga pala, ako si Protacio ang hari ng kaharian ng Elena. Siguro ay nagtataka ka kung bakit isang napakakisig na lalaki ang kaharap mo ngayon at hindi ang isang uugod-ugod,  matanda, at pangit na hari. Hindi ba?"

Nagulat ako sa sinabi niya, nakakabasa ba siya ng isip? At bakit parang naging mahingin dito?

"Ah opo, mas bata po kayo sa inaasahan kong maging itsura ng hari." Tugon ko sa kanya, siguro ay nasa 20's na itong si Haring Protacio. May asawa na kaya siya?

"Maagang ipinasa sa akin ang korona sapagkat nasawi ang aking Amang Hari sa pakikidigma at namatay din ang aking ina nang ako'y isinilang niya at oo binata pa ako kung hindi mo itinatanong." OMG mind-reader talaga siya. Pero malungkot pala ang buhay ni Haring Protacio, oo, nasa kanya ang kayaman at kapangyarihan pero iba parin kapag kapiling mo ang iyong pamilya kahit simple lamang ang inyong pamumuhay.

"Pasensya na po, ikinalulungkot kong marinig iyan. Huwag po kayong mag-alala dahil sigurado pong may darating na magandang bagay na nakalaan para inyo." Ngumiti ako at binigyan siya ng two-thumbs up.

"Maraming salamat Binibing Rizalie, natagpuan ko na yata ang nakalaan para sa akin." Tinitigan ako ni Haring Protacio sa mata at parang akong nalulunod sa mga tingin niya.

"Hep! Tapos na ba kayong mag-usap ha? Hangin ba ako dito?" Biglang sumabat si Francisco na kasama pala namin. Mabuti nalang at nagsalita siya kung hindi ay baka tuluyan na akong nalunod sa mga tingin ni Haring Protacio.

Tumawa ng bahagya ang hari at inayos ang kanyang damit. "Samahan niyo ako sa hardin at doon ay may kakausap sa iyo Binibining Rizalie."

"Pwede po bang Rizalie nalang Haring Protacio?" Tugon ko sa kanya. Para naman kasi akong kandidata ng Bb Pilipinas nito.

"Tawagin mo lamang din akong Protacio, alisin mo na ang salitang hari. Rizalie."

Sumunod kami sa kanya at nakarating kami sa isang napakagandang hardin. Wow talong-talo nito ang cactus collection ni mama ah!

Umupo kaming tatlo sa isang kulay pilak na upuan. Habang may dumating namang mga tao na may dalang pagkain at isa na pinapaypayan kami ng mano-mano. Hala? Wala bang electric fan dito?

Mayroon din dumating na tatlong matatandang lalaki na may dalang mga scroll at libro.

Dito ay tinanong nila ako kung saan ako nanggaling at saan daw akong angkan nabibilang.

"Basta ang naa-alala ko lang po ay nagising nalang ako sa damuhan at doon nga po ako nakita ni Francisco." Tugon ko sa isa mga tanong ng matanda.

"Buong sikap ka talaga naming hinanap binibini dahil ang kaharian ng Elena, mula pa noon, ay may hinhintay na katuparan sa isang propesiha." Nagsalita ang isang matanda habang binubuklat ang isang lumang libro.

Propesiha?

"Ang kaharian ng Elena ay kasalukuyang ngayong nagdaranas ng kaharipan at tagtuyot, kasabay pa riyan ang paglaban ng ibang kaharian sa aming kaharian na nagdudulot ng kapighatian sa bawat mamamayan at pagkabuwis na rin ng maraming buhay. Hanggang sa nagkaroon ng prediksyon ang babaylan ng Elena na may darating na babae mula sa napakalayong lupain upang iligtas ang buong kaharian. Ang babaeng ito ang magwawakas ng digmaan at kahirapan at magpapanatili ng walang hanggang kasaganaan at kapayapaan sa kaharian."

Nagsalita din ang isa pang matanda at tumingin sa akin.

"Ang propesihang iyan ay lubos naming pinanghahawakan mag-pasahanggan ngayon."

"At sa wakas, mula sa ilang daang taong naming paghihintay, mula pa sa aming mga ninuno, ay dumating kana rin, ang babaeng itinakda upang maging reyna ng Elena."

Sinong magiging reyna? Ako?

Okay naba ito readers? 3 chapters in a day? Comment pa po kayo para ma-inspired ako mag-update hehehe mwamwa. Syempre abangan ang susunod na kabanata!

Comment. Vote. Follow.
~Nobalilong x

History Repeats Itself (ON-GOING)Where stories live. Discover now