Chapter One: Beginning

15 0 0
                                    

"Correct" yan ang sabi ni Miss pagkababang-pagkababa ko nung whiteboard marker. Isang sabi lang ng correct feeling ko umurong yung jebs ko at nagsusuka na ako ng rainbow. Thank you po! Hahahaha. Ngiting-ngiti akong bumalik sa upuan ko. Umiiling namang nakatingin si Paneng sa akin habang nakanguso o may inginunguso pinipigilan pang ngumiti baka mautot mukhang pato talaga to kahit kailan.

"Ah.. DT yung marker?" Si Miss yung nagsalita. Tinignan ko naman yung kaliwang kamay ko at yun nga hawak ko pa pala yung marker. Hehehe. Peace. Lapad ngiti kong binalik yun kay Miss at navsimula na ulit siyang magpasolve ng problems.

Sosyal ng school no? Pawhiteboard whiteboard pa buti na lang talaga maganda dito kung hindi. Di ko iiwan ang St. Claire. Hay. Oo transfer student ako dito. Sila Kuya Z , Kuya Chance at Stephanie lang naman ang original talaga na dito nag-aaral.Paano nga ba ako napadpad dito? Napundi na ata kasi si Tatay sa kagandahan at kabaitan ko kaya ayun. Hahaha lets flashback at ikukwento ko.

*flashback*

Nagmamadali ang mga estudyante sa paglabas mula sa building ng chemistry laboratory. Lahat sila ay nakasuot ng lab gown kasunod ang kanilang Teacher. Huling lumabas ay ang babaeng nasa 5'4 ang taas nakatali ang magulong buhok , pagkatapos ay maririnig ang tunog na tila pagsabog.

Hindi naman ganoon kalakas ngunit sapat upang masakop nito ang buong laboratory. Lumabas ang makapal na usok mula dito. Kakamot-kamot naman sa ulo ang babae at ang mga estudyante kasama na ang guro nito ay napatingin sa kanya nang may mga nanlilisik na mga mata.

Lagot. Hindi ko naman aakalain na magkakaroon ng negative reaction yung mga pinaghahalo kong chemicals dun sa chemistry lab eh. Malay ko ba Hehehe.

"Dream Del Castro!!" ayan na po gigil na sigaw nung teacher naming mukhang grade 5 ang liit kasi niya eh . Tapos nakasuot pa ng salamin ang bilugan niyang mga mata, maitim ang kutis sarat ang ilong ewan ko nga ba kung bakit nakakapit pa yung salamin niya. Hahahaha. Joke lang maganda si Ma'am mukhang kindergarten. Hahaha. Bumaling siya sa mga classmates ko at

"Lets continue the discussion sa classroom later on. Bumalik na muna kayo doon. Next week na natin ituloy ang experiment. Go!" Hay. Discussion na naman ang boring boring buti pa kapag laboratory day nag-eenjoy ako. Sumunod naman ang mga kaklase ko siempre pati ako. Balik na daw ng room eh. "Not you miss Del Castro. Follow me!" Ha? Not you daw Del Castro. Naku po! Please wag sa Guidance office. Dasal ko pero sumunod din ako kay Maam.

Nakahinga ako ng maluwag nang malagpasan namin ang guidance office. Nakakatakot kasi si Sister Martha yung guidance counselor namin dito sa school. Para siyang rebulto hundi ngumingiti pero sabi naman nila mabait daw si Sister. Teka nga lagpas na kami ng guidance san ba ako dadalhin ni Maam? Umakyat kami sa second floor ng school building. Teka aakyat diba dito yung office ng ... wait! Di kaya... napahinto na si Maam at huminto din ako.

Disciplinary Office

Nakasulat yan sa gold plate sa may pinto. Juskcolored! Pangatlo na ito. Last warning na lang may suspension na ako. Kumatok si Miss sa pinto bago namin marinig ang sagot sa loob.

"Come in!" Binuksan ni Miss ang pinto at pumasok doon kasunod ako. Bait baitan muna at sunod sunuran dyahe mga boy kapag nagmatigas pa ako. Hehehehe. "Teacher Elena! What brought you here? " sabi ni Mr. Disciplinary hehehe. Tapos tumingin sa likuran ni Miss. Hindi na kakikitaan ng gulat ang lalaking guro sa kung sino ang makakatanggap ng disciplinary paper ngayong araw. Hay! Naman.

"Sir Andrew ikaw na ang bahala sa kanya. Babalik na ako sa klase alam mo na." Usal pa ni miss bago lumabas ng opisina.

Ilang minuto pa ang nakalipas pero titig na titig parin si Sir sa akin. Hindi ako tumitingin sa kanya at tahimik lang ako. Maya maya ay napalatak si sir at napapailing pa. Di parin ako nagsalita tinitigan ko yung pangalan niya na nakapatong sa table nito ANDREW F. SUAREZ Head Disciplinary Officer. Di nagtagal ay napabubtong hininga zi Sir Andrew. "What is it this time DT?" Ayan tinawag na ako sa nickname ko. Lagot na talaga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dream TimeWhere stories live. Discover now