Epilogue(KATAPUSAN)

Start from the beginning
                                    

Hindi ko maiwasang mapangiti at tumingin sa puntod nina Ina, Ama, Ate Irene, at Ina ni Ate Irene. Maswerte ako ng makilala ko sila lahat.  Ang nagaruga at nagkupkop na Si Mama Irish na ina ni Ate Irene, Malaki ang pasasalamat ko kahit di ko siya nakita sa huling hininga niya. Namatay siya sa sakit niyang cancer pagkatapos kong pumunta ng Dellik.

Inilagay namin ang mga dala naming bulaklak at nagsindi rin kami ng kandila. Umihip ng napalakas ang hangin.Yinakap ko ang aking sarili at napatingin sa paligid. Parang nararamdaman kong may tumitingin sa paligid ko. Wag naman sana! Wag naman dito! Akala ko ba tapos na sila at ubos na silang lahat.

"Ate! Nararamdaman mo bang may nakatingin sa atin.?"

"Shhh... Tumahimik ka nalang."

Bumalik na kami sa sasakyan ng sumigaw si Jane.

"Ate!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

"Jane!"

Nakita kong may nagtakip ng panyo sa bibig ni Jane na nakamaskara at bigla nalang may nagtakip sa bibig ko. Huli kong narinig ang isang putok! Please! Please! Wag naman sana ang kapatid kong si Jane! Siya nalang ang natitira kong kapamilya. Hanggang sa nakaramdan ako ng pagkahilo. Siguro dahil may inilagay sila sa panyo.

---

Nagising nalang ako ng may kumiliti sa akin. Napabangon ako ng naalala ko ang mga nangyari. Si Jane at ako ay kinidnap. Nasa tabi ko ngayon ang isang pusa. Napakaputi ng mga balahibo niya at napaganda ng gray niyang mata. Ito pala ang kumiliti sa akin kanina. May napansin ako sa leeg ng pusa, may nakasabit doon na sulat. Kinuha ko yon at binuksan.

Nagkita tayo muli! 

-Unang Pagibig

Ha? Baliw ba ang nagsulat nito. May pa unang pag-ibig pang nalalaman. Inilibot ko ang aking tingin, nasa kwarto pala ako, isang lumang bodega, wait! Parang pamilyar sa akin itong lugar na ito ha? Tama! Ito yong abandonadong lugar sa Dellik! Papaano? Sino ba ang nagdala sa akin rito! Si Jane! Okay lang kaya siya? Di ko maiwasang maalala ang mga sakit, poot , at galit sa lugar na ito. Agad ako bumangon at lumabas. Bumungad sa akin ang sikat ng araw at ang napakagandang kalangitan. Mga ibong nag-aawitan at ang napakagandang tanawin. Napansin yong may pulang carpet ang nakalagay, at parang kagaya sa Red Carpet sa Las Vegas. May mga petals rin ng tulips na nagkalat! Saka sa mga puno ay may mga nag-gagandahang ilaw. Kahit umaga ay mamamangha ka parin sa mga nagkukulayang ilaw. Sinunod ko lang ang pulang carpet kung saan ito hihinto. Pagdating ko sa isang puno ng mangga may mga larawan doon na nakasabit. Tiningan ko yon at di ko maiwasang maluha, mga picture ko noong nag-aaral pa ako sa Dellik. May mga larawan din ni Jane, France at KJ! Kamusta na kaya ang dalawang yon?

Aish! Tama na ang pag-emote IU! Lakad ka lang. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko at unti-unti may narinig ako kantang tinutugtug.

Pamilyar sa akin ang kantang 'yon! Paper Hearts! Oo tama nga. Pagdating ko sa dulo may mga papel na heart ang nakasabit. May mga upuan at lamesa rin. Sa gilid may mga nag-violin at nagpiano. Lumabas si Jane na nakawhite dress at may mga bulaklak sa ulo niya.

"Ate! Sana magustuhan mo ang irenegalo namin para sa'yo!"

Saka niya ako hinila at nilagyan ng koronang bulaklak. Lumabas mga dati kong Classmate at Schoolmates sa Dellik. Nakangiti sila ngayon sa akin, bumabati rin sila na nagagalak silang makita ako muli, na nagsalba daw sa kanila sa malupit na pang-aabuso ng Mga makakapangyarihang tao sa Dellik.

The Hidden Slayer[COMPLETED]✔Where stories live. Discover now