Chapter 1: Sora Alcantara

124 6 7
                                    


Hi! This is my first story. Hope you like it! 😊

----


End of summer break. 2:30 AM.

"Promise, isang episode nalang, matutulog na ko!" Bulong ko sa sarili ko habang nag p-play ang ending song ng One Piece. Ayokong i-forward kahit na halos kabisado ko na. Gustong-gusto ko kasi at trip kong sabayan. At saka ang cliffhanger ng huling episode e. Nakaka-excite na ang susunod na mangyayari!
Nagtataka siguro kayo kung bakit ang lakas ng loob kong magpuyat kahit may pasok na ko bukas--- err, mamaya pala.
Well, ang first subject namin ay MAPEH dahil nagkataon na ang homeroom teacher namin ay MAPEH ang subject. So, anong konek diba? Simple as this, sa locker room ako matutulog after ng attendance. Mwahahaha! Perfect diba?! Walang makakapigil sakin!

Pagkatapos ko sa 380th episode ng One Piece ay pinatay ko na ang laptop ko at nahiga. Sinet ko ang alarm ng cellphone ko ng 6:45 para may time pa ko makapag-ayos. Huhu.. Sasakit na naman ang ulo ko nito. Talagang kailangan kong makatakas ng tulog mamaya.

*


Teka, nasaan ako? Puro damo at nagtataasang mga puno ang nasa paligid. Nagkikislapan ang lahat. Ang mga ulap ay ang ganda tignan. Wow! Para kong nasa anime world!
Tumakbo ako hanggang makarating sa dulo ng parang. Napanganga ko sa mga nakita ko. Napaka ganda ng asul na dagat! Kumikislap din parang sa puno at damo kanina!
Namamangha pa ko sa nakikita ko nang may maramdaman akong yumakap mula sa likuran ko. Strangely enough, hindi ako nagulat!

Wait, bakit may yumayakap sakin?

Sakto nun ay may narinig akong tugtog. Hindi pang romance ang tunog pero pamilyar sakin.

"Maganda ba?" tanong sakin ng misteryosong lalaki.
Tumango ako ng nakangiti at pinatong ang kamay ko sa kamay niyang nakayakap sakin.

What is happening?! Bakit ko ginawa 'yun?!

Nasa romance ba kong anime? Sino kaya 'to? Si Haru ba? Si Kou? Si Usui? Si Dazai? Si Kyoya?

Charotera! As if naman magiging sweet si Kyoya!

Para matapos na ang curiousity ko ay dahan-dahan akong humarap. Yung kamay ko na hindi ko makontrol ay kumapit sa batok niya.

Jusko! Kinikilig ako! I kennat!

Mula sa leeg ay tinaas ko ang tingin ko sa mukha niya. Laking gulat ko sa nakita ko!

"H-hussof?!"

Pakiramdam ko ay dumilim ang paligid. Parang biglang pumangit.

"Oh, bakit nagulat ka?" Tanong niyang nakangiti at hindi ko alam kung bakit parang naging HD sa paningin ko ang makakapal niyang labi at mahabang ilong.

Unti-unti akong umatras mula sa kanya at hindi ko napansin na nasa dulo na pala ko ng bangin at doon ay parang nag-slow motion ang pagkakahulog ko.
Ito na ba ang katapusan ko?

"Nooooooooo!!!"



Napabalikwas ako ng bangon habang hinahabol ko ang hininga ko. Napatingin ako sa paligid. Nasa kwarto parin ako. Napabuntong hininga ko sa na-realize ko. Panaginip pala. Buti nalang. Pero bakit si Hussof? Dahil ba natutuwa ako sa karakter niya? Waaah. Pwede namang si Luffy ah!

Napatingin ako sa cellphone kong kanina pa tunog ng tunog. Ito pala ang narinig ko panaginip ko. Opening song Bungou Stray Dogs. Hindi ko alam pero natutuwa akong pakinggan siya.
Pagkakuha ko ay nanlaki ang mga mata ko. 7:05 na! O.M.G!

Nagmadali akong pumasok ng banyo sa kwarto ko. Yes, may sarili akong banyo. Binilisan ko nalang ang pagligo. As in! Wala pa yatang 3 minutes ay tapos na kong maligo. Binilisan ko na din ang pag aayos. Hindi na ko nakapag lagay ng lip balm. Hayaan na. Maganda naman ako. Charot! Hahaha!

Different Worlds: Journey to Anime WorldWhere stories live. Discover now