Chapter 7: Muling Ibalik?

66 1 0
                                    

Almost a month na kami dito sa university. Medyo nagiging close na (naman) kami ni Francis. Nakakaconfuse nga e, parang gusto ko syang layuan pero gusto ko rin na bumalik yung dati naming closeness.

Nagpapractice kami ngayon ng mga sunod-sunod na mangyayari sa Acquaintance Party. At throwback all over again, si Francis ang 'date' ko. Wala naman talagang official date dapat, pero pinipilit nya na escort ko daw sya. Medyo kinikilig pero pigil-pigil din sa feelings kasi mahirap na, baka magkahulugan ulit, tapos ang ending, hindi happy. Very fragile pa naman ako.

Hala! Eto na naman ako, jumping-to-conclusions. I'm just assuming again.

He hasn't change a bit. Pahumble pa rin kung sumayaw, akala mo di marunong, yun pala ang galing-galing.

"Hindi ko gets yung step."

"Who are you fooling? Tignan mo nga oh. Kuhang-kuha mo yung step na sinasayaw ni sir."

Tumingin lang sya sa akin, ginulo nya buhok ko. Tsaka sya umalis para bumili ng bottled water.

"Magpunas ka nga, pinagpapawisan ka na." Lumingon ako. It was Lance. O ano na naman iniisip mo? Friends lang kami. Kaklase ko sya sa isa kong subject.

Tinanggap ko yung face towel na iniabot nya. "Thanks."

"Alam mo bang magkakaroon ka ng pneumonia?"

"Alam mo rin minsan nagtataka ako kung kaklase kita o tatay kita?"

"Concern lang ako sa best friend ko." With matching akbay.

"Best friend?" Tanong ko at nagtaas naman sya ng kilay sabay smile.

"Feeling close." Sabay alis sa kamay nya sa shoulders ko at naglakad palayo sa kanya.

"Who is he?" Tanong ni Ruby.

"Yun? Si Lance, classmate ko in some subjects."

"Ayyiie.. pogi.." It's Amber being possess by a malanding kaluluwa.

"Wafu..." Ruby continued.

"Yummy.." Emerald added. We all looked at her. No, more like glared at her.

"Oh bakit? Totoo naman e.. biceps pa lang, my gosh! Busog ka na." She again added.

"Ang landi nyo..."

Then I went to the bleachers.

"Sino yung umakbay sayo?"

"Ay anak ng! Ba't ka ba nanggugulat ha? Kanina ka pa nandyan?"

"Ako unang nagtanong. Sino yun?"

"He's Lance, my classmate."

"Classmate? Tapos umaakbay?"

"Bakit? Di pwede?"

"Bakit sya touchy?"

"Pakealam mo?"

Then his grumpiness took over.

"He treats me as his best friend kasi kaya ganon."

"E sino mas best friend mo ako o sya?" Gosh! Di pa rin talaga nagbabago. Nangongonsensya pa rin.

"Neither of you two, sina Amber, Ruby at Emerald ang best friends ko." Sabay peace sign.

"Ok lang kahit hindi ako ang guy best friend mo. Kasi gusto maging higit pa dun."

"Huh?" I'm sorry what? Can you please repeat that? Is he gonna take me back? FrancEl is going to be back?

"Hahaha.. the look on your face was priceless.. hahah.. it was a joke.. ahaha..." What an a**hole. Okay... Keep your cool, Eliza!

"Di naman ako nag-assume e? Baka ikaw." Denial stage.

Akala ko pa naman totoo. Oh well, that's Francis after all, PAASA!

Pretending To Forget About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon