Nine

9.7K 245 41
                                    

"TAMA na, bro. Lasing ka na," ani Chester sa kanya.

Umiling siya. "Hindi ako lasing. 'Wag kayong mag-alala. Gusto ko lang uminom at magpakasaya," aniya at tinungga ang hawak na baso na may lamang beer.

Kasama niya sina Andy at Chester. Niyaya niya ang mga itong uminom. He was a hypocrite, all right. Hindi naman talaga niya maramdaman ang saya pero pinipilit niya. Gusto niyang makalimutan ang nangyari. Gusto niyang ilibing na sa limot si Toni. Nakaganti na siya rito. He should be happy.

"Kawawa naman si Toni."

Napatingin siya kay Andy.

"Kawawa? Wala pa sa kalingkingan ng ginawa niya sa 'kin ang nararanasan niya ngayon. She deserved it."

"Mabait si Toni, bro," wika ulit ni Andy sa kanya.

"She's not. Hindi mo siya kilala, she's a bitch."

"Babae pa rin siya," anito.

Sarkastiko siyang tumawa. "At dahil sa babae siya ay pwede na siyang manakit? Pwede na niyang paglaruan ang damdamin ng iba? That's absurd."

Hindi na nagsalita ang mga kaibigan niya. Muli siyang uminom. He wanted to believe that he was happy for hurting her. But damn, everytime he remembered how she cried, it was ripping his heart. Nasasaktan siya sa pag-iyak nito. Lihim siyang napailing. Siguro ay nadadala lang siya, but he would manage. Alam niyang bagay lang iyon sa dalaga. Ang konsensiyang nararamdaman niya ay mawawala rin.

And your love for her?

Mahigpit siyang napahawak sa baso na tangan niya. He would get over with everything. Makakalimutan niya ang lahat. Makakalimutan niya ang mga nangyari. And his damn feelings towards her.

Ang dapat niyang pagtuonan ng pansin ay ang negosyo ng pamilya nila at ang Exploded Hype. Malapit na nilang gawin ang first album nila. Malapit na rin ang kasal ni Phil. At iyon ang pagkakaabalahan niya.



IBINALIBAG ni Jun ang beer in can na nasa ref niya nang makitang wala na iyong laman. Papungas-pungas na naglakad siya patungo sa kanyang sofa at naupo doon. Ilang araw na siyang hindi lumalabas ng bahay niya. Araw-araw siyang naglalasing. Iyon lang ang tanging alam niyang paraan upang mawala ang problema niya. Itinaboy niya si Gayle nang nagpunta ito kahapon sa bahay niya. Wala na siyang panahon para makipagbolahan pa sa babae. Hindi naman niya magawang magalit dito dahil totoo naman ang sinabi nit okay Toni. Iyon ang sinabi niya sa babae. Napabuntong hininga siya. He only wanted to be alone.

Wala na si Toni sa kabilang bahay. Umalis na ito doon. Sinabi sa kanya ni Andy na umuwi na ito ng Cebu. He wanted to follow her there but it wasn't right. It wasn't just right. Kailangan niyang pigilan ang sarili. Ano ang gagawin niya? Pupunta doon at magpapaliwanag sa dalaga? Hindi na niya iyon dapat pang gawin dahil iyon naman talaga ang plano niya, ang saktan ito. Ngayon ay alam na nito kung ano ang naramdaman niyang sakit noon.

But are you happy?

Nahilamos niya ang mukha ng mga palad. Ayaw na niyang isipin pa ang dalaga. Ayaw na niyang masaktan pa. Napatingin siya sa kanyang pintuan nang marinig ang sunod-sunod na katok doon.

Pumunta siya doon at binuksan ang pintuan. Nagulat siya nang makita kung sino ang bisita niya.

"Mom? What are you doing here?"

Tanong niya saka humalik sa pisngi ng ina. Pinapasok niya ito sa loob.

"You're a mess, anak," wika ng ina niya nang makaupo na ito.

The One That Got Away  (Unedited) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon