CHAPTER 2

3.7K 68 0
                                    

Napadalas ang pagkikita namin ni Krisha.
After 2 years ngayon lang ulit ako nakahanap ng friend that I can lean on.
Namimiss ko na sila Jam at Sid. Pero pati sa kanila wala na akong mukang maiharap. Oo hanggang ngayon kinakain parin ako ng kalungkutan at konsensya ko.
Pero pinagsisihan ko na yun at ngayon unti-unti ko ng pinipilit na maging masaya.

I invited her over to my place. Birthday ko kase. Sya lang ininvite ko at si Serra. Ka-work ko.

Bago lang si serra sa Dubai wala pa syang masyadong friends kaya I invited her over para alukin nadin sya na mag rent with me sa room ko.
Since mejo malaki tong room para sakin lang. Ilang taon nadin kase.
Siguro time na para patayin ang katahimikan na na nabubuhay dito sa kwarto na to.

DING DONG~

"Hi Krish ! Thank you for coming" yinakap ko sya.

"Ikaw pa ba, Excited na kami ni baby. Nagugutom na daw sya"

Yes, buntis si Krisha. 4 months na. Nung una kaming nagkita 1 month palang yung tyan nya.

"Wag ka na malungkot baby, bubusugin ka ngayon ni tita ganda" sabay himas ko sa tyan nya.

Naalala ko bigla si Yohan. Gusto na kase nya magka-baby sana kami.

Nakakatawang isipin na kahit memories nalang ay nagagawa ka pang saktan. Ang matindi pa dun, kaya nitong ulit-ulitin yung sakit. And the more na naaalala mo, the more na lumalalim yung sugat na iniiwan nito.

"Tara na upo ka na dito Ate Krisha" sabi ni Serra na katulong ko sa pagluluto kanina.

"Nga pala. Happy Birthday. :)" Bati sa akin ni Krisha sabay abot ng regalo nya.

Pagbukas ko, isang Silver Glittery na sling bag.

"Wooooow ! Ang ganda Krish. Like na like ko to !"

Sabay angat nya ng bag nya na same din pala ng binigay nya sa'kin.

"Ayan, may couple bags na tayo"

"Ako wala" Naka-pout na sinabi ni Serrah.

"Bakit birthday mo ba?" Pang-aasar ko sa kanya.

Kumain na kami. Since bawal sa alak si Krish, kami lang ni Serra ang umiinom.
Si Krish kumakanta lang at nagpapapak ng ulam.

Ilang bwan na kaming friends ni Krisha pero ngayon lang kami magkakakwentuhan about sa mga personal na buhay namin. Madalas kase pinagkukwentuhan lang namin ay about sa work lang, sa kung anong nangyari nung araw na yun at mga pagkain na gusto nyang kainin hahaha.

"Bat parang di ko pa naririnig sayo about sa asawa mo krish? Hindi ba kayo magkasama?" Mejo tinamaan na ako sa vodka na iniinom namin ni serra.

"Nasa Australia sya Denie. Minsan lang kami magkita kase busy sya sa work nya. Pero pauwi na sya ulit after 2 months"

"Baka naman may picture ka. Patingin naman kami ni Ate Denie" pang uusyoso ni Serra.

"N-Nako wala eh. Nasira kase mobile ko kaya basic phone palang meron ako ngayon. Next week pa ako bibili"

Lasing lang ba ako o napansin kong merong dalang iphone si Krish kanina?

"Eh bat ka nandito sa Dubai? Di mo naman na pala need mag-work at kaya ka naman ng buhayin ng mapapangasawa mo" tanong ulit ni serrah habang inaabot sakin ang shot glass na tapos na nya inumin.

"Ayoko kase umasa lang sa kanya. Syempre gusto ko may sarili din akong pera. Para pag may gusto akong bilhin mabibili ko agad. Ayoko din maging pabigat sa kanya"

"Bat mo naman iisipin na pabigat ka sa kanya? Haaay nako ka. Alam mo, ang swerte sayo ng magiging asawa mo. Pakasal na kaya kayo"

"Oo plano na namin yan. Pero saka na daw pag nakapanganak na ako. Kaso ... sa pilipinas nya gustong manganak ako eh. So pagkauwi nya from Australia, uuwi na rin ako, I don't know kung makakabalik pa ako dito"

"Iiwan mo na ko agad?"

"Lagi nman kita kakamustahin Or umuwi ka nalang para bisitahin kami ni baby"

"Uuwi ako? Hmmmm..."

"Btw, Ate Krisha ano bang klase yung mapapangasawa mo? Like ano ugali nya. Mabait ba sya? Seryoso? Matalino?" Na-Saved by the bell ako kay serra. May silbi din pala pagiging madaldal nito.

Napangiti si krisha bago magsalita.

"Blah blah blah ....."

Siguro mga 10 mins sya nag-kwento.

Ng maya-maya ..

ZZZZZZZZZZzzzzzzzzzz

BZZZZZZZzzzzzzz

BRRRrrrrzzzzzzz

O_________o?

"Kaya ayoko mag-kwento eh. Lagi nalang ako natutulugan" Nakangiti na sinabi ni Krisha.

-AFTER 2 MONTHS-

Nakauwi na sa Pilipinas si Krisha.

Nag-skype kami for the first time.

"Oh kamusta ka naman jan?"

"Maayos naman ako. Ikaw? Wag ka maglulungkot at wala na ako jan ah"

"Oo naman. Nga pala, bat mukang mag-isa ka lang jan sa bahay nyo? Akala ko ba nanjan na yung soon-to-be-husband mo mo?"

"Oo nandito sya. Nag sa-shower sya ngayon"

"Ah okay. Pero bat ... parang malungkot ka? Sabi mo sa kin wag akong malungkot, pero look at you. Ikaw ang nakasimangot jan"

"Ah kase ... "

Biglang bumukas yung pinto ng kwarto nila krisha. Nakatakip ng towel ang muka ng mapapangasawa nya. Dahil nagpupunas ng buhok. Sa gulat ni Krisha naisara nya bigla yung laptop. Magugulatin kase yun.

Kahit ako nagulat eh. Hahaha !

-AFTER A MONTH-

Umuwi na din ako sa pilipinas. Di ko alam, para bang may nagsasabi sa akin na kailangan kong umuwi. After 2 years heto ako. Haharapin ko na sa wakas ang greatest fear ko.

What could be more worse sa ginawa ko noon kay Yohan? I know walang kapatawaran ang ginawa ko noon but I know I need to at least say sorry. Bahala na kung tanggapin nya o hindi yung apology ko. I just feel the need to do it. Para narin sa peace of mind ko.

Gusto ko ng matulog ng mahimbing sa gabi. Gabi-gabi nalang kase akong binabangungot ng nakaraan eh. Ayoko na ng ganito.

Panay ka-dramahan nalang ang buhay ko.

I wanted to be happy like how I used to before.

-End of chapter 2-

A/N:

Please leave a comment if you enjoyed reading. I appreciate suggestions. and don't forget to VOTE and follow. :)

TOTGA || CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon