8

2.4K 93 8
                                    

Madison pov.

Bwusit! Bwusit na green yun!

Bwusit hinalikan nya ako!

Halos liparin ko na ang daan para makalayo lang sa impyernong gym na yun, totoo ba yung nangyare?

Realy madison!? Nakipag halikan ka sa bwusit n green na yun? Pano kung may virus yun? O kaya pano kung may HIV na yun sa dami ata ng babaeng nahalikan ng bwusit na green nayun?

Nag lalakad ako pero yung isip ko parang lumilipad paulit ulit na sumasagi sa isip ko ang pag mumukha ni green habang hinahalikan ako. At pag nangyayare iyon lalo lang nag pupuyos ang damdamin ko lalo lang akong nagagalit parang gusto kong mag wala habang pinapatay ko na sa isip si green.

But she's not your firstkiss!

Sigaw ng isip ko dahilan para mapatigil ako sa pag lalakad. Oo nga hindi naman siya ang firstkiss ko pero...

Iba parin torrid ang ginawa ng impaktang yun, and thats it! First kiss parin ang tawag dun.

Wew..bat ka tumugon?

Dahil...dahil hindi na ako makahinga! Teka bat ba ako nakikipag away sa isip ko?

Bakit ka sumasagot?

Agrgggh!! Bwusit!

Nasabunot ko na ang buhok ko sa sari saring emosyong nararamdaman ko saka lang uli ako nag tatakbo paalis.

Gusto ko munang mapag isa, kahit na pinagtitinginan na ako dito wala na akong paki alam kahit na mukha akong tanga.

Mabilis akong nakarating sa likod ng building kung saan dito ako dinala ni green buti nalang at tahimik dito at mas buti nalang walang tao.

Umupo ako sa isang malaking puno saka ko sinandal ang sarili ko, ang sarap lang sa pakiramdam ng ganito na tanging ingay lang ng mga dahong humahampas sa hangin at ilang ibon na parang musika ang himig.

Ganito yung gusto kong katahimikan..

Tumingala ako saka pumikit, ang sarap ng simoy ng hangin.hanggang sa may maalala na naman ako...










"Promise me you will be back..please..gaiv"






Napamulat agad ako ng mata..saka tumingin sa langit.

If gaiv is here sigurado akong ipagtatanggol nya ako.

"Gaiv.." I whisper,ano na kayang itsura nya ngayon? Nakikita nya kaya ako? Kilala nya pa kaya ako? Pano kung hindi na nya ako kilala at binaon na nya ako sa limot?

Nalungkot ako sa isiping iyon, nag promise sya tapos wala naman? Nakaka sama ng loob. Pag nakita kita gaiv sasamain ka sakin wala akong paki alam kahit na di mo na ako kilala basta gagantihan kita.

Pinag hintay mo ako sa wala..

"Stupid kanina pa kitang hinahanap" 

Nanlaki ang mata ko saka mabilis na lumingon sa gilid ko.

Bwusit! Pano ako nahanap ng babaeng to? Sinamaan ko siya ng tingin subukan nya lang lumapit hindi lang sampal ang makukuha nya sa akin, babasagin ko yung ano nya..

Yung ano?

Basta yung ano..!

"Lets go,!" Bigla siyang lumapit sa akin pero di ako kumibo, bat ba ayaw nya nalang mawala sa paningin ko? Mula ng mag kasama kami ni green di na natahimik ang buhay ko. Lalo lang naging mesirable ang buhay ko dahil sa mga alipores niyang nambubully sa akin.

my teritorial girl (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon