Chapter 57: Truth, Bitter Truth

Start from the beginning
                                    

"Bakit ang tahimik mo? Siguro nagdadalawang-isip ka pa rin kung ako yun noh?"

"Di ko maiiwasang magduda ano ka ba. Tsaka.. ewan ko sayo."

Sa loob-loob ni Barbs naniniwala sya sa sinasabi ni Lean. Kaso.. natatakot sya. What if hindi na naman 'to totoo? Magtitiwala ba sya ulit kagaya ng dati?

Napangiti na naman si Lean. "Ako rin.. medyo kinakabahan kung tama bang nagpakilala ako sayo. You and your manic impulsiveness. Pero may tiwala ako sa'yo. Parehas tayong lagot."

"Last na talaga 'to Lean, and I want you to answer me truthfully. Ikaw ba talaga si MRSD."

He looked at her straight to the eye. "Di ko alam kung maiintindihan mo 'to ngayon.. pero pag naintindihan mo to sa tamang panahon, sana di ka magalit sakin. Oo, ako si MRSD. Gusto mo i-spoil ko na sayo ang ending?"

Gumaan na dun ang loob ni Barbs for no reason. "Wag na, aabangan ko na lang. Bastusan naman kung ikukwento mo na sakin!"

"Basta Barbs.. ikaw lang ang pinagsabihan ko nito, wala nang iba. Pag kumalat 'to.. alam na."

"Kayong dalawa lang ni Casabueno ang may alam nito ah. Uupakan kita pag kumalat to!!"

"Bakit ako lang? Pano si Cyrus?"

Tumigil sya saglit. "Alam na nya gagawin nya. Di naman madaldal yun. Subukan lang nya..."

"Close pala kayo?"

"Pakyu hindi ah!!" she exclaimed. "Feeling lang nya yun."

Natahimik ulit silang dalawa, digesting all the revelations they've said to each other. Wala silang clue kung hanggang saan aabot tong knowledge nila sa isa't isa, kung magiging close ba sila dahil dito o mas maiilang.

"Tapos na kaya ang program?" tanong ni Lean kay Barbs, pampatanggal tension.

"Di pa yan. Pero sina Rocky na panalo. Ramdam ko yun. Oy, madaya ka!!! Libre mo ko!"

"Sige, order na. Ako na magbabayad."

"Sabi sayo, nasusuhulan ako eh."

Papunta na sa counter ang dalawa, maingat na baka may makakita sa kanila.

"Hoy Lean," pabulong nitong sabi sa teacher. "Your secret's safe with me. I won't let you down."

He smiled. "Capisce, Barbs."

And there goes the night.

-
THE NEXT DAY

MONDAY


Balita sa Charleston ang pagkapanalo ng Meiko sa naganap na Battle of the Bands. Maging sina Rocky, hindi nakapaniwala na sila ang nagchampion.

"Eh kasi namaaaan!! Ang galing mo Bru!" halos alugin na ni Janine ang bestfriend nya. Napatingin na nga ang ibang estudyante sa locker area sa kaingayan nila.

"I can't believe it! Pero thanks, the video's cool! You managed not to shriek or whatever."

"Pigil na pigil naman kasi ako dun teh! And migosh you look so quote expressive unquote last night! Told you para kay ano yung song! Don't dare to deny it!"

Medyo nagsubside ang kasiyahan ni Rocky nun. Ang pagkakaalam nya kasi hindi nanood si Wes ng battle kagabi. Di rin nya alam ang gagawin nya kung nanood ito sa kanila.

"Huuyy bru!!!" todo kaway naman si Janine. "Ano bang iniisip mo dyan?"

"H-ha? Wala! Iniisip ko lang.. sana kunin kami for the prog. Dream come true yun!"

"Tanong mo kaya kay Wes?"

=.= "Janjan naman.."

"What? Ask him professionally! Or better ask Mrs. Yap. Baka mag-away na naman kayo." Napansin ni Janine na balisa si Rocky. Hinila na nya ito papunta sa school gym. "Hay nako bru.. sabi nga ni Vivien.. take time to realize.."

"..that your warmth?"

She laughed, realizing what she just said. "Sorry! Pero tama naman talaga diba? Kausapin mo si Wes, walang mawawala."

"Oh, I think you should talk to Chester, too. Makapag-advice ka dyan!"

"Ehh.. at least ako kakausapin ko sya mamaya!"

"Really?! When?"

"Pag.. bumisita tayo mamaya kina Tito Dan! Ako na bahala XD"

"Sure yan?"

"Naman. I will definitely get him back."

-

Awkward naman pumasok si Barbs.

Kasi nakasabay nya sa paglalakad si Chester. "Haaayy nako," she grunted under her breath. "Nakakainis!"

Awkward din si Chester, ramdam pa rin nya ang galit o inis sa kanya ni Barbs. Patawid na sana sya papuntang Charleston nang..

"Hoy Chester, G-tec mo nahulog!!"

Lumingon naman agad ito, at nakita nya ang bestfriend, hawak-hawak ang G-Tec. "T-thanks."

"Psh. Whatever." Nilagpasan na lang nya ito.

"Barbs?"

Dire-diretso pa rin sya sa paglalakad. "Ano?"

"Free ka ba mamaya?"

"Para san? Para nakawan ulit ako ng halik epal ka?"

"N-no.. Uuhh.. Nagising na pala si Papa.."

Agad na humarap si Barbs sa kanya. "Talaga?! Kelan pa?!"

"Saturday night. Ano sabi ka--"

"Punta ako mamaya. Ge." At nauna na sya palakad ng school.

Kahit pano nakahinga na sya ng maluwag sa sinabi ni Barbs sa kanya. Unti-unti na silang nagiging okay.

--

FAST FORWARD: HOSPITAL

At dahil nagrequest sina Rocky, walang Honors nung hapon na yun. They took the time para bisitahin saglit ang tatay ni Chester. Pagdating kasi ng 4:30pm kailangan nang bumalik ng school nina Barbs, Chester at Wes para sa practice for the exhibition game this Friday.

If I Fall (Taglish)Where stories live. Discover now