"Saan po bang lugar yung sinasabi niyo?" tanong ko

"Sa forbidden paradise" sabi ni headmistress na kinalaglag ng panga namin

"Nagbibiro po ba kayo headmistress? Sa forbidden paradise?" tanong ni brent

I know you're curious how it is called paradise if its forbidden. Tinawag itong forbidden paradise dahil ito ang tagpuan ng forbidden couple na sila astrid at aizen. Doon sila laging nagkikita. Pero ni minsan walang nakakita kung saan sila mismo doon nagkikita. Malaki kasi ang forbidden paradise. Isa itong isla. Wala talagang pumupunta doon dahil pagmamay-ari iyon ni astrid. Walang sinuman ang nakapasok doon na nakalabas ulit. Kaya pinagbawalan ang lahat na pumunta roon. Pero noong namatay si astrid at aizen nanghina ang barrier nito kaya may mga nakapasok na. Pero may isang lugar doon na di magawang pasukin dahil sobrang lakas ng barrier na nandoon. Ang sabi si astrid at aizen lang ang maaaring makapasok doon. Ang hinala nga ng iba ay baka yun ang lugar kung saan mismo laging nagkikita ang magkasintahan. Pero kahit may mga nakakapasok na roon hindi ka parin pwedeng pumunta doon ng basta-basta. Makakapunta ka lang doon kung may permiso ka ng mga royal councils. Di pa kami nakapunta doon kahit minsan kaya nga pangarap namin noon na makapunta doon. Kasi biruin mo makakapasok ka sa isla na pagmamay-ari ng isang diyosa. Sino ba namang pangangarapin na makatapak doon o kahit masulyapan man lang diba?

"Totoo iyon. Pumayag ang mga royal counsils na pumunta kayo doon para sa pagprapraktis niyo para sa pagtatanghal sa gods and goddesses feast at bilang gantimpala sa pagpatay sa isa sa mga miyembro ng cerberus. Pero kung ayaw niyo talaga pwede ko naman itong ibigay sa iba" sabi ni headmistress habang hawak ang sobre na naglalaman na pinahihintulutan kami ng royal counsils na pumunta sa forbidden paradise

Mabilis ko iyong hinablot sa kamay ni headmistress

"Kayo talaga headmistress masyadong mapagbiro. Siyempre tatanggapin namin ang pinapagawa niyo sa amin. Right guys?" tanong ko kila chloe

"Oo nga! Saka wala naman kaming sinabing di namin tinatanggap ang pinapagawa niyo samin. Masyado kang advance mag-isip headmistress" sabi ni chloe na sinang-ayunan ni brent at troy habang ang dalawang yelo ay tahimik lang at mukha hindi interesado sa pinag-uusapan.

"Good decision kids. Now you need to packed your things right now because you'll already leave later before the sun goes down. You may go now" sabi ni headmistress magsasalita pa sana kami ng biglang sa isang iglap nasa labas na kami ng HM office.

"Alam niyo may pagkabastos talaga si headmistress eh noh?" sabi ko

"Tama ka lia. Biruin mo yun di man lang tayo pinagsalita. Pinalabas agad tayo?" sang-ayon ni chloe

"Siguro ganyan talaga kapag matandang dalaga?" sabi ko

"Siguro. Saka siguro kaya laging masungit si Headmistress rei ay dahil wala siyang lovelife at sex life. Poor headmistress" sabi ni chloe na sinang-ayunan

"Aba! Di naman tama iyon! Di porket tigang siya dahil zero ang sexlife at lovelife niya ay ibubunton niya satin ang galit niya. Di yun makatarungan" sabi ko

"Ang balita ko nga eh. Nagkaroon daw ng dating kasintahan si headmistress rei kaso lang di nag work. Naghiwalay din sila. Di ko lang alam ang exact reason at kung sino iyon" sabi ni chloe magsasalita pa sana ako ng humangin ng malakas at bumukas ang pinto ng hm office. Bumungad samin ang madilim na mukha ni headmistress.

"Bago niyo ako pag-usapan siguraduhin niyo na wala kayo sa tapat ng office ko!! At wala kayong pakialam kung zero ang lovelife at sexlife ko! Wala din kayong karapatan na panghimasukan at pagchismisan ang lovelife ko! Now Go! or else di na talaga kayo makakaalis diyan sa kinatatayuan niyo dahil sisiguraduhin kong magyeyelo ang buong katawan niyo lalo na yang mga madadaldal niyong dila!!!" galit na sigaw ni headmistress kaya tumakbo kami ng mabilis ni chloe. Napansin namin na kami na lang pala ang nandito. Iniwan siguro nila kami ng biglang sumulpot si headmistress. Napakadaya!! Sabihin niyo nga pano ba namin sila naging kaibigan? Mang-iiwan sila sa ere! Pano nila nagawa iwanan ang isang diyosa na katulad ko? How could they?

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now