IHYILYT Chapter 1 - New Characters

1K 28 9
                                    

Updated na po!
Thankies!



Chapter 1 : New Characters


Akiero's POV


First name yan ng gwapo kong Daddy. Ayaw niya ng pangalan na yan dahil nakakabaklang pakinggan. Pero yun ang pinangalan sakin ni Mommy (siya kasi palaging nasusunod). Kung para kay Daddy, nakakabakla. Pero para sakin? Bagay na bagay ang pangalang Akiero sa napakagwapo kong mukha.

Hindi naman sa pagmamayabang pero yun talaga ang totoo. *pogi pose*

Kasalukuyan akong kumakain ng pananghalian ng biglang dumating si Mommy. Nakabusangot ito. Hindi na ako magtataka, nag-away na naman sila ni Daddy.

"Mom, what happened?" tanong ko sa kanya sabay subo ng kanin. Kahit alam ko na agad ang sagot, tinanong ko parin siya. Wala lang, baka gusto niyong malaman kung paano magalit si Mommy. Rawr!

"Pagsabihan mo yang Daddy mo ha! Kahit kailan talaga hindi nagbabago yan! Tsk! Bwesit! " galit na galit na sigaw sakin ni Mommy habang tinuturo-turo pa ako. Ganyan palagi si Mommy kapag nagagalit. Ako ang pinapagalitan animo'y may kasalanan talaga ako sa kanya.

"Ano na naman bang ginawa sayo ni Daddy, Mommy?" tanong ko pa sa kanya.

"Malaki! Alam mo ba kung ano? Nakipag-picture lang naman siya sa mga babae sa labas!! Ugh! Napaka niya talaga!" sigaw na naman niya sakin. Dahil sa galit siya, agad niyang nilisan ang kusina.

Napakamot nalang ako ng batok.

Si Daddy naman kasi eh, alam naman niyang selosa si Mommy. Hays, kung sabagay hindi ko naman siya masisisi dahil gwapo siya at sa kanya ako nagmana.

Ganyan sila palagi kaya minsan tinatawanan ko nalang sila. Kwento pa nga sakin ni Daddy, inis na inis sa kanya si Mommy noon. Masungit nga kasi ito, halata naman eh. Pero kahit na ganun mahal na mahal nila ang isa't-isa at sila parin ang nagkatuluyan ngayon.

Siya nga pala, ipapakilala ko lang sarili ko. Akiero Rodriguez is the name. Anak ni Jade at Thunder. May nakababata akong kapatid na ang pangalan ay Aiken.Hmm, Wala na akong ibang alam tungkol sa sarili ko. Siguro bukod sa gwapo at matalino ako, habulin din ako ng mga babae.

Kakatapos ko lang sa pagkain ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ito at tumatawag si Sammy, kaibigan ko. Anak nina Tita Frency at Tito Justin.Gwapo din yan pero mas gwapo ako.

Sinagot ko naman ito.

"Oh? May kailangan ka ba?" tanong ko.

[Ano ka ba naman bro, nakalimutan mo na ba? Diba, ngayon natin susunduin ang kaibigan ni Amara sa airport?]

Napatayo ako.

Shit! Muntik ko ng makalimutan!

Sinabi sakin ni Sammy kahapon na uuwi daw dito sa Pilipinas ang facebook friend ni Amara. Oh diba, sa facebook lang sila nagkakilala pero close na close na sila agad at marami ng alam na isa't-isa. Gusto naman ni Amara na tatlo kaming susundo sa facebook besfriend niya sa airport. First time kasi itong pupunta ng Pilipinas at walang kamag-anak o kahit kakilala manlang kundi si Amara lang.

Edi dapat hindi nalang siya pumunta dito. Ano yun, trip lang?

Hindi ko pinahalatang nakalimutan ko nga ang usapan namin ni Sammy. "Of course not bro, I handsomely remember! Ngayon na ba natin susunduin ang pa-especial niyang bestfriend?"

[Oo bro! Kaso may bad news!]

"May pa bad news bad news ka pang nalalaman bro ah! Ano ba kasi yan?"

[Ano kasi, hindi na kami makakasama ni Amara sa pagsundo sa kanya bro eh.]

"Ano???" bulalas ko dahil sa sinabi niya. Pambihira naman oh!

[Pasensiya na bro, hindi pinayagan ni Tita Venus si Amara. Alam mo na, napaka-over protective! Sige na, ikaw na sumundo sa kanya bro! Sige good luck nalang! ]

Sinigawan ko siya. "Teka lang--- *toot* *toot*."  what the heck!

Pag siya makita ko, uupakan ko talaga yung lalaking yun.

So, mag-isa nalang ako ngayon?

Huh, ako susundo sa hindi ko naman kilala? Tsk, sa gwapo kong to? NEVER!




*****




Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap sa facebook friend ni Amara dito sa airport.

Oo na, pumayag lang naman ako sa gusto nila dahil nung isinend ni Sammy ang picture nitong facebook friend ni Amara sakin, mukhang ginanahan ako.

Ang ganda eh.

Ano nga ulit ang pangalan nito? Tsk, hindi naman kasi binigay ni Sammy ang full information about dito sa babae. Pero ok lang, gwapo parin naman ako.

"Oh my gosh...tignan mo siya bes, ang cute niya! Kyahh!"

"I know bes, ang hot niya pa! Oh my! I'm gonna die now!"

Napansin ko ang dalawang babae na nakasalubong ko. I'm sure, ako ang pinag-uusapan nila. Kinikilig sila pareho habang pasulyap-sulyap sa kagwapuhan ko. Sino ba naman ang hindi ma-aattract sakin, diba?

Nginitian ko sila pareho at ayun namatay sila sa kilig.

Pinagpatuloy ko nalang ang paglilibot baka sakaling makita ko na itong babaeng hinahanap ko. Baka mamaya, hindi totoo to at pinaglololoko lang ako ng magjowang yun. Oo, gilfriend ni Sammy si Amara. Stay strong yang dalawang yan.

Pero ako? Enjoy muna ako sa pagiging gwapo.

Ok, huwag na muna natin pag-usapan ang kagwapuhan ko.

Naglakad ako papunta sa isang waiting shed baka sakaling matanaw ko siya mula doon.

Nasa waiting shed na ako ng may makita akong kumikinang na bagay sa bench. Hmm, I think it's a necklace. Pinulot ko ito at tinignan. May twin hearts siyang pendant. I'm sure, a girl owns this.

Isinilid ko ito sa bulsa ko.

"Hey you!"

Nagulat nalang ako ng paglingon ko ay may babaeng sumigaw na lumapit sakin. Tinuturo-turo pa niya ako sa mukha.

Tumingin-tingin pa ako sa likod ko bago ko siya hinarap. "Me?"

"Yes! You! Give me back my necklace!" sigaw ng babae sakin. Necklace? Is that necklace I found was hers?

Hindi ko siya sinagot. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Maganda siya. Wait, she looks familiar.

Sinamaan niya ako ng tingin. "WHAT? Why are you looking at me like that? Didn't you hear me? I said, Give me my necklace now!!" sigaw niya pa. Napaka-fluent niyang magsalita sa English. Mukha siyang hindi taga-rito pero I know she is a Filipino.

Hindi ko ulit siya sinagot at inalala kong saan ko ba nakita ang mukha niya.

Wait..Tama!

Siya yung facebook friend ni Amara na nasa picture!

Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at hinanap yung mukha niya. Nagpalipat-lipat ako ng tingin doon sa babae at sa picture. Sabi ko na nga ba! Hindi lang ako gwapo! Matalas pa ang pag-iisip!

Now, this annoying little woman in front of me and shouting is Amara's facebook friend.



I already found her.

I Hate You, I Love You Too [BOOK2] [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon