Chapter 8: Exclusively Dating lang Pala.

Começar do início
                                    

"Epekto ho iyan ng kanyang cancer cells sa utak." Pumunta sa kanyang drawer ang doktor at hinanap ang files ni Lian.

"Mrs. Centeno, may Good News at Bad News po ako sa inyo. Ano pong unang gusto niyong marinig." Tiningnan ni Aling Mercedez ang kanyang anak na tipong naghihintay kung anong isasagot nito sa doktor.

"Kahit ano Ma. Parehas naman nating maririnig yan." Napangiti ang doktor sa narinig niya kay Lian. Nagbago siya sa maikling panahon lamang. Ang dating walang buhay noon ay punong puno ng lakas ngayon.

"Sige po, bahala na kayo." Sagot ni Aling Mercedez.

"Ok, Ang Good News po eh, nagko-concentrate lang po sa isang parte ang cancer cells, doon po sa occipital lobe ng cerebrum, ang bad news po eh kapag nag-continue po sa pag spread ang kanyang tumor, maapektuhan po ang kanyang eyesight. Ang tantya ko ay apat na buwan magmula ngayon."

Parang nagulat naman ang Ina ni Lian sa narinig. Si Lian naman ay handa na sa kung anuman ang mangyayari.

"Nay, matagal nang sinabi ni Dok na posibleng maapektuhan ang paningin ko dahil sa lokasyon ng tumor ko. Sinabi niya na noon pa na baka mabulag ako." Sinubukan ni Lian na pakalmahin ang ina.

*Apat na buwan, sasamantalahin ko ang apat na buwan at pagsasawaang makita ang mga gusto kong makita bago pa ako mabulag* wika niya sa sarili.

Makaraan ang ilang oras ng pakikipag-usap sa doktor ay umalis na sila. Sa labas ay nakiusap si Lian sa kanyang Ina an kung maari ay huwag muna nilang ipaalam sa iba ang sinabi ni Dr. Roque. Gusto sana niya na kung meron mang magsasabi kay Shot at sa iba niyang kaibigan ay walang iba kundi siya. Sumang-ayon naman din si Aling Mercedez sa gustong mangyari ni Lian.

...........

Bandang hapon ay pinag-uusapan nila ng kanyang Ina ang gaganapin niyang pagdiriwang muli ng kanyang kaarawan.

"Gusto ko, simple lang. Tapos yung mga malalapit lang sa akin." Wika ni Lian

"Gusto mo ba next week?" Parang ang lahat ng gusto ng kanyang anak ay nais niyang ibigay. Lumaki itong hindi naman humihiling ng kahit ano. At kung sakali man na mawawala ito sa kanila ay ibibigay nila ang lahat sa kanya.

Habang nag-uusap sila ay may kumatok sa pinto.

"Tao po!" Boses iyon ni Tonton.

Kinabahan naman si Lian at naalala ang kanyang diary. Siguradong kasama nito ang makulit nitong kuya. Pupunta na sana si Aling Mercedez para buksan ang pinto nang pigilan siya ni Lian at siya na lamang ang nagprisintang magbukas. Tinungo ni Liang kanilang pinto habang sinusuklay pa niya ang maikili niyang buhok.

Gaya ng dati pagbukas na pagbukas niya ay agad siyang sinalubong ni Tonton.

"Ate!" masiglang bati ni Tonton sa kanya. Kasunod nito si Shot na para bang nakakaloko sa ngiti niya. "Ate! May sasabihin ako sa'yo. Sabi ni Kuya sa akin girlfriend ka na raw niya. Pero hindi mo pa alam. So ngayon alam mo na." Kwento nito kay Lian

"Ha?" Tila takang taka si Lian sa sinabi ni Tonton, wala siyang kaalam-alam sa pinagsasasabi ng bata.

"Mayboyfriend ka na?" kahit si Aling Mercedez ay nagulat sa sinabi ni Tonton. Hindi naman sa ayaw nitong magkaboyfriend si Lian, sa totoo nga ay gustong gusto nitong maranasan ang lahat bago pa man dumating ang araw na kinatatakutan nila. Nag-aalala siya kay Shot na baka hindi nito matanggap sakaling mawala na nga si Lian.

"Naku Nay hindi ho. Pakitingnan niyo muna si Tonton at mag-uusap lang kami ni Shot sa labas." Paalam nito sa nanay niya.

Tumingin si Tonton sa Nanay ni Lian na bilog na bilog ang mata, wari mo'y naghihintay ng sorpresa mula kay aling Mercedez.

Hope in a Bottle (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora