3rd Step: Someone Weird

Start from the beginning
                                    

Yeah, that's what had happened.

Napabuntong hininga ako, muling ibinalik ang isipan sa kasalukuyan. Dahan-dahan akong nahiga sa kama habang nakatitig sa dingding sa gilid ko.

Kahit na ganun ang nangyari kanina, hindi ko pa rin mapigilang hindi umasa na one of these days, magbabago rin ang ihip ng hangin. Baka nga magka-usap na kami ni Heiro at mapatawad niya na ako.

Oo, iyon lang ang patuloy kong ginagawa. Ang umasa nang paulit-ulit.

Napangiti ako nang maalala kung ano'ng madalas kong gawin noon kapag hindi ako dinadalaw ng antok. Tatawagan ko si Heiro. Sinasagot niya naman 'yon. Walang palya. Ni isang reklamo, hindi ako nakarinig mula sa kanya. Ako na nga ang nahihiya dahil sa tuwing tumatawag ako, kadalasan ng mga sinasabi ko ay mga nonsense lang na mga bagay. Pagkatapos, magtatanong ako sa kanya ng kung anu-ano at sasagutin niya iyon.

Natatawa pa siya sa tuwing nagkukuwento kinabukasan. Hindi ko makakalimutan ang panliliit ng mga mata niya, titigan ako nang hindi makapaniwala pagkatapos ay hahagalpak sa pagtawa. Ikukuwento niya kung paano niya narinig ang mahina kong hilik ilang minuto matapos ko siyang tanungin kung ano ba talaga ang nauna, itlog ba o manok?

Lumapad ang ngiti ko, pero naramdaman ko ang paglandas ng luha sa kaliwa kong pisngi. Gusto ko pa sanang alalahanin ang mga nangyari noon, kung hindi lang nagsisimulang sumikip ang dibdib ko.

Nagpatuloy sa marahan na pagtulo ang mga luha ko. Hanggang sa hindi ko namalayan na tuluyan na akong naidlip.

─◎─

Maaliwalas ang mukha ko nang pumasok ako sa university kinabukasan. Nakangiti ako habang panay ang paglingon sa paligid. Sanay na akong gawin 'to. At tuwing nakikita ko na si Heiro, hahabulin ko siya, pero hindi rin niya ako papansinin. I'm hoping this isn't one of those days.

Inayos ko ang pagkakahawak sa backpack ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Marami akong nakakasalubong sa corridor ng building namin pero nabigla ako nang may isang lalaking tumigil sa harapan ko.

Humakbang siya palapit, mataman ang pagtitig sa akin. His lips slightly moved, until it stretched into a small smile. He mumbled something, but I didn't hear it clearly. Nabigla na lang ako sa sunod niyang ginawa, hinawakan niya ang tungki ng ilong ko. Marahan din niya iyong piningot.

Kumunot ang noo ko, bahagyang iniangat ang mukha para matitigan ko siya sa mga mata.

The heck, ano'ng ginagawa ng lalaking 'to?

Matangkad ang lalaking ngayon ay nasa harapan ko. Medyo maputi. His hair has a different color. . . somehow a mix of red and light brown? Saglit akong tumitig ro'n para tingnan kung natural ba iyon. Hindi ako sigurado. Makapal ang mga kilay niya. Matangos ang ilong. Pointy. May mahaba at purong itim siyang pilikmata. Manipis ang kanyang labi.

Nang napatitig na ako sa kanyang bandang lalamunan, nakita ko ang bahagya niyang paglunok. His adam's apple moved. . . natulala ako, pero nasita ko ang sarili.

Tiningnan ko siya sa mga mata. Sigurado ako na kitang-kita niya ang pagkunot ng noo ko at ang talim ng mga titig ko. Pero bakit hindi pa rin siya kumikilos? Nasa harapan ko lang siya, nakangiti sa akin.

Mabilis kong tinabig ang kamay niya. Napaatras siya ng isang beses.

"What are you damn doing?" angil ko. Mahina lang iyon dahil ayaw kong makaagaw ng pansin. Baka ilang segundo ang lumipas at palibutan na kaming dalawa. 'Di ko pa naman kilala ang lalaking kaharap ko ngayon. Panibagong issue na naman ba 'to ulit?

Parang natigilan ang lalaking ngayon ay kaharap ko. Kumunot ang noo niya katulad ng sa akin. Hindi siya nagsalita. Pinigilan ko ang sariling umirap at magmura ulit.

A Step Closer #Wattys2020WinnerWhere stories live. Discover now