📃 Mga Gawain 📃

93 19 16
                                    

Ito ang mga opisyal na gawain bilang isang myembero ng BOOK WRITER'S PAD.

1. Weekly Vomments Relay
- ito ang pangunahing gawain bilang isang myembro ng BWP kung saan iboboto at magbibigay ng komento ang bawat kasali sa mga akda ng kaniyang ka-grupo.

- kailangan magbigay ng limang (5) komento na hindi bababa sa sampu (10) hanggang labinlimang (15) salita sa bawat tatlong (3) kabanata ng kwento ng ka-grupo.

- siguraduhin na mabasa ang bawat kabanata mula simula hanggang dulo at siguraduhing umabot sa dulo ng kwento ang iyong komento.

- ang bawat komentong gagawin sa bawat kabanata ay dadaan sa pagsusuri kung pumasa ba ito sa alintuntunin ng BWP.

- ang Weekly Vomments Relay o WVR ay gagawin sa loob ng pitong araw o isang linggo.

- kapag lumagpas sa time frame, walang puntos na malilikom ang myembro.

2. Book Writer of the Week
- magkakaroon tayo ng Book Writer of the Week kada linggo kung saan ang unang myembro na makakalikom ng pinakamataas na puntos sa buong linggo ang siyang tatanghaling BWOTW.

- ang akda ng BWOTW ang magiging sentro ng gawain ng bawat myembro ng BWP

- ang bawat myembro ay kailangan bumoto at gumawa ng tatlong (3) komento na mayroong sampung (10) salita sa tatlong (3) kabanata ng libro ng BWOTW.

- ang bawat komentong gagawin sa bawat kabanata ay dadaan sa pagsusuri kung pumasa ba ito sa alintuntunin ng BWP.

- ang gawain para sa akda ng Book Writer of the Week o BWOTW ay gagawin sa loob ng pitong araw o isang linggo.

3. Vomments Pa More
- ang Vomments Pa More o VPM ay isang tsansa para sa mga myembro na makalikom ng dagdag na boto at komento.

- kailangan matapos ang gawain 1 at 2 para maging kwalipikado sa Vomments Pa More.

- i-pm ang request para sa VPM.

Kung may tanong, huwag mahihiyang magtanong.

Handa akong sagutin ang mga tanong niyo bago tayo magsimula sa ating gawain para sa unang linggo.

Salamat sa pagbabasa.

Book Writer's PadWhere stories live. Discover now