I KISSED A.. GAY?! (ONE SHOT)

6.3K 135 32
                                    



“Bestfriend, sige nanaman. Sumama ka na mamaya dun sa pageant.. Please?”

Ang kulit din nitong bestfriend ko na’to. Noong isang lingo niya pa ako pinipilit na panuodin siya dun sa pageant na sasalihan niya mamaya, at ilang beses ko na din nasabi sa kanya na hindi ako manonood pero ngayon pinipilit nanaman niya ako.

“A-YO-KO.” buong-buong sabi ko.

Nag-pout naman siya. Papa-cute pa. Kainis.

“Ganyanan na tayo bestfriend? Bestfriend pa naman kita. Tapos ikaw lang ang wala dun. Pati nga si Tita Vicky pupunta, di’ba Tita?” tawag niya pa sa nanay ko. Tumango naman si Nanay.

“Ay nako! Madami ka ng kasama dun! Kayo na lang. Matutuloy naman yung pageant na yun kahit hindi ako manuod.” Kahit pagtulungan pa nila ako, ayoko talaga.

“Bakit ba kasi ayaw mong samahan itong bestfriend mong si Bianca?” tanong sa akin ni Nanay.

Bakit nga ba ayoko?

Siguro hindi lang ako ready na makita ang bestfriend ko na mas babae pang tingnan sa’kin.

Don’t get me wrong. Hindi ako tomboy ha! Asa! Babaeng-babae ako.

Kaso itong bestfriend ko—

“Bestfriend, sige na please? Please? Minsan lang ako humiling sa’yo.. Hindi mo pa ako mapagbigyan..Importante sa’kin yung event mamaya” Tiningnan niya ako sa mata habang nakahawak siya sa dalawang balikat ko.

Yung hawak niya lang, sends shiver down my spine.

At yang titig na yan!

Yan ang nagpapa-hesitate sa’kin na manuod sa pageant na yun mamaya!

“Brian, bitawan mo ako” Sabi ko sa kanya.

Natigilan siya saglit, tapos binitawan niya din naman ako. “BIANCA! Brian ka d’yan! He’s long gone.” Pagtatama niya sa’kin tapos umupo na siya sa sofa.

Yeah! HE is Brian Policarpio. And yes! He’s a HE.

He’s my best friend since we were kids. At isang malaking revelation ang pag-announce niya na kasali siya sa federasyon.

Naaalala ko pa yung araw na umamin siya. Two days after I broke up with my boyfriend last year. Medyo emotional pa ako noon at malaki talaga ang galit ko sa mga lalaki. I was cursing every man in the world. And promised myself na hindi na ako ulit maniniwala sa mga lalaki. He was there to comfort me. And it was more heart-breaking than the break-up when he said that he’s a gay.

I KISSED A.. GAY?! (TWO PARTS COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon