CHAPTER 27 ** TEXTS, PICTURES, UNKNOWN **

Start from the beginning
                                    

Masakit parin ang ulo ko pero kaya ko narin naman na umuwi. Buti nalang pala nasalo ako ni Ethan kung nagkataon nasa ospital ako ngayon. Nakakahiya sakanya, kabago bago ko palang siyang nakilala nalasing pa ako sa harap niya. Buti nalang pala di ako nag kalat! Wala na akong mukhang ihaharap ky Ethan kung nagkataon. Magpapasalamat nalang ako sakanya pag nakita ko siya sa school sa monday.

Krinngg.. Krinngg..

[ Hello babe? ]

[ Babe, kagabi pa ako tawag ng tawag sayo pero hindi mo naman sinasagot ang tawag ko. What happened? ] - Harley

[ Babe, nasa bahay kasi ako ni Celine may party siya at inimbitahan niya ako. Di ko napansin na tumatawag ka pala. ]

[ Behave ka naman siguro last night diba?! I trust you babe kaya i'm not worried na hahanap ka ng kapalit ko. ] - Harley

[ Mokong ka talaga babe! Bakit naman ako maghahanap ng kapalit mo? Di naman tayo naghiwalay at ikaw lang ang mahal ko. ]

[ Alam ko babe, patay na patay kapa naman sa akin. Hahaha. ] - Harley

[ Patay na patay talaga? Eh kung patayin ko na kaya itong phone ko?]

[ I was just kidding babe! Ikaw naman di kana mabiro. I'll see you later. Date tayo, miss na kita eh.]- Harley

Ganito ba naman ka sweet ng boyfriend mo may balak kapa bang palitan siya? Yan ang reason kung bakit mahal ko ang mokong na to kahit punong puno ng hangin ang katawan nito. Sobrang yabang na may ipag mamayabang naman talaga!

[ Babe, still there? ]- Harley

[ Nandito pa ako, okay see you later babe. Need to go now! Pauwi palang ako eh. ]

[ Take care babe, i love you! Bye! ] - Harley

[ Thanks babe, i love you too. Bye! ]

Inend ko na ang call at tamang tama naman nandito na ako sa bahay namin oh scratch that- mansiyon namin. Pinagbuksan ako ng guard namin at pumasok na ako sa loob. Binati naman ako ng mga katulong na nakasalubong ko.

" Iha, i'm glad your home now. Magpapagawa pala tayo ng gown na susuutin mo para sa welcome back party mo. Magpapasukat kana mamaya." - Mommy

Humalik ako sa pisngi ni mommy at sabay yakap sa beywang niya.

" Mom, may date kami ni Harley mamaya eh. Susunduin niya ako mamaya dito. Pwede po bang next time na lang tayo magpasukat? "

" It's up to you iha. So how was the party last night? Does Celine knows already about your true identity? " - Mommy

" Hindi pa po, i'm going to tell her on monday. Para mainvite ko narin siya sa party ko. "

" Mabuti pa nga iha! Sige na pumasok kana sa kwarto mo at magpalit kasi any moment dadating na ang boyfriend mong super sweet. " Kinindatan ako ni mommy. Obvious talagang botong boto sila kay Harley para sa akin. Maswerte lang ako at napaka supportive nila sa akin. I'm happy having them in my life. I'm so blessed to have such wonderful parents. Anu pa ba mahihiling ko?! Kuntento na ako sa buhay ko ngayon kahit naman dati pa kuntento na ako.

Pumasok na ako sa room ko at naligo ulit para sa date namin ni Harley. Kahit naligo na ako sa bahay nila Celine mas mabuti na yung mabango parin ako. Hindi naman ako mabaho pero gusto ko kasi na fresh ako pag dating ni Harley. Oh, wag nga kayong green diyan. Wala akong iniisip na ganyan ha?!

Sakto lang na natapos ako sa pag aayos ng may kumatok sa pinto ko.

Tok.. Tok.. Tok..

" Come in! "

Mr. Heartthrob meet Ms. ScholarWhere stories live. Discover now