Chapter Three

11.4K 261 8
                                    

Chapter Three

Nang makauwi na kami sa bahay na kasama si Mr. Jackson Tyler ay sinabihan ko agad ang kambal na pumasok sa kanilang kwarto para magpalit ng damit. Habang wala ang dalawa ay masinsinan na nag-usap kami ni Jackson.

"Myembro ako ng lavýrinthos mageia organization, isa yung secret organization na tanging na kontrolado ng government kung gusto mo malaman na totoo ang sinasabi ko ay pwede mo tawagin si Mr. Alfredo Ponpox." Ibinigay niya sa akin ang isang calling card. Shit! Ang president ng pilipinas?! "Nagsisilbi ang organization na ito na panatilihin na tahimik at mapayapa ang mamayan natin. At protektahan ang kagaya ng anak mo na may supernatural power sa mga taong naghahangad ng kapangyarihan."

Parang lumaki yung ulo ko sa narinig. Are they for real? Para lang ito sa movie na napapanood ko! But then again, my daughters aren't normal kaya siguro totoo din ang sinasabi ng tanda na ito. Pero there's something else bothers me. "If you just let us take care of your daughters ay hinding hindi ka magsisi dahil gagawin namin ang lahat para maging normal na tao sila na kagaya mo."

"Anong ibig mong sabihin diyan?" Iritadong tanong ko sa kanya, hindi ko lang gusto ang sinabi niya. Para kasing sinasabi niya na hindi normal ang anak ko! For pete's sake! And they think I would let my daughters take them away fom me? No way!

"Frankly speaking, aside living with us in the organization they will undergo on some sort of experimentation."

Hinampas ang aking kamay sa center table. "Ha! Experiment? You bloody bastard! Hindi ko hahayaan ang gusto ninyo! Get out!"

"Para din sa ikabubuti nila yun. Think about it, once na maging success yun ay magiging normal na silang tao!"

"No and that's fucking final, you hear me?! I won't let you do that to my daughters! Natural silang ganyan! Normal silang tao!" Singhal ko sa kanya, parang umuusok na ang ilong ko sa galit. At anong tingin niya sa sarili hindi normal? Kahit na gusto ko mamuhay silang dalawa nang normal na hindi ginagamit ang powers.

Tiim baga na tiningnan niya ako, tumayo siya at inayos ang necktie. "Pag-isipan mo. Bibigyan ka din namin ng financial na kinakailangan mo. Hindi mo na kailangan tumira dito sa ganitong bahay."

"Ha. Ano tingin mo sa akin, mukhang pera? May pera ako, kaya kong tustusan ang kinakailangan ko baka hindi na-record sa data ninyo kung sino ako?" Nanggagalaiting tanong ko, kinuyom ko ang kamao, pigil na masuntok siya.

"Momma?" Napasulyap ako kina Dedra at Devon na nakatayo doon sa hagdan. Bakas sa inosenteng mukha ang pag-alala.

"Bibigyan kita ng dalawang araw, Ms. Blackshire. Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo. Hindi ligtas ang anak mo dito." Then he made his way out from my house, nang makaalis na siya ay agad akong lumapit sa anak ko.

Tahimik na niyakap ko sila nang mahigpit.

"Momma?"

Pinakawalan ko sila sa pagkayakap tas tinitigan. "Gusto niyo bang pumunta sa amusement park?" Kuminang ang kanilang mata tas marahas na tumango-tango.

"Really? Yesh!" Sabay nilang sagot at tumalon-talon pa, hinawakan ko sila maigi para hindi sila mahulog sa hagdan.

"Butsh momma donsh hav work?" Tumigil sa kakatalon si Dedra.

"Wala. Day off ko bukas kaya walang problema." Sumagi sa isipan ko na ba't di kaya aalis na lang kami dito tas lumipat na lang sa malayong lugar at exclusive na subdivision kami titira? Tama. Aalis kami dito. Pero mamaya ko na problemahin iyon.

Crimson Night (Hiatus)Where stories live. Discover now