Slayer 12 A Night With Him

685 16 0
                                    

IU's Pov:

"Pwede mag-pahinga muna tayo. Hingal na hingal na ako. Kanina pa tayo takbo ng takbo. Maawa ka naman sa akin France"

Bigla nalang niya ako binuhat. Puta

"Ah! Ibaba mo ako .Ibaba mo ako Hayop ka!"-sigaw ko

"Tsk! Nag-hahanap tayo ng magandang matutulugan para di tayo matuntun ng ibang grupo. "-sya

Actually dala ko ay isang bagpack puno ng armas , damit at pagkain. Kaya nga sobrang bigat. Napansin kong gumagawa ng tent si France. Wait!wala pala akong dalang mga unan at kumot. shet!

"Tulungan mo naman ako dito wag kang tatanga tanga dyan"-singhal ni France

Tsk.Lakas makautos. Habang siya ay abala sa tent ako naman ay abala sa pagluluto. Nang bigla niya binuhusan ng tubig ang apoy na nagliliyab na sana. Kaya ayon nabasa ako.

"Putahamnida ka France ba't mo yon binuhusan ng tubig . Argh. Paano tayo kakain. Hayup ka pala eh. Nabasa tuloy ako."-sigaw ko sa kanya.

He just give me a bored look.

"Gusto mo matuntun tayo nila ! Kung gusto mo mamatay agad pakamatay ka nalang . Saka magbihis ka na sa loob ako na nag magluluto."-saka niya ako nilampasan.

Bipolar talaga.=O=

Agad ako pumasok sa tent at nagbihis ng White V neck tshirt at Ripped jeans. Medyo malamig sa labas dahil gabi na ay nag-suot ako ng jacket. Paglabas ko ay nakita ko na nag-hahanda na ng pagkain si France.

Noodles.

"Oh!"-bigay niya sa akin ng noodles

Yong kagaya sa Korean movies na pinapainit lang ng tubig. Nilantakan ko na ito dahil gutom na gutom na ako. Andito kami sa labas ng tent at ilaw lang ng kanyang cellphone ang ginagamit namin.

"Wag na wag tayong gumawa ng apoy baka matuntun tayo sa usok nito at liwanag. Baka mapadali ang pagpatay nila sa atin. Saka pakibilisan yang pagkain mo. Dahil isang minuto lang tayong matutulog at simulan na natin ng paghahanap sa kanila at mapatay na sila. Dapat nating maunahan sila."

Mahaba niyang paliwanag. Tumango nalang ako at binilisan ang pagkain. Kaya pala niya binasa kanina ang apoy para di kami matuntun. He's quite clever. Talagang alam na alam niya ang gagawin sa oras na ito. Pumasok na ako sa tent. At nadatnan kong nag-aayos na ng mahihigaan si France. Shet!wala akong dalang kumot at unan.

"May dala kang kumot at unan"-tanong niya.

"Wala"

"Tsk!"

Saka niya tinapon sa mukha ko ang isang unan at kumot. Pumesto na ako sa tabi niya pero hindi sa tabi niya talaga. Isang inches lang ang layo. Ganern.

Handa na sa akong matulog ng mag-salita si France. Alam mo ba kong ano ang pwesto niya. Nakahiga siya habang nag-sasalita.

"Naalala mo na ba ako IU?"-tanong niya.

Anong naalala ang sinsabi niya?Naguguluhan ako!

"Anong naalala ang sinasabi mo?Magkakakilala ba tayo dati?"tanong ko naman

"Matulog ka nalang "-saka niya tinabunan ng kumot ang mukha niya.

Weird!

Makatulog na nga rin.

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzz........

France Pov:

Habang himbing na himbing na natutulog si IU ay muli kong pinag-masdan ang kanyang magandang mukha. Gabi gabi ko itong ginagawa kapag natutulog siya. Mukhang di naman niya napapansin. Ang ganda niya talaga. Sh*t ba't ba kasi iniwan niya ako. Naghintay ako ng dalawang taon at ngayon babalik na siya, babalik siya pero di niya magawang maalala ako.

Ang sakit.

"Mahal na mahal kita IU"

Alam kong tulog na siya kaya di niya ako maririnig . Pipigilan kong halikan siya at yakapin. Baka ito pa ang ikakapahamak niya.

IU's Pov:

Nagising nalang ako na parang may nanunuod sa akin. Di ko pa iminulat ang mga mata ko at nakkikinig lang ako.

"Mahal na Mahal kita IU"

Wait? Tama ba ang naririnig ko. Si France nag-coconfessed sa akin. Wait! Baka nanaginip lang ako . Nanaginip lang ako.

Magising nga.

Bang!

Dali-dali akong bumango at nakita kong natutulog pa si France . Mukhang panaginip lang pala yon. Wait!Parng baril yong narinig ko kanina ah. Mukhang nagising rin si France at sinabing lumabas na kami ng tent at umalis na sa pwesto dahil nag-simula na ang laban. Sinuot ko ang aking shoes at jacket saka kinuha ang bagpack ko. Kumuha rin ako ng baril at patalim at itinago ito sa jacket ko.

"Let's go IU"

Kaya dali dali kaming tumakbo. Habang kami ay tumatakbo bigla nalang sumabog sa aming pwesto kanina sa tent namin. Mukhang natuntun nga nila kami.

"Faster IU! Baka mahabol nila tayo"-sigaw ni France.

Di pa siya nakuntento hinila niya ang kamay ko at mabilis kaming tumakbo.Ba't sa mga oras na ito ay para akong kalmado lang. Ba't hindi ako natatakot. Dahil ba na TOP 1 tong kasama ko at kaya niya akong iligtas.

"IU! Umakyat ka sa punong yan"-turo ni France sa isang malaki at mataas na puno.

Is he crazy?

"Ba't mo naman ako paakyatin dyan aber? Nahihibang kana ba?Paano kong mahulog ako.Ha?"- singhal ko

"Argh!Just freaking follow me! Kailangan mong umakyat dyan para makita natin kung sino ang gumawa nong pagsabog ! Argh"

"Fine"

At sinimulan ko ng umakyat. Buti nalang at marunong akong umakyat.

"Nakikita mo na ba!"-sigaw niya

"Hindi pa! Andami pang usok eh!"-at puwesto ako sa isang sanga kong saan kapag nawala na ang usok malalaman na namin kong sino yong mga tanginang nag-pasabog.

"Oh ito!"

"Argh!!!!!!!"O-O

"Tsk!" Saka niya hinawakan ang aking bewang upang hindi ako mahulog .

Dug! Dug! Dug!

"A-li-sin mo- nga an-g ka-may m-o" -ako

Argh ba't ako nauutal!

"Tsk!Gusto mo ba mahulog!Tsk"- France

"Di ba bawal yon!"- ako

"Bakit! Yinakap ko ba ang bewang mo dahil gusto . Assumera ka pala ! Tsk!Concern lang ako dahil partner kita!"saka pinitik niya ang aking noo

"Hmp!"- ako

"Para sa saan ang googles na ito?" Sabay pakita ko sa kanya ng isang googles, yong binigay niya kanina

"Tsk!Edi! Gamitin mong ulam!Para saan ba yan ginagamit!"-pilosopo niyang sabi.

Putahamnida. Sinuot ko na ang googles at tanging kulay green lang ang makikita mo at medyo may dalawang tao akong naaninag. Zi-noom ko ang googles at Puta .

Si Jenny At Cris ang nagpasabog. Akala ko ba!Mag-kaibigan kami!

"Sa larong ito IU! Tandaan mo tanging sarili mo lang ang kaibigan mo! "

At umalis na sa kahoy si France kasunod nito ang malakas na putok ng baril.



***

♡Cath

The Hidden Slayer[COMPLETED]✔Место, где живут истории. Откройте их для себя