Chapter 56: Twenty Three

Start from the beginning
                                    

She rolled her eyes. "Ewan ko sayo. Basta ayusin mo pagvivideo samin ha? Wag kang sisigaw!!"

"Opo, bru. Give your bestest ha? Baka nanonood si Wes s- ouch!!! Don't pinch me!!"

"Sige na, kami na next!!"

-

Tahimik na pinagmamasdan ni Wes sina Rocky nang nagsesetup sila sa stage. Nakalimutan nyang tanungin kung anong kakantahin nila.

"Bakit ka wala dun?"

Kumulo tuloy ang dugo ni Wes. Si Podi yun.

"Di ko trip dun, mas maganda view dito."

Tumabi sa kanya si Podi, as usual nakangiti na naman. "Magkagalit ba kayong dalawa?"

"Psh. Hindi."

"Sure ka? I mean ka--"

"Pake mo ba, Podi? Hindi ka naman makulit dati. Anong ginawa sayo ng La Salle?"

Natawa ang kausap. "Concerned lang ako. Akala ko pa naman.. magiging okay kayo pag hiniwalayan ko sya."

"Eh ikaw pa rin. Magagawa ko."

"Wesley.. ilang beses ko bang sasabihin sayo na may gusto rin sya sayo?"

"Maniniwala lang ako pag nanggaling yun sa kanya."

"Napag-usapan na natin to nung summer. B-"

"Oo na, sige ipamukha mo pa sakin. Kaya ka nakipagbreak sa kanya kasi nagseselos ka sa closeness namin, na nararamdaman mong iba yung affection nya para sakin kesa sayo.. na iba sya kung mag-alala sakin. I get that, I owe it to you. Pero hanggang dun na lang yon. Sariling diskarte ko na sana ngayon, please?"

"I understand. I know you can make her happy. Kaibigan ko sya and.. I still have the right to look after her."

"Ikaw kasi, g@go ka. Bakit ang perfect mo? Bwiset."

"Loko ka talaga, I'm not that perfect."

Natigil sila sa pag-uusap nang umingay ang static sa lugar.

"Please welcome the next band.. Meiko!"

Nagdim ang ilaw sa stage at dun na nagfocus sa spotlight sina Rocky.

"Good evening guys! We're Meiko! Hope you'll like our set."

Isang pamilyar na kanta ang narinig nila sa speakers.

"Ang haba naman ng intro ng kanta na 'to!" reklamo ni Wes.

Tumawa naman si Podi. "Alam mo ba kung anong title ng kantang yan?

"Ano?"

"23. Jimmy Eat World." Tumahimik si Wes. "Listen to the lyrics. Pano, una na ko. Masira ko pa moment mo dyan."

Si Wes naman.. napatitig kay Rocky habang kumakanta ito.

I felt for sure last night
That once we said goodbye
No one else will know these lonely dreams
No one else will know that part of me
I'm still driving away
And I'm sorry every day
I won't always love these selfish things
I won't always live...
Not stopping...

Ayaw nyang i-assume na para sa kanya ang kantang yun. Pero.. may something sa lyrics eh.

It was my turn to decide
I knew this was our time
No one else will have me like you do
No one else will have me, only you


Gusto nyang maniwala.. kaso.. totoo nga ba?

You'll sit alone forever
If you wait for the right time
What are you hoping for?
I'm here I'm now I'm ready
Holding on tight
Don't give away the end
The one thing that stays mine...

--

Sumilip muna si Barbs sa activity center bago sya pumunta sa Starbucks. Good thing na malapit ang cafe sa pinaggaganapan ng Battle. Ang bilis ng tibok ng puso nya. Sino kaya si MRSD?

A funny thought hit her. Pwede kayang si Cyrus yon? Haha. That would be the lamest prank EVER. Imposibleng iisa si NerdySavvy at MRS--

SHT SHT


Tumigil sya agad sa paglalakad at nagtago sa may pillar. Si Cyrus, nasa may Starbucks.

Sht sht s--

Pucha.

He's with Tatin. Naghihintay lang pala ito sa labas.

Sht. Hindi sya si MRSD. Wala itong dalang libro.

Mas lalo syang natakot. She's secretly hoping na si Cyrus yun, para in your face ang magiging reaction nya. Pero ngayon sa nakikita nya.. wala na. Di na nya kalkulado ang mga gagawin nya.

Nagdadalawang-isip tuloy sya kung tutuloy pa ba sya o di na. Curiosity killed the cat, tanda nyang sabi ni Lean.

And satisfaction brought it back, retort ni Vivien.

Wala namang mawawala kung kikitain nya si MRSD diba? Bakit sya natatakot?

8:37 pm na sa phone nya, malapit nang matapos sina Rocky sa 2nd song nila. She must do this.

Binilisan nya ang paglalakad. Agad nyang hinanap si MRSD mula sa labas ng café. Nang wala syang makitang may hawak na libro, pumasok kaagad sya. She searched for him/her until..

she saw someone reading at the far end part of the café.

Naka-hoodie ito, di nya mawari kung babae o lalaki. From her view kita nyang One Hundred Years Of Solitude ang binabasa nito. Di sya nagkakamali, yung color green at may pinkish sa cover yun. She knows that very well.

"Bahala na, Barbs. If he/she turns out to be a creep.. alam mo kung saan sya sisipain."

With one last sharp breath, lumakad na sya.

One step away..

nang kalabitin nya ito.


"Uuhhh.. MRSD?" muntanga nyang sabi.


And that person turned around.



Di alam ni Barbs kung anong dapat nyang maramdaman at that moment. O kung may dapat ba syang maramdaman at all.

Dahil...

"I knew it was you."



She couldn't believe it. Feeling nya niloko sya.


Gusto nyang himatayin pero pinigilan nya ang sarili. Instead.. she mumbled something.



"You're MRSD?





Lean?"

-

Mehehehe sorry sa mga humulang si Seth/Cyrus/Tatin/Vivien/Panot/MsMedina.

Si Lean kasi yon. Sorry! XD

If I Fall (Taglish)Where stories live. Discover now