~♥~Epilogue~♥~

7.3K 197 11
                                    

♥Last Chapter♥XL♥

THIRD

"Mommy!!"

Masayang kumaway si Kiara sa kanyang apat na taong gulang na anak na masayang kumakaway sa kanya mula sa kanilang hardin.

Apat na taon na ang nakalipas mula ng mangyari ang digmaan sa pagitan ni Luciforus at ng kanyang anak na si Light.

Hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala sa nangyari. May mga buhay na nawala upang umusbong ang mga susunod pang kabanata. Siguro nga ay ganoon nga talaga ang buhay, may kailangang magsakripisyo upang magpatuloy ang iba.

"Ina, nakita niyo ba si Kire?"

Napalingon siya sa kanyang panganay na anak na babae na si Light. Ito ang isang himala na ipinagpapasalamat niya sa lahat ng Diyos na gumagabay sa kanila. Hindi parin niya nakakalimutan kung paano bumalik ang kanyang anak sa kanila.

Flashback....

"Please anak. Wake up. Wag mong iwan si Mommy.." patuloy na pagsambit ni Kiara habang nanagpis sa kanyang anak.

Wala na itong pulso at hindi na niya maramdaman ang kapangyarihan nito.

Ilang saglit, isang liwanag ang lumitaw, unti-unting nawawala sa kanyang bisig ang katawan ng anak na tila'y nagiging mumunting ginintuang abo na umaakyat sa kalangitan.

"LIGHT!!!" sigaw nila nang tuluyan ng maging abo lahat ng kanyang katawan at nawala sa kanilang paningin.

"Anak ko.." mahinang sambit ni Kiara habang hawak ang laso sa naiwan ng anak.

They were all crying in pain dahil sa pagkawala ni Light. Ilang saglit ay nagkaroon muli ng liwanag, nakakasilaw na liwanag na dahilan ng pagpikit nila.

Sa pagmulat ng kanilang mata, isang dalagang may kulay asul na buhok ang kanilang nasilayan na nakatingin sa kanilang lahat. Nakasuot ito ng asul na bestida.

"Ina...."

Flashback end....

Mula ng araw na iyon ay ayaw na niyang mawalay sa anak na para bang ilang saglit lang siyang malingat ay mawawala na nito sa kanya.

Matinding takot at pangamba ang kanyang naramdaman na ayaw na niyang maramdamang muli.

"Siguro nasa Inuman nanaman iyon, kasama ng ama mo at ng mga tito mo. Alam mo naman na kahit nobyo mo na siya ay kinikilatis parin siya ng mga OA mong tito lalo na ng ama mo."

"Opo ina, inaalala ko lang na baka mapa sobra nanaman sila at hindi nanaman makapunta sa kanya-kanya nilang kwarto."

"Hayaan mo silang matulog sa labas. Kasalanan nila iyon."

Sabay na nagtawanan ang mag-ina sa kanilang pinag-uusapan, samantalang sabay-sabay namang nasamid ang mga nag-iinuman.

"*cough* mukang pinag-uusapan tayo mga brad."-Silver

"Ganyan talaga kapag gwapo."

Natawa si Akihiro sa sinabi at ganon din ang iba. Ang hindi nila alam, sa labas nanaman sila matutulog at hindi sa kanilang kwarto.

LIGHT


Masaya ako dahil finally natapos na ang digmaan na sana naman ay hindi na masundan pa. Nagpapasalamat rin ako na nabuhay akong muli kahit na ginamit ko ang napakadelikadong kapangyarihan na iyon.

Naging maayos ang lahat. Bumalik na ito sa dati. Naibalik narin kay Luxius ang kapangyarihan niya at siya na ang humalili sa pagpapalakad sa kabilang mundo. Ang mundo ng kadiliman, hanggat siya ang namumuno, nasisiguro ko ang kapayapaan.

"Light!!"

Napalingon ako sa bagong dating na si Xyrin. Nakasuot ito ng dress na kulay pink at may mga bulaklak pa.

"Luh, may dumating na paso." pang-aasar sa kanya ni Qen.

Nandito kami ngayon sa restaurant nila tita Clarissa, nagkaroon kami ng biglaang reunion na mga Alpha sa aming henerasyon.

"Luh, nagsalita ang uod." pabalik naman na banat ni Xyrin ng makaupo siya katapat ni Qen. Nagsukatan sila ng tingin. Hinayaan lang naman sila ng iba na abala sa pagpili ng mga kakainin nila.

Si Kire naman ay abala sa pagtitig sakin, hindi na ako naiilang dahil sanay na ako sa kanya, hindi ko nalang ito pinapansin.

"Oyy Kire, matunaw yang pinsan ko." sabi ni Vron kaya napatingin saamin ang iba.

"Hayy, kayo na ngalang tapos hindi ka parin nagsasawa sa maganda niyang muka?"-Lance

"Oo nga, sobra kana sa pagka adik Kire."-Marco

Hinayaan nalang namin sila na magsabi ng kung ano-ano hanggang sa magsawa sila.

Pagkatapos naming kumain ay nagkanya-kanyang lakad na kami at syempre kasama ko ang boyfriend ko. Nagpunta kasi sa Ishyros Garden at masayang pinagmamasdan ang mga magagandang bulaklak na sumasabay sa ihip ng hangin.

Nakasandal si Kire sa puno habang nakakulong ako sa mga bisig niya. Ito ang pinaka paborito kong ginagawa naming dalawa kapag magkasama, tahimik lang at ine enjoy ang presensya ng isa't isa.

"I know that you know na una palamg kitang nakita ay minahal na kita. Honestly, akala ko ginayuma mo ako noon."

"Gayuma? Uso paba iyon ngayon sa mundo ng mga tao.?"

"Iss basta, ang ganda mo din kasi, hindi pangkaraniwan kaya inisip kong mangkukulam ka pero hindi ko na iyon pinansin at gumawa ako ng paraan para maging sakin ka."

"Honestly, hindi kita gusto noong una dahil wala naman akong alam sa mga bagay na ganyan at hindi kita ganoon kakilala. Kahit na nakikita ko ang katangian mo ay mahirap parin ibigay ang aking tiwala."

"Kailan mo naramdaman na mahal mo na ako?"

Napaisip ako kung kailan nga ba. Hindi ko din kasi alam kasi bigla-bigla ko nalang nararamdaman.

"Hindi ko alam."

Humigpit ang yakap niya sakin isinubsob ang muka sa aking leeg.

"Hindi na iyon ang mahalaga, basta mahal mo na ako ngayon at habang panahon. Ipangako mo ring hindi mo ako iiwan."

"Pangako mahal ko. Hinding hindi kita iiwan. Kahit na anong mangyari."

"Mahal na mahal kita Light at pangako, hindi rin kita iiwan."

"Pangako? Peksman mamatay ka man?" natatawang sambit ko na ikinatawa niya rin.

"Pangako, Peksman. Hanggang kamatayan."


At ito ang pagtatapos na magiging simula ng bagong yugto sa aming buhay....
-
-
-
-
THE END
♥♥♥♥♥

[Book 2]MAGICUS ACADEMY: Princess Light✔COMPLETED✔Where stories live. Discover now