VII

8 0 0
                                    

Pagkatapos ng sandaling pag-uusap namin ni Ryle, bumalik na ako sa pool side kung saan naghaharutan pa rin sina Toff at Ish. Hindi ba sila napapagod?

Napagpasyahan kong umupo na lang muna sa gilid habang nakalublob ang paa ko sa pool. Tahimik akong nag-iisip ng kung anu-ano ng bigla akong tabihan ni Ish.

"Lalim ng iniisip natin ah? Okay ka lang ba?"

Nginitian ko naman siya,

"Yup. Okay lang ako. Iniisip ko lang yung predebut shoot ko bukas. Pwede mo ba ako samahan?"

"Hala best! Hindi eh. Aalis kami bukas nila mommy. Pasensya na."

"Okay lang. Saan ba ang punta niyo bukas?"

"Birthday kasi ng pinsan ko bukas kaya pupunta kami. Yayain sana kita kaso bukas na pala agad yung predebut shoot mo. So paano na yan? Sino na ang kasama mo?"

Napaisip naman ako sa tanong niya. Oo nga, sino na ang isasama ko? Nahihiya kasi akong mag-isa. Hayy. Hirap naman.

"Hindi ko alam eh. Bahala na. Kaya ko na sigurong mag-isa."

"Basta kapag may problema text mo lang ako."

"Tapos pupuntahan mo ako?" Pagtatanong ko kay Ish. Ngumiti siya ng nakakaloko.

"Hindi, basta text mo lang ako tas text-text lang tayo hahahaha."

Inirapan ko lang siya at natawa na din sa sinabi niya. Lokaret talaga 'tong babaeng 'to eh! 😏

Nag-usap pa kami ng tungkol sa kung anu-ano nang maisipan naming lumangoy ulit at samahan si Toff na mag-isang lumalangoy na akala mo sirena hahaha.

After 30minutes, napagpasyahan naming umahon na at magbanlaw dahil nilalamig na kaming tatlo. Anong oras na rin kasi.

Dali-dali akong umahon at naglakad papalapit sa upuan kung saan nandun ang towel na gagamitin ko pero bago pa ako makarating doon, may nag-abot na agad sa akin ng towel.

Si Ryle.

Tinanggap ko ito at nginitian siya tsaka binalot sa katawan ko.

"Salamat."

Nginitian niya lang ako at tumalikod na sa akin.
Sinimulan ko ng punasan ang sarili ko habang nakatanaw sa likod niyang papalayo na sa akin.
Bakit kaya hindi siya nangungulit sa akin ngayon?
Nakakapagtaka lang talaga. 🤔

Nilapit na ako ni Ish at inayang umakyat na sa kwarto niya para dun magbanlaw. Si Toff naman ay sa guestroom magbabanlaw.

Natapos na din akong magbanlaw at nakapagpalit na ng damit. Hinihintay ko na lang si Ish matapos para makababa na ulit kami dahil for sure inaantay na kami ni Toff sa baba.
Habang naghihintay ako, naisipan kong magcellphone para icheck ang social media accounts ko.
We took some pictures kanina kaya naisipan kong iupload ito.
The first one was a pic of me and Ish. The second one was me, Ish and Toff posing like we're supermodels. And the last one was a fake candid picture of me showing my figure.
I must say na ang sexy ko sa picture na 'to. Okay kapal ng mukha hahaha.

After uploading sakto namang natapos na si Ish kaya bumaba na kami.
Andun pa rin ang mga kateammates ni Kuya Tristan pero tulad namin tapos na din silang magswimming at nagkwekwentuhan na lang. Si Toff naman ay busyng-busy magcellphone sa usual tambayan namin kaya't nilapitan na namin siya.

Habang nagkwekwentuhan, napadako ang tingin ko kay Ryle at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa cellphone niya.
Naramdaman niya yatang nakatingin ako sa kanya kaya tumingin siya sa banda ko at sinimangutan ako.
Nagtataka naman ako bat nakasimangot siya sakin kaya inirapan ko na lang siya at nakipagkwentuhan na lang ulit kila Ish at Toff.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Missed ConnectionWhere stories live. Discover now