“Kaya nga ako natutuwa sa iyo, kasi parang hindi na naiilang sa akin. First time palang nating magkakilala pero parang sobrang close na natin sa isa’t isa?”

                “Baka tayo ang para sa isa’t isa talaga?” biro pa ni Andrei.

                “Tigilan mo nga ako Andrei, hindi ka nakakatawa” sabay nagmake-face pa ito sa kausap.

                “Hehe, bakit? Siguro gusto mo ako no? Uy crush niya ako. Syempre sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang tulad ko? Eh Gwapo na! Macho pa! kung nasa isip mo na…hmmm galawin ako. It’s up to you” sabay ngisi ng binatang si Andrei. Inaantay ang magiging reaksyon ni Jake. Pero inaasahan na nito na magagalit ito nang husto sa kanya.

                “Hoy hindi ako ganoon no? hindi ako easy to get. At hindi ang tipo mo ang gugustuhin ko. Matulog ka na nga” sabay kaagad na humiga itong si Jake at tinakluban ang kanyang mukhang nagmumukhang kamatis ng minutong iyon. Oo ang init-init nang pakiramdaman ni Jake ng minutong iyon. Parehong-pareho sa naramdaman niya noong unang may mangyari sa kanila ng kanyang dating kasintahang si Nick.

                “Don’t tell me virgin ka pa?” bulong pa ni Andrei sa kanyang tenga. Kaagad na napatayo si Jake at umusod nang kaunti. Umiwas ito kay Andrei na medyo natatakot na sa mga kinikilos nito.

                “Oo, virgin pa ako. Bakit anong masama sa pagiging virgin?” yung sinabe kong may nangyari sa kanila. That was his first kiss with him. Hangang kiss lang sila ng kanyang boyfriend na si Nick. Sa apat na taon nilang magkarelasyon. Holding hands na patago. Kiss sa kwarto nito kapag may pagkakataon, pero walang nangyayaring intimate scene sa kanilang dalawa. Siguro isa rin ito sa mga dahilan kung bakit siya hiniwalayan ng kasintahan. Hindi kasi nito handang ibigay yung mga bagay na hinihingi sa kanya ni Nick.

                Nakatitig lang si Jake kay Andrei. Inaantay ang magiging reaksyon nito sa kanyang sinabe. Pero nanatiling parin silang nakatitig sa isa’t isa na para bang inaantay kung sino ang unang magsasalita.

                “Hindi ka natawa?” nahihiya pang sabi ni Jake kay Andrei.

                “Ano ang dapat kong pag-tawanan doon? Yung virgin ka? Haha, you know what Jake? You should be happy. Because your still virgin. Kaunti nalang kayong virgin sa mundo. And atleast you treasure your body. You should be proud of yourself. Atleast nalabanan mo yung temper when it comes to sex” masayang sabi ni Andrei kay Jake. Buong akala pa naman ni Jake ay tatawana siya nito pero hindi. Inexplain pa sa kanya yung kagandahan ng pagtitimpi niya at natuwa pa si Andrei na malaman na sa apat na taon ng relasyon nila ni Nick ay walang nangyari sa kanila kahit minsan. That’s impossible right? Pero para kay Jake that’s possible. Dahil kung mahal mo ang isang tao, kahit na walang mangyari sa inyo, mahal at mamahalin mo parin ito”

∞ ∞ ∞

Jake’s POV

                Habang kausap ko siya. Hindi mawala sa isipan ko yung mukha ni Nick. Bakit ba kasi sa dami-rami nang pwede kong makilala sa araw na kung saan ay sobrang malungkot ay yung kahawig pa niya. At hindi niya lang kamukha, kaugali at kasing kulit niya din itong si Andrei. Lord! Bakit ganito? Nalilito na talaga ako.

∞ ∞ ∞

Andrei’s POV

                Lord! Hindi po ako bading. At alam ko po yun sa sarili ko. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko sa tuwing nakatingin ako sa mga mata niya? Bakit parang… Lord hindi pwede.

∞ ∞ ∞

                “Akala ko perfect na noong mahalin kita? pero mali pa ako nang inaakala. Maling mali,” si Jake habang nagsasalita mag-isa habang nakapikit ang mga mata nito ang mahimbing na natutulog. Oo mukhang binabangungot si Jake. May mga butil pa ng luha ang lumalabas sa kanyang mga mata. Naalimpungatan naman si Andrei dahil sa narinig niyang pag-iyak ni Jake. Kaya kaagad itong tumayo at tinignan si Jake pinunasan nito ang mga luha sa mukha nito saka sinabing…

                “Siguro nga mahal nga talaga niya ang boyfriend niyang iyon? Hindi naman siya iiyak nang ganito kung hindi niya ito mahal.” saka siya nagdesisyong tumayo at ayusin ang sarili. Wala nari namang ulan ng oras na iyon. Bumaba siya nang hindi na niya tinitignang muli si Jake. Sinarado niya nang maayos yung pintuan upang hindi ito marinig ni Jake. Nakita niya na si ang mommy ni Jake na naghahanda ng umagahan ng kanilang pamilya. Tumingin ito sa Wall clock na nakasabit sa may taas ng Refregirator, mag-aalas singko na pala. Five minutes before five. Napansin ni Mommy Divine si Andrei at inihinto nito ang kanyang ginagawang pancake. At saka naghugas ng kamay nito. Pinunasan sa kanyang apron na suot at lumapit kay Andrei.

                “Oh? Ang aga mo namang gumising? Nagugutom ka na ba? Gusto mo na bang kumain?” yaya pa nito sa gwapong binatang kaibigan ng kanyang anak.

                “Hindi na po. Uuwi na po ako, at doon nalang po ako mag-uumagahan sa bahay. Mukhang nag-aalala na sila sa akin eh. By the way thank you nga po pala sa warm welcome niyo sa akin dito sa inyong tahanan. I feel home po talaga. Bigla ko po tuloy namiss yung family ko.” malungkot pa na pagkwento ni Andrei kay Mommy Divine.  Saka inakbayan yung bisita ng kanyang anak at sabay sabing…

                “Andrei,  wala yun. I know miss ka na rin ng pamilya mo. O sya, babaunan nalang kita ng pancake na ginawa ko. Baka sakaling magutom ka sa biyahe mo. Okay?” saka hinalikan ni Andrei sa pisngi ang nanay ni Jake at lumarga na ito pabalik sa kanyang bahay.

THROUGH THE YEARS (Revised Edition)Where stories live. Discover now