"Tapos. ..?"

"Uso hija ang ipagkasundo ka sa iba noong panahon namin. Pinagkasundo siya sa ibang babae. Nagmakaawa siya sakin. ..Pero kung ang pag-ibig namin ay masisira ng dahil sa kasal. ..hindi na lang. .."

Pero masakit ang nangyari sakanya.

"Ako ang nagmakaawa na huwag siyang magpakasal. Pero nagalit siya. Bago kami naghiwalay ay may nangyari. ..kaya iyon gumawa ng paraan ang matalik kong kaibigan. ..at kami ang nagkatuluyan. .."

"Manang. ..sorry for what happened. Pero sana. ..hindi niyo siya hinayaan mawala sainyo. .."

"Iyon nga ang mali 'ko, Lady. ." Yumuko siya.

"Manang. ..paano po pag pakiramdam ko ay lagi akong napapagod, nag-aalala, natatakot para sa'ming dalawa?"

"Hija?"

"Iyong sitwasyon po namin ngayon ay napakahirap. .."

"Ang payo ko lang hija, huwag mong hayaan masira ang pag-ibig na mayroon ka para sakanya dahil sa sitwasyon na hindi niyo kaya."

Natahimik ako. Tinitimbang ang sinabi ni Manang. Nagulat ako ng ngumiti ito at napailing.

"Hindi mo naintindihan? Ganon naman talaga, hija. Napakahirap noon. Ganon ang ginawa 'ko. ..sakanya. Hindi niya naintindihan na prinotektahan ko lang ang pag-ibig na mayroon ako para sakanya. Umalis ako sa sitwasyon namin dahil nahihirapan na kami."

"Manang. ..kung mahal niyo talaga, bakit iniwan? Dapat sabay kayo na lumaban."

"Hindi ka lang dapat laban ng laban." iling niya pa. "Isipin mo, kung pinaglaban namin, nagtanan kami dahil nakakasakal ang pamilya niya. .. Ano na lang mangyayari sa'min? Saan kami pupulutin?" Napailing siya.

"Hindi sapat ang pagmamahal. May tinatawag tayong realidad." Aniya. Napatango na lang ako.

Ilang araw 'kong iniisip ang mga sinabi ni Manang. Hindi 'ko alam kung bakit ganito na naman ang nasa isip 'ko. Nangako ako kay Marcus na sabay kaming lalaban. But this one. ..is dangerous. Kahit saang anggulo tignan, napakahirap solusyunan. I tried to convince myself to think a possible way to meet Marcus, ng hindi nalalaman ng ama 'ko.

Parehas kaming mapapahamak kung magkikita kami. Kaya't nag-iisip ako ng paraan. ..

"Lumiere."

Isang gabi ay pinatawag ako ng aking ama sakanyang opisina. Tinignan ako nito ng maigi.

"Are you sick?"

"No, Dad." Mabilis 'kong sagot.

"I guess that Goncielo is messing you up, huh?"

Hindi na lang ako sumagot. Ilang beses ako nag-iwas ng tingin sa'king ama. Hindi ko inakala na ang tinitingala ko ay mayroon din palang maruming binabalak at gawain. Ang tinitingala ng bansa ng mga Rinaldi.

"You are going home, Lumi. Umalis ka na dito sa bansa. Sinabi ko sa Goncielo na iyon na hindi mo siya gustong kasama dahil napapagod ka. I guess I am right, you look tired and frustrated. ..I will record a video of you, breaking up with him."

"Dad. ..why are you like this?"

Hindi niya ba alam na kaya't nag-iisip ako ng kung ano-ano ay dahil sakanya? Kung ano-anong masasakit na pangyayari ang pumasok sa isip ko. Na sarili kong ama ang gustong tumapos sa kaligayahan 'ko. Na handa niyang gamitin ang kamay upang maging batas. Does Greg know this?

"I want a better life for you, Lumiere. At kung iniisip mo na hinahadlangan kita, be it. That man is dangerous for you. Pwede kang malagay sa kamatayan pag siya ang nasa tabi 'mo. Maliwanag? Ayusin mo ang kokote mo, Lumiere." Kaswal na sagot na.

Taming the Mafia BossWhere stories live. Discover now