3

2.6K 87 0
                                    

______

Stephan

Muli kong pinag laruan ang bola bawat galaw ko hindi ko parin malaman kung ano ang kulang sa akin.. Ilang taon... Ilang taon na akong ganito mula pag kabata nararamdaman ko na may roon akong bagay na sinayang, hindi ko maintindihan ang sarili ko minsan na raramdaman ko nalang ang sarili ko na nakatulala sa kawalan. Mag isa... Mag isang nangungulila, part ito ng buhay ko na nabaon na niya sa limot Alaala na hanggang ngayon nakokonsensya parin ako

Duwag ka stephanie! Isa kang malaking duwag!

"Damn it!" Sigaw ko inis na inis ako sa sarili ko bwusit talaga kung pwede lang bugbugin ang sarili matagal ko ng ginawa, inis na hinagis ko ang bola kung saan man. At nasapo ang ulo ko na sumasakit dahil di pa ako kumakain mula pa kanina,ganito ako lagi alam kong maraming natatakot sa akin dahil bully ako maraming tumitiklop dahil para sa kanila isa akong makapangyarihan na dapat iginagalang pero mali sila isa akong duwag, duwag na di kayang humarap sa katotohanan alam kong hindi lang ang sarili ko ang sinasaktan ko maging siya,duwag ako DUWAG!

"Ouch!" Napa lingon ako sa gilid may tinamaan ata ako? Pero mag isa lang naman ako dito ah?

"Who are you?" Tanong ko sa babaeng hawak hawak ang noo na natamaan ata ng bola.

"Ano bang problema mo sa bola!? Bwusit ang sakit!"

Napa taas ang isang kilay ko. Parang kilala ko siya..

Sya yung babaeng parang wala sa sarili makatitig kay deim, at hindi lang yun...

Sya yung babaeng nanilip sa akin nuon! Napangisi ako kapag sinuswerte ka nga naman.

"Umalis kana dito" iritang sabi ko sa babae wala naman dito ang ipinuta niya psh.., hindi naman siya mukhang nerd kahit na may salamin siya sa mata mukha namang walang grado? Saka malinis parin siya manamit.

"Hindi ikaw ang pinunta ko dito no!" Singhal niya at binato bigla ang bola sa akin, muntik na ang mukha ko! Kung di ko lang nasalo.gulat akong tumingin sa kanya bat nya ginawa yun?

"Nakita mo naman ako lang ang tao dito!?" Inis na sabi ko dahil sa pag bato niya sa bola muntik na mukha ko ahh.

"Bulag ka? Tao din kaya ako!" Napangisi ako, sya lang ang sumasagot sagot sa akin ng ganyan ang lakas ng loob ahh.

"Di mo ba ako kilala?" Naningkit ang mata ko at lumapit sa kanya, nakita ko naman na medyo umatras siya sa akin at mukhang natatakot.

"K-kilala!" Tapang tapangan na sagot niya.

Bigla namang gumana ang mataba kong isipan.

"Ahh.. Kaya kaba nandito...para....si safia naman ang silipan mo?" napangisi ako ng makita ang mata niyang nanlalaki na sa gulat.

"A-anong p-pinag sasabi mo!?" Halata na ang pagkakaba niya. Para siyang tinakasan ng dugo sa pag ka putla haha i like this.

"Wag mong sabihing di mo ako naaalala? Ako yung sinilipan mo sa cr manyak" napapangiti ako sa pamumula naman ng mukha niya, di na siya mapakali sa kanyang kinatatayuan mukhang nag iisip pa may kung ano pang binubulong na di ko naman maintindihan.

"A-ang kapal ng m-mukha mo! H-hindi...a-ako yun!" Angil niya tinaasan ko lang siya ng kilay at nag cross arm, really huh.

"Talaga? Bat ka namumula?" Nakangising tanong ko.

"M-may gagawin p-pa pala ako! D-dyan kana!" Nag tatakbo na ito paalis, agad naman akong naalarma at mabilis siyang hinabol at ng mahawakan ko ang braso niya malakas na hinila ko siya paharap sa akin.

my teritorial girl (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon