1

33.5K 363 1
                                    

Simula ng umapak ako sa bagong mundo ko hindi ko alam kung papaano ako magsisimulang harapin ang mga araw na mag-isa lang ako.



Mahirap pala kapag kolehiyala ka na, maraming dapat iwasan, kailangan mag-aral ng mabuti..

Nagsisimula pa lamang ako pero ang hirap ..napakahirap na. Namimiss ko na ang kapatid ko, ang mga magulang ko..

Ivy Aleina Ricson-Villafuerte. 17. Tourism Student. Ako yun.

Sisimulan ko ang kwentong nagpabago sa buhay ko.


"Nakapasok ka na ba sa isang bar?" Alex asked me.


Umiling na lang ako bilang sagot at itinuon ko na lamang ang paningin ko sa librong binabasa ko.

"Tutal naman katatapos ng exam natin kahapon at Sabado ngayon, sama ka naman sa amin?" nilapitan ako ni Nicole at kinumbinsi.


"Girl, isasama namin si Jared if you want para lang sumama ka?" pangungumbinsi naman ulit sa akin ni Alex.



Jared Pineda?! Totoo kaya?




"Jared? Isasama nyo sya?" na tinanguan naman nila.. "Game. Samahan mo ko, Alex, sa apartment ko mamaya. Tutulungan mo 'ko."



Naghiyawan naman sila sa loob ng klase.



Tama kayang sumama ako sa kanila?


Pagkatapos ng klase namin ng 2:30 ay agad akong inaya ni Alex sa tinutuluyan ko, kukuha na lang daw ng gamit at duon kami sa place nya mag-aayos dahil sasakyan nya ang gagamitin namin mamaya.



"Geez. I thought you don't wear such.." tumawa ito ng malakas na akala mo ako na iyong pinaka-manang sa lahat!



"Alex, wag mo akong tawanan. Hindi dahil hindi ako gumigimik ay hindi na ako bumibili ng mga sexy dresses and killer heels,'no!"


"Sarreh! I think, this killer shorts and hanging tee na hanggang baba lang yata ng brassiere mo ang harapan ang babagay sayo for your 'binyag'." Sabay kuha sa closet ko nung mga gagamitin ko at namili ng gagamitin kong heels.



"Itong peach wedge mo ang babagay dito sa red hanging-tee mo. Perfect. Dapat talagang nairarampa ang kagandahang katawan mo sa pupuntahan natin."


"Ahh. Nabanggit mo kanina yung 'binyag', what's that?" giving her that curious look.




"Hmm. Kapag first time ng kasama namin na pumunta sa isang bar may 'binyag' kaming tinatawag, hmm. Kailangang magshot ng tatalong sunud-sunod na tequila ,bodyshots sa mapipili naming partner mo, dance on stage, and a GiftKiss."


Nanlaki ang mga mata ko sa huling tinuran nya.


"GiftKiss?! The eff? Seryoso?"


"Ahuh.Tama na to, may make-ups naman ako sa house. C'mon."



Tama ba 'tong pinasok ko? Hindi sa hindi pa ako nahahalikan pero, yung hahalikan yung kakakilala mo pa lang? No way!



Hinila na nya ako palabas sa apartment ko, wala naman akong curfew kasi tita ko naman ang may-ari nun. Ipinagpaalam na rin niya ako na may pupuntahan kaming debut-party. First-class liar! Kinaladkad na naman nya ako papasok sa Ford-Fiesta nya.


"Fasten your seatbelt, friend." utos nya sa akin na ginawa ko naman.



Habang nasa gitna kami ng daan papunta sa bahay nya ay..


"Yes?..Hello.. Ha? Really?..Good job, guys!..Yes..Oo, sosyal ang susuotin nya...Hmm. Talaga?..Ok..May snack jan sa fridge. Ok, bye, sis!"


Nakangiti nyang tinapos yung tawag at nilingon ako.


"That's Nicole. Nasa bahay ko na raw silang lahat. Doon na muna tayo since 11pm pa tayo aalis and 6pm pa lang naman. May surprise kami sayo."



Tinanguan ko na lang sya.


Ngayon lang naman 'to at hindi na mauulit pa.


Inihinto ni Alex ang sasakyan nya sa tapat ng isang compound. Marami ring nakaparada na sasakyan sa tapat, apat pa. Pare-parehas naman ang disenyo ng anim na bahay doon, magkakasin-laki rin.


"We're home. Tara naaaa!"



Nauna na syang bumaba. Ako naman ay kinuha ko pa yung mga gamit ko sa backseat. Haaay.


Pagkapasok ko, nagulat ako. Ang daming tao. Walong babae at limang lalake, kasama na roon si Jared na bigla na lamang lumingon sa akin at ngumiti.


FvckinSht?! Ang kagwapuhan nga naman nya, Lord!


Gumanti ako ng ngiti ng bigla na lang papalapit sa aming direksyon ni Alex si Jared.

"Surprise, sis!He's going to be your partner all-night long and ...enjoy!" sabay kindat sa akin ni Alex at saka pumunta sa mga taong nandoon at isa-isang binati ang mga ito.

The 17-year-old Mistress (Mistress Series Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon