Chapter 6: Guilty

57 2 0
                                    

It has been weeks since class started. And, I know I coped up with him before but he's soooo annoying. I tried to ignore him but he seems so persistent to make me 'remember' my past.

"Ellie..." Oh dear me!

"Ano na naman?" Ang kulit. Kanina pa siya.

"Sungit mo naman. Sabagay, ganyan ka na dati." If it wasn't because of you, I wouldn't go back to my mean attitude, I wouldn't have my walls up again.

"Gaano ba ako kasungit noon?"

"Sobra! Alam mo yun... yung gusto na kitang mawala sa ibabaw ng lupa pero siyempre, di ko yun magagawa kasi" he paused.

"Kasi?"

"Wala... Pero para kang isang Mean Girl talaga pag masungit ka."

"Hm... who are you naman sa buhay ko noon?" Change topic nga natin! I'm probably playing with fire here.

"Huh?" Tignan natin kung aaminin mo.

"What was your role in my life before I had an amnesia?"

"Uh.. I was your classmate.. since 1st year highschool." Ok, medyo tama naman pero kulang e...

"Yun lang? Classmate lang kita? Di tayo naging close? Like friends, best friends, or more?" Masyado yatang halata. Hala! Maybe I have gone too far.

"Naging friends, well parang best friends. Oo, naging best friend kita kaso di ko alam kung ano ako sa iyo noon." Si. Nu. Nga. Ling. Liar. Liar. Liar!

"Oh ok... uhm... mauna na ako, naghihintay sina Amber sa caf." Syempre, palusot ko lang para makaalis na lang ako doon. Di pa aminin. Ayoko rin namang sabihin nya yon pero... Ugh! Nakakainis!

~ ~ ~ ~ ~

Francis' PoV

Sumunod agad ako kay Ellie sa cafeteria kaso wala sya dun... Si Ellie o Eliza Marie Cortez, ang ex-girlfriend ko na ngayo'y may amnesia na kaya di na nya ako maalala.

Nakita ko si Amber. Pero wala si Ellie.

"Amber!"

Amber's PoV

Oh shoot! Gotta run.

Then... ang bilis naman ng lalaking to, kanina lang nasa kabilang dulo ng caf, ngayon nandito na!

"Can I talk to you?" Tanong niya.

"Can't, nagmamadali kasi ako. Bye!"

"Wait!" Sabay hablot sa arm ko.

"Ow."

"Sorry. Pero importante talaga."

Naglakad kami sa university field. Pagkaupo namin sa bleachers, nagsalita ako agad.

"Speak." I demanded. O di ba, demand?

"Anong nangyari kay Ellie? Paano siya nagkaamnesia?" I knew it! About kay Lizzie ang pag-uusapan namin.

"Malamang naaksidente tapos naalog yung brain nya, alangan namang naglalakad lang sya tapos nagkaamnesia na sya di ba?" Pamimilosopo ko.

"Seryosong tanong yun Amber." Mukha ngang seryoso sya.

"Ok," I said starting the story. "Noong maghiwalay kayo, syempre nasaktan sya kaya sumama siya sa parents nya papuntang US. Doon na sya nagcollege. Kaso hindi sya nagpakatino doon. Nagrebelde sya. Nagpakalasing at nagparty-party. Isang gabi, nagdrive sya na sobrang lasing, ayun, sapul! Naaksidente sya at nagkaamnesia. Napagdesisyunan nina tita at tito na iuwi na sya. Kaya nandito sya ngayon." Medyo na-lost in thoughts ako sa pagkukwento. Paglingon ko, wala na yung kausap ko. Nice.

Francis' PoV

Ako ang dahilan kung bakit nakalimutan ni Ellie ang nakaraan nya. Siguro mas maganda na rin yun. Dahil sobrang nasaktan ko sya noon.

Pretending To Forget About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon