Chapter 3 part 2

Mulai dari awal
                                    

Oooookkkaaayy.... hindi sya friendly. Unti-unti ko lang binawi ang kamay ko. Pahiya naman ako. .

"Sige ummm... " Ano bang itatawag ko sa kanya? Hindi naman nya sinabi yong pangalan nya. "I really have to go." I still have so many questions kung anong nangyari sa akin at kung paano ako napunta dito, hindi ko nga rin alam kung nasaan ako. Hindi ko kilala ang babaeng kasama ko na napaka-hostile, mukhang wala rin namang balak akong tulungan at nahiga na sa kama at mukhang matutulog na.

Bahala na nga lang, I just have to figure things out on my own. Ang importante ay makauwi ako at baka nag-aalala na sa akin si Manang. tiningnan ko ang wrist watch ko. Oh my gosh! It's already 6:00 A.M!

Hinanap ko sa paligid ang mga gamit ko. Mabuti at mabilis kong nakita yung sapatos ko na nasa ilalim ng kama. Yung bag ko naman ay nasa side table lang. Hinalungkat ko yung bag ko para hanapin ang cellphone ko. Magpapasundo na lang ako kay Manong. Ang problema, hindi ko makita ang cellphone ko! Hinalungkat ko nang hinalungkat ang laman ng bag ko, itinaob ko na nga ito at inilabas lahat ng laman, pero wala akong nakitang cellphone!

Hanggang sa naalala ko na ipinatong ko pala sa lamesa ito. Hala! hindi ko na ulit nakuha ito! Naiwan ko sa bar! LAGOT NA! Huhuhuhuhuhu.... Paano ako makaka-contact nito sa bahay?!

Kinalabit ko yung babaeng nakahiga. Nyiii... sana hindi mangagat.

"Miss...ummmm... Miss?"

Now it's my turn to make kalabit. Hindi pa naman sya tulog kaya, hindi ko naman sya masyadong binubulabog. Slight lang...

"NAKU NAMAN!!!! ANG LAKI NG PROBLEMA NG LAHI MO!!!"

NYIIII! Pra palang criters ito.. Nakakatakot! Pero, no choice ako e, wala akong way para maka contact ako sa bahay.

"Ummm.. Miss pasensya ka na a, baka pwede mo naman akong pahiramin ng cellphone mo. "

" hmmmp!" Tumalikod sya.

"Sige na please.. Magpapasundo lang ako. Promise kapag nakatawag na ako hindi na kita iistorbohin."

"O sige na nga.. Pero may bayad yan. Isang daan isang minuto." Kinuha nya yung cellphone nya at inabot sa akin.

Sobra namang mahal!!! Matindi pa to sa long distance a! Pero no choice, kapit sa patalim, kailangan ko talagang makatawag. Sige na nga.

Kinuha ko yung cellphone nya, unfortunately.. Wala namang signal!

"Ano ba yan.. Walang signal. Ate, anong network mo?"

"Sun, saka globe." Kinuha nya sa kin yung cellphone at tiningnan. "Oo nga ano, wala ngang signal parehong network. " Inilahad nya ang palad nya. "O sige kalahati na lang ang ibayad mo sa kin."

"Teka! Hindi naman ako nakatawag e! Bakit kailangan pa kitang bayaran!"

"Aba, e syenmpre. Isang daliri mo lang ang humawak dyan, sampung piso na yon, e limang daliri mo ang sumayad sa pinakamamahal kong cellphone, kaya 50 pesos ang charge. Discounted na nga yon, hindi ko na nga sinama yang palad mo, plus bente pesos na nga yon. Nakatawad ka na nga. "

Wow, grabe.. Ibang klase tong si Ate! Sindikato ata ito e!

Hay nako, para wala na ngang away, kumuha na lang ako ng pera sa wallet ko at inilagay ko sa kamay nyang naghihintay ng grasya.

Pagkakuha nya ng pera ay humikab sya at nahiga ng muli.

"Ate, teka, wait lang.."

"Ano na naman! Nakita mong puyat ang beauty ko, istorbo ka dyan! "

"Last na to. Ummmm... Nasaan ba ako, at paano ako makakabalik sa Maynila?"

"Nasa San Sebastian ka, at hindi ka makakabalik sa Maynila. Putol ang tulay."

The AIR i BreatheTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang