Chapter 2; 保証

50 7 44
                                    

english translation; assurance

Athena's POV

I boredly laid my back on the headboard of the bed and stared at the television. I feel so bored right now yet I don't feel like going out with my friends. Earlier I kept on rejecting Tasha's calls because- well I honestly don't know why.

'ringgg'

Once again, muling nag-ring ang cellphone ko. Nagflash doon ang caller ID at Enzo ang nakalagay doon. Napairap nalang ako at inabot ang cellphone ko para i-silent mode iyon. Hanggang ngayon nagtatampo padin ako sakanya dahil hindi niya man lang ako binati nung nakaraan na birthday ko.

Ibinalik ako ang cellphone ko sa bedtable at muling nanuod ng telebisyon. Ewan ko kung bakit pero fairly odd parents ang napusuan ko panuorin. Siguro dahil na din sa sobrang pagkabored ko sa buhay ko ngayon tapos idagdag pa natin yung tampo ko kay enzo.

Bwisit din kasi yung lalaking yun, alam niyo sa totoo lang malapit na akong maniwala dun sa mga pinagsasasabi nung mga bruhang yung about dun sa Maxienne ba yun? Ewan basta yung sinasabi nila Lorraine at Xilexa na ex daw ni enzo.

Tsaka lately naging usap usapan din sa facebook ang Instagram post nung babaeng yun and guess what- magkasama talaga sila ni enzo nung nagpicnic kami nila Tasha kasama sila Drake sa school grounds para sa advance celebration ng birthday ko.

Isa pa yun sa dahilan ko kung bakit ako nagtatampo kay enzo, nakakainis kasi- hindi man lang siya nagpaalam na may pupuntahan siya tapos hindi niya man lang sakin naikwento yung babaeng yun.

"Argggg!" inis kong sabi at itinapon ang unan papunta sa may bintana ng kwarto ko bago inis na nagmartsa pababa.

Pagdating ko sa baba ay walang tao, kaming dalawa lang naman kasi ni ate Althea ang nakatira dito sa bahay simula noong namalagi na sa Italy sila mommy tapos naging bihira ang pagdalaw nila. Sa totoo lang miss na miss ko na sila, lalo na yung panahon na maingay pa dito sa bahay. Simula kasi noong kami nalang dito ni ate, bibihira na magkaroon ng ingay dito sa bahay.

"baka umalis na si ate Althea" bulong ko sa sarili ko bago dumiretso sa sala para magdive sa sofa. Muntikan ko pa sanang mabasag yung vase na nakapatong sa coffee table nang aksidenteng tumama ang binti ko doon.

Napatitig ako sa kisame ng bahay namin kung saan may nakalagay doon na acrylic led ceiling light. Iilaw kaya yan kapag brownout?

Aish, ano bang pinagsasasabi ko? Malamang hindi yan iilaw dahil brownout nga. Unless gamitan kayanin siyang pailawin ng solar panel namin pero bihira naman ang brownout dito samin kaya bibihira din kaming gumamit ng solar panel. Teka bat ba nakarating sa solar panel ang kwento ko?

Naupo ako sa sofa at tumitig sa paligid. It feels empty. I sighed and rested my back on the rest of the sofa. Napatingin ako sa mga picture frames na nakadisplay sa ibabaw ng bookshelf.

"Why do I feel so lonely this time?" I asked myself before once again throwing myself on the sofa.

Sa sobrang nakakabinging katahimikan sa loob ng bahay hindi ko na namalayan na paunti-unti na akong nakatulog. Nagising nalang ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Agad akong napatayo sa kinahihigaan ko para tignan kung sino ang pumasok.

Narinig ko ang pagkalampag ng mga kawali sa kusina kaya naman pinuntahan ko iyon. Tumambad sakin si ate Althea na abala sa pagluluto. Akala ko ba may shift siya ngayon sa ospital? Bat siya nandito ngayon?

"ate Althea" maikling bati ko sakanya at naupo sa isang high chair sa tapat ng pinaglulutuan niya. Ipinatong ko ang pisngi ko sa palad ko habang tinititigan ang niluluto niyang pagkain. Amoy palang nito alam ko nang adobo ang niluluto niya atsaka isa pa may toyo na nakapatong sa ceramic table kaya halata naman na adobo.

故事的另一面 ; ❝the other side of the story❞Where stories live. Discover now