#Career

62 8 1
                                    

Victoria Oliva, the newest Goddess endorser of Goddess Beauty Essentials.
Namutawi ang matingkad na ngiti sa mga labi ng dalagang si Victoria nang mapansin niya sa kahabaang ng EDSA ang pinakabago at pinamalaki niyang billboard.
"Rumaragasa ang pagdating ng mga endorsements, new show, new movies at kung ano-ano pa sa career mo, anakshie," sarkastiko pang sabi ng manager niyang Mamita Georgie, na mas lalong nagpataas ng kanyang self-confidence.
"S'yempre naman po, Mamita. Sino ba ang aayaw sa kagandahan kong 'to?" sarkastiko rin niyang sagot habang naka-chin-up pa, "Hindi lang talented, beauty with so much brains pa," giit pa niya.
"Tama ka, anakshie!" sagot ng kanyang manager kaya nagkatawanan na lamang silang dalawa.
Sa edad na seventeen years old ay isa na sa mga sikat na young actress ng YBS Network si Victoria Oliva. Na-discover siya ni Georgie sa isang salon nang magpaayos siya roon para sa kanilang graduation ball. Inalok siya nitong mag-artista na agad ding sinang-ayunan ng kanyang ina. Kaya nang makapagtapos siya ng junior high school ay agad siyang nag-audition sa isang reality show ng YBS.
Naging isa siya sa labintatlong contestant ng nasabing show at sa huli ay itinanghal ding grand winner. Mula noon ay naging visible na siya sa iba't ibang show ng network. Nagkaroon ng ilang pelikula, teleserye, endorsements at iba pang pagkilala sa kanyang talento sa pag-arte, pagsasayaw at pagkanta.
"By the way, anakshie, totoo bang sinagot mo na si Hadji?" taas-kilay na usisa ng kanyang manager, na alam niyang hindi pabor sa pagkakaroon niya ng love life, na panira lang sa career ayon dito.
"Never po siyang nanligaw sa 'kin, mamita kaya walang sinagot o sasagutin," paliwanag ni Victoria habang nakatitig pa sa mga mata nito dahil sigurado siyang pagdududahan nito ang mga sinabi niya.
Sa totoo lang, walang nakakaalam na halos dalawang linggo na silang magkasintahan ni Hadji Oliquino. Ito ang runner-up niya sa reality show kaya naging malapit sila sa isa't isa. Sa kabila ng kanilang relasyon, no commitment ang number one rule nilang dalawa. Sa ngayon ay ini-enjoy na lamang nila ang isa't isa sa shooting ng pinakabago nilang pelikula; ang The Way You Look at Me kung saan sila ang magka-loveteam.
"Okay. Okay. Basta tandaan mo---"
"Bawal ang love life dahil malaking panira 'yon ng career," natatawa niyang sabi patungkol sa number one motto nito.
Mahalagang-mahalaga para sa kanya ang career niya dahil malaki ang ipinagbago ng kanilang buhay mula nang maging artista siya. Kaya hinding-hindi siya makakapayag na masira 'yon ng sino man at gagawin niya ang lahat 'wag lang bumalik sa kahirapan ang kanilang pamilya.
Ilang saglit pa ay tumahimik na lamang siya at nag-browse sa kanyang social media accounts dahil gustto niyang malaman kung gaano na ba karami ang nanood ng newest commercial niya sa Goddess Beauty Essentials.

"Congratulations, Victoria. You deserved that FAME Best Actress award."
"Thank you po," matipid na sagot ni Victoria sa host ng Rated C+, na si Catriona Pillo.
Sa unang pagkakataon ay nasungkit niya ang award na pinakaaasam ng mga malalaking artista sa showbiz at lalong-lalo na ang mga kasabayan niya.
"Ano ang naging inspirasyon mo upang magpatuloy sa pagpapahusay ng iyong mga talento?" pagpapatuloy ni Catriona sa interview nito.
Tinitigan niya ang kamera bago sumagot, "Ang pamilya ko po ang number one inspiration ko dahil para po sa kanila ang lahat ng ito," malumanay niyang paliwanag.
"We love you so much, Victoria!" sigaw ng isa sa mga fangirl niya.
Humarap siya sa kinaroroonan ng kanyang mga tagasuporta.
"S'yempre po, inspirasyon ko rin ang aking mga walang sawang tagasuporta," nakangiti pa niyang sabi habang kumakaway kaya naghiyawan pa ang mga ito.
"Ngayong malayong-malayo na ang narating ng career mo, handa ka na bang harapin ang mga trending issue sa 'yo?"
Pasimple siyang napalunok dahil sa mga sinabi ni Catriona. Hindi agad siya nakapagsalita dahil sa pananaig ng kaba sa kanyang dibdib. Mukhang alam na niya ang mga gusto nitong malaman.
Wala kang dapat ikahabala, Victoria, giit niya sa sarili.
Napansin pa niya ang mga tingin ni Mamita Georgie na alam na niya ang ibig sabihin; 'wag niyang sagutin ang mga issue na 'yon.
Pero hanggang kailan siya mananahimik? Handa na siyang magsalita ngayon dahil sigurado siyang paniniwalaan siya ng mga tao. Kaya pilit siyang kumalma at muling ngumiti sa kanyang mga tagahanga.
"Sasagutin ko po ang mga 'yon para sa aking mga fans," sarkastiko pa niyang sabi kahit pa napansin niyang napailing na lamang si Mamita Georgie.
"Thank you sa pagtanggap sa aking hamon, Victoria," ani Catriona at saglit munang tumahimik. Isang maliit na fish bowl ang kinuha nito sa lamesang nasa gilid nito, na naglalaman ng mga iba't ibang kulay nang nakabilot na mga papel. "Nasa loob nito ang mga trending issues tungkol sa 'yo. Ikaw na ang bumunot sa mga tanong na kailangan mong sagutin."
"Sige po." Isang pulang papel ang una niyang nabunot. Ibinigay niya ito kaya Catriona upang basahin ang nilalaman niyon.
"Victoria, totoo bang nabuntis ka noong ikaw ay fourteen years old pa lang at ipina-abort mo ang iyong magiging anak?"
Nangibabaw ang katahimikan sa buong studio dahil sa nakakagulat nitong tanong.
"Hindi po," seryoso niyang sagot at pilit na ngumiti, "Mahalaga po sa akin ang aking pamilya kaya kung sakali mang mabuntis ako ay hinding-hindi ko siya ipapa-abort. Proud ko pa siyang ipapaalam sa ibang tao dahil anak ko siya," lakas-loob pa niyang paliwanag.
Naghiyawan ang kanyang mga tagasuporta niya dahil sa kanyang mga sinabi.
"Kung sakaling mabuntis ka ngayon, ibig sabihin ay handa ka rin bang ipagpalit ang career mo para sa 'yong magiging anak?"
"O---" Hindi na niya naipagpatuloy ang kanyang sasabihin dahil sa biglaang pananakit ng kanyang puson, na tila ba may gumagalaw sa loob nito!
Napansin ni Catriona ang panginginig niya. Lalo na ang pamumutla ng kanyang mukha na halatang may iniindang sakit. "Are you okay?"
"Ang sakit ng puson---" Mahina man ang pagkakasabi niya pero alam niyang narinig siya nito kaya agad itong lumapit sa kanya.
Tuluyan na siyang napaupo sa sahig nang maramdaman niyang tila may kung anong bagay ang gustong lumabas mula sa kanyang pagkababae.
"Ano'ng nangyayari sa kanya?!"
"Bilisan n'yo! Dalhin na natin siya sa ospital!" sigaw pa ng kanyang manager.
Umalingaw ang nakabibinging tinig ni Victoria nang mapansin niyang may umaagos na buo-buong dugo mula sa kanyang pagkakababae. Hindi rin siya malapitan ng ibang tao dahil nadudulas ang mga ito sa malagkit at masangsang niyang dugo.
"Ano bang nangyayari sa 'kin?" nanlulumo niyang sabi habang pilit na pinipigilan ang pagbulwak ng dugo mula sa kanyang pagkababae.
Mama.
Mama!
Mama...
Unti-unting nanlaki ang kanyang mga mata nang mapansin niyang nabubuo ang mga dugong iyon at naging isang sanggol.
"Mama..." sabi ng sanggol na nakapagtatakang nakapagsasalita na.
"Hindi kita anak! Wala pa akong anak!" paulit-ulit niyang sigaw dahil sa unti-unti nitong paggapang palapit sa kanya.
Mas lalo pa siyang natakot nang mapansin niyang nag-iisa na lamang siya roon at nakatutok pa rin sa kanya ang malaking kamera. Siguradong malalaman ng maraming tao ang pagkakaroon niya ng anak! Pinilit niyang tumayo upang umalis doon pero ilang beses lang siyang nadulas sa sarili niyang dugo.
"Wala pa akong anak!"

"ANAKSHIE..."
Tuluyan nang nagising si Victoria mula sa bangungot na iyon nang maramdaman niya ang marahang pagtapik ni Mamita Georgie sa kanyang pisngi.
"Anetch 'yong ini-spluk mo kanina?" kunot-noo nitong tanong sa kanya.
Hindi na siya nakasagot pa dahil natatakot siyang malaman nito ang pinakatatago niyang sikreto. Na siguradong magiging dahilan nang pagkawasak ng umaalagwa niyang career.
"O siya, umaayos ka na dahil malapit na tayo sa YBS," naiiling pang sabi nito kaya bahagyang nang napanatag ang loob niya.
Marahan siyang tumango habang pilit na kinukumbinsi ang kanyang sarili na hinding-hindi niya hahayaang mangyari ang bangungot niyang iyon. Hinding-hindi niya hahayaang masira ang kanyang career dahil sa sanggol na 'yon!

YOUNG actress nabuntis ng ka-loveteam niyang young actor.

Nanlaki ang mga mata ni Victoria nang mabasa niya ang blind item na ito sa official twitter account ng isang showbiz talk show.
Hindi nila puwedeng malaman ang totoo, giit niya sa sarili habang pinipigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha.
Nanginginig niyang hinawakan ang kanyang cell phone nang mabasa niya ang mga komento ng mga netizen sa nasabing tweet.

Sigurado akong si Victoria Oliva at Hadji Oliquino ang tinutukoy rito!

Nagpalaglag na nga siya noon 'di ba? Malamang ipapalaglag niya uli.

Tuluyan na siyang napaiyak nang mapansin niyang tinatawagan na siya ng kanyang manager. Iba't ibang kakilala na rin niya ang nagpapadala ng mensahe sa kanyang Messenger. Siguradong-sigurado siya na uusisain lamang siya ng mga ito tungkol sa isyung iyon.
Hinding-hindi n'yo na malalaman pa ang totoo! sigaw ng kanyang isipan.
Marahas niyang pinahid ang kanyang mga luha at mabilis na pumasok sa loob ng kanyang banyo dahil sa pananakit ng kanyang puson. Sa kabila nito, napangiti siya dahil muling umepekto ang likidong ininom na rin niya noon.
"Hadji, wala na tayong problema," giit pa niya habang nakatingin sa larawan nito nasa wallpaper ng kanyang cell phone.
Makalipas ang ilang minuto ay isang buong dugo ang tuluyang lumabas mula sa kanyang pagkababae. Muli na naman niyang kinitil ang mumunting nilalang sa kanyang sinapupunan.

Wakas.

2018.Mysterious Eyes | Xerun Salmirro

#CareerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon