Chapter 3

8 1 0
                                    


Five Years later...

      ABALA sa pagpi-fill up sa application form para sa Miss Cebu beauty pageant na sasalihan niya nang tumunog ang kanyang cell phone. Dali-daling sinagot niya ang tawag nang makita niyang si Shy ang nasa kabilang linya. Mula nang magtapos sila ng high school ay nagkahiwa-hiwalay na silang limang magkakaibigan. Sila na lamang dalawa ni Shy ang may communication sa isa't isa. They became the best of friends.         "'Asan ka? Ano'ng ginagawa mo?" tanong nito.  

    "'Heto, nagpi-fill up ng application para sa Miss Cebu," sagot niya.   

      "Talaga bang itutuloy mo ang pagsali riyan?"

    "Oo naman. Who knows, dito ako ma-discover."  

       Mula nang mahinto siya sa pag-aaral dalawang taon na ang nakalilipas ay ginawa na niyang career ang pagsali sa mga beauty contests sa pagbabaka-sakaling iyon ang maging passport niya para makapasok sa show business. Kapag may mga audition sa Cebu ang mga reality shows sa TV ay pumipila siya para mag-audition.     

  Gusto niyang sumikat at muling yumaman. Gusto niyang ibalik sa kanyang mommy at nakababatang mga kapatid niya ang klase ng buhay na minsan na nilang tinamasa. Mula nang mamatay ang daddy niya tatlong taon na ang nakararaan ay naghirap na sila.

Paano kasi, illegitimate family pala sila. May unang pamilya pala ang daddy niya na nag-migrate na sa China. Nang malaman ng mga ito na patay na ang daddy niya ay bumalik sa Pilipinas ang tunay na asawa nito upang bawiin sa kanila ang iniwang mga hardware stores ng kanyang ama.   

   Ngayon ay mas mahirap pa sila kaysa sa daga. Kahit pangrenta ng tinitirahan nilang apartment ay hirap silang makahanap kaya napilitan siyang huminto sa pag-aaral. Pati si Kevin, ang sumunod sa kanya, ay hindi na rin nakapag-college. Nagtatrabaho na lamang ito bilang service crew sa isang fast-food chain. Hindi kasi sapat ang kinikita ng maliit na puwesto nila sa palengke. Ang bunsong kapatid niyang si Ryan na lang ang nakakapag-aral sa kanilang magkakapatid. High school pa lang ito kaya kaya pa nilang iraos ang pag-aaral nito. Iyon nga lang, nalipat ito sa public school.   

      "Ba't ka napatawag?" tanong niya kay Shy.      "Dahil may ibibigay akong trabaho sa'yo," excited na sabi nito.     

  "Ano, yaya ni Papa Piolo?" Si Papa Piolo ang alaga nitong Catalan sheepdog.      
 

  "Seryoso 'to, ano ka ba? Nangangailangan daw ng customer service representative ang Jacinto Construction and Development Corporation."   

   "And so?" 

    "Anong 'and so'? Eh, di mag-apply ka. Kailangan mo 'kamo ng trabaho, 'di ba?"     

"Hotel and Restaurant Management ang kurso ko, ano ang gagawin ko sa isang construction firm?"    

  "Okay lang 'yon. Kahit ano raw ang kurso, tatanggapin nila. College level o college graduate, ang hinahanap nila kaya pasok ka pa rin. May backet ka naman, si Kuya Jeff ko."   

    "Sino 'yon?" 

       "Pinsan ko nga. Nagtatrabaho siya roon bilang AutoCAD operator. At saka, hello! Hindi ka ba nakikinig? I said, Jacinto Construction and Development Corporation." Diniinan pa nito ang pagkakasabi sa "Jacinto."    

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: May 16, 2020 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

 McArthur's Sweetheart Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz