1

3.6K 108 3
                                    

___  

Lakad takbo..

Lakad... Takbo

Takbo uli ang ginawa ko.

Halos liparin ko na ang daan sa sobrang pag mamadali ko, 10mins late! Sobrang malas ko na nga nung nakaraang araw tapos ngayon late na ako at ang malala kay ms.fontanilo pa! Yung terror teacher namin malilintikan ako nito eh..

Ng makarating ako sa tapat ng pinto huminga muna ako ng malalim hindi ko na inisip kung anong idadahilan ko dahil alam ko naman kahit anong dahilan mapapagalitan parin ako kaya lakas loob kong binuksan ang pinto at nakatungong humarap sa unahan.

"S-sorry maam im late!" Medyo mahina kong sabi habang pikit na pikit ang mga mata ko at nag hihintay ng sermon na ibabato sa akin ni ms. Fontanilo.

"Its okay miss you can now have your sit" naguluhan ako sa boses na narinig ko, pamilyar ang napaka gandang boses na yun sa akin parang...

Lakas loob akong tumunghay at halos malaglag mismo sa kinatatayuan ko ang puso ko na ngayon ay nag wawala na sa sobrang bilis.

Grabe baka naman nananaginip ako? Tatlong dyosa ang nasa harapan ko, at isa dun ang pinaka hinahangaan ko sa lahat!


Si Gilbert!

At hindi ako nag kamali sa kanya din ang boses na narinig ko..

Pilit kong kinakalma ang sarili ko dahil ramdam ko ang pangangatog ng tuhod ko, grabe ang lakas ng epekto niya sa akin at di rin nakalampas ang dalawang dyosa din na nasa tabi niya sa unahan.

Si alvarez na nasa kaliwa niya at si green na nasa kanan niya, god! Para akong nasa ulap akala ko wala ng isuswerte ngayong araw meron pala.

Dahan dahan akong gumalaw at nag tungo sa usual na kinauupuan ko, titig na titig ako kay gilbert hindi ko maalis ang tingin ko sa maganda niyang mukha hanggang sa naka upo na ako at inalis ang bag na suot ko. Dun ko lang napansin na ang tatahimik ng mga kaklase ko.

Teka may exam ba?

At teka ano palang ginagawa ng mga dyosang to dito?

"Miss the new come!" Bigla akong napa tuwid sa pag kakaupo ng marinig na naman ang boses ni gilbert, how i wish na pangalan ko mismo ang binabanggit niya? Baka mahimatay ako sa tuwa pag nangyare yun.

Oo na ako na ang patay na patay!

"Y-yes?" Nanginginig pa ang boses na sagot ko.

Bigla na naman siya ngumiti na halos ikatili ko na kung wala lang kaming exam, "come here" napalunok ako, ano daw? Sinabi ba nyang lapitan ko siya?

Lapit daw!

Tumayo ako at napatingin sa mga kaklase kong nakatingin na sa akin, mga mukha atang na iinggit sa akin! Blehh!

"Focus guys on your own paper!" Sigaw ni gilbert dun ko lang napansin yung dalawang nasagilid niya na parang walang paki alam,at ang nakakatunaw na tingin nila sa akin

Lalo na yung si alvarez ang seryosong tumingin, nakakunot pa ang noo habang pinag mamasdan akong lumalapit na sa pwesto nila.

At yung si green na ewan pero parang bigla akong kinabahan sa pag kakatingin niya sa akin para niya akong kinikilatis at sinusuri sa isipan niya pero yung tingin niyang nakakailang talaga ang hirap nyang tingnan sa mata.

"Here take this exam, wala kasi si ms. Fontanilo" dun lang ako napabawi ng tingin kay green ng maramdaman ko ang test paper na dumampi sa braso ko, para na naman akong matutunaw sa mata niyang kulay asul, ang ganda pala lalo niya sa malapitan ang makinis niyang mukha lalong lalo na ang matangos niyang ilong na nag babagay sa hugis ng mukha niya pati yung labi niya na ang ganda ng hugis parang ang perpekto ang pinkish!

"S-Salamat" pabulong nalang iyong nabigkas sa bilis at lakas ng tibok ng puso ko. Tatalikod na sana ako ng biglang mag salita si green.

"Wait! Did i saw you before?" Tanong niya na kinabigla ko.tumingin ako sa kanya na wariy inaalala kung saan o nakita ba niya daw ako nuon.

Wow? Napapansin din nya pala ako? Pero no! Mag papasalamat pa ako sa dyos dahil di nya ako kilala dahil kung nag kataon siguradong magiging empreyno ang buhay ko dito sa campus.

Sino nga ba siya?

Sya si stephanie Green 'the bully princess' kung tawagin Ang pinaka bully dito sa campus, kung ano ang ikinaganda niya sya namang kinasama ng ugali, sobrang bully niya wala siyang kina aawaan, pero kahit ganon meron parin akong, konte lang... Na kinahahangaan sa kanya, shes a good leader pero dun sa good alisin natin ang 'good attitude' dahil wala siya nun. Dahil bukod sa magaling din siya sa pag babasketball sya din ang president ng student council at balita ko din sya ang top one ng section niya di ko alam kung paano nangyare iyon eh ang sama sama naman ng ugali! Pero sino nga ba ako para pag dudahan siya? Wala! Kaya dapat wala din akong paki alam.

"H-hindi ko a-alam" Medyo may katagalan na sagot ko,ilang sigundo din ata akong nakipag titigan sa maganda niyang mata.

"Really? Hmm.. Okay shuu!" Kinampas pa niya ang kanyang kamay at maarte akong tinaboy. Muntik ko na siyang mairapan sa ginawa niyang pag tataboy hindi din nakaligtas sa akin ang mahinang pag tawa ng mga chismosa kong kaklase,bwusit itaboy ba daw ako na parang aso?

Nag mamadali na akong umupo at nag umpisa ding mag sagot pero syempre ninanakawan ko din ng tingin si gilbert na tahimik lang kaming pinag mamasdan. Hindi ko na tiningnan yung green na mayabang na yun!

Natapos na namin ang exam at dahil tapos na yung mga kaklase kong kanina lang ay ang tatahimik nag si titilian na sa unahan ngayon dahil nandun nga naman ang hinahangan ng marami ang tatlong myembro ng 5 stars, hindi ko tuloy malapitan si gilbert.

Nanghihinayang na lumabas ako ng classroom hindi na ako makikipag siksikan pa sa mga kaklase kong parang linta makakapit kay gilbert, pag ka labas na pagka labas ko ng classroom mula sa likod sya naman ding bukas ng pinto sa unahan at linuwa noon ang isang dyosang si alvarez na kahit lukumos na ang mukha sa sobrang pag kakakunot ng noo ay ang ganda ganda parin, ibang klase talaga siya kahit kilala siya bilang the 'ice princess' ang sikat sikat parin niya. Bigla nalang itong nag tatakbo paalis at alam ko na kung bakit. Nag kibit balikat nalang ako at sumalungat ng direksyon sa kanya hihintayin ko nalang makalabas si jz para may kasabay akong kumain tutal malapit na rin naman ang labasan nila, im taking Humss grade 12 palang ako at si jz syempre alam ko din si gilbert shes from section A and taking ABM kasama niya yung mayabang na si green!.

I really dont like her in the first place! Ayoko ng attitude niya ang sama sama ng ugali!.

At Hindi ko talaga makakalimutan ang araw nato first time kong nakita si gilbert sa malapitan,nanghihinayang lang ako dahil di ko na uli siya nakausap pero alam ko namang may next time pa.

____

my teritorial girl (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon