Weirdos

0 1 0
                                    

"Denver! Hindi ka pa ba tapos diyan?" Mag i-isang oras na kasi ako dito sa kuwarto at hanggang ngayon, hindi pa rin ako tapos pumili ng isusuot ko. At ramdam na ramdam ko na talaga ang init na lumalabas sa mga salita ni mama. "Ano na?! Sinukat mo na ata lahat ng damit mo diyan ah?!" Nako namaaan oh. Si mama talaga, can you just wait for a minute, even if I spent almost an hour here?

"Maaaa! Wala kasi akong masuot eh." Sabi ko. "Hay nako! Ang dami mo kayang damit diyan, kaya huwag na huwag mong sasabihin na wala kang masuot. Bakit? Pinamigay mo na ba lahat ng damit mo at halos wala ka ng masuot?! Nako Denver! Pumili ka na ng masusuot mo kundi palalabasin kita diyan ng naka bra at panty lang!" Sigaw na mama sa inis sa akin.

Ugh.
Okay.
I have no choice then. I will just wear my old shirts.

"Mamimili lang naman tayo ng mga gamit niyo sa school tapos ang tagal mo pang mag bihis. Para namang makikipag kita ka sa boyfriend mo." Si mama oh. Wala kaya akong boyfriend, pamimilosopo ko, Sabi ko sa sarili ko. Nandito kami ngayon sa department store para mamili ng mga gamit namin sa school dahil ilang araw na lang talaga at start na ulit ng pasukan namin.

Ang daming namimili ngayon dito kaya halos siksikan kami. Medyo natagalan din kami sa pamimili dahil din siksikan at sa haba ng pila dito. Habang nasa pila ako, may dalawang babae sa likuran ko ang nag-uusap tungkol sa Free University.
Ayoko sanang makinig sa usapan nila kaso nasa likuran ko lang sila eh kaya I have no choice.

"Sa lahat ng school na napasukan ko, ang Free University lang ang pinaka ayaw ko. Nako! Napaka worst ng experience ko sa mga tao doon. Akala ko talaga mamamatay na ako, mabuti na lang naka takas agad ako." Sabi ng isang babae. Napatingin ako sa kanila ng kaunti, tama ba ang narinig ko? Ano bang nangyari sa babaeng ito at ganiyan na lang siya maka-React tungkol sa Free University?

-_-

"Ako rin! Hindi ko kasi alam noon na sila pala ang dahilan kung bakit ka na-Hospital. Kaya ayun, doon ako pinasok nila mama at papa. Hindi ko alam ganoon pala ang aabutin ko sa school na yun. Akala ko pa naman walang mangyayaring hindi maganda sa akin kasi nga libre, yun pala hindi. Totoo nga na wala ng libre ngayon, dahil kung meron man, paniguradong may kapalit ito. At paniguradong hindi mo rin iyon magugustuhan." Sabi ng ikalawang babae. Ano ba tong mga taong to?! -_- Seryoso ba sila o sadyang alam nilang sa Free University ako nag-aaral kaya naninira sila? Ugh. Mga weirdos. Mga walang magawa sa buhay.

Medyo nakaka down ng kalooban kaya hindi ko na lang sila pinansin.

Ilang tao na lang at ako na ang susunod sa counter. Maya't-maya pa, lumapit si Kuya Curt sa akin at inihabol ang binili niyang balloon at umbrella. "Sana mag bigay naman ang Free University ng Free school supplies para naman lalo pang dumami ang mag enroll doon." Sabi ni Kuya sa akin. Hmm.. panigurado narinig iyon ng dalawang babae sa likuran ko dahil parang naririnig ko nanaman sila na nagbubulungan sa isa't-isa.

"Kaya nga eh. Napaka bait talaga nila, kasi libre nilang pinag-aaral ang mga estudyante." Sabi ko kay Kuya. Matapos noon, umalis na si Kuya at hinintay na lang nila ako sa may tabi para hindi na makadagdag pa sa siksikan.

Medyo nagulat ako dahil may kumalabit sa akin sa may likuran ko. Medyo expected ko nang ang mga babae sa likuran ko yun kaya ng lumingon ako, agad silang ngumiti na akala mo close talaga kami sa isa't-isa. Naka tingin lang ako sa kanila ng may halong pagtataka sa aking mukha.

"Sa Free University ba kayo mag-aaral?" Tanong ng unang babae sa kaliwa. "Oo, bakit?" Balik kong tanong. Nagtaka pa ako lalo sa ikinikilos nilang dalawa dahil nag tinginan silang dalawa. "You better transfer to other school before the class starts. Hindi niyo magugustuhan ang magiging trato nila sa inyo doon." Sabi ng ikalawang babae sa bandang kanan. Napa kunot naman ako ng noo ko, at hinarap sila, "Bakit? Paano niyo naman nasabi? May nangyari ba sa inyong hindi maganda at parang sinisiraan niyo sila?"

"Hindi namin sila sinisiraan. Totoo ang mga sinasabi namin sayo, nasasainyo na lang yan kung maniniwala kayo sa amin. Basta kami, we did our part. Pinaalalahanan na namin kayo, pero it seems like parang ayaw mo pang maniwala." Sabi pa ng ikalawang babae. I sighed softly, "You better watch your words." Sabi ko sa kanila.

"No. You better be safe and watch every words you say. One wrong move and you'll definitely be the next victim of theirs." Sabi nila.

Hay nako.
Bahala kayo diyan sa buhay niyo. Ayokong maniwala! Baka tinatawanan niyo na ako sa isip niyo ngayon, eh paano na lang kaya kapag napaniwala ninyo ako di ba? Tss. Ugh. No not me my pals.

Pag-uwi namin, sinabi ko kanila mama ang tungkol sa dalawang babae kanina sa department store na akala mo nabiktima ng mararahas na krimen dahil sa pagsasabi sa akin ng tungkol sa Free University. Na huwag daw kaming mag-aaral doon. At na dapat lumipat na daw kami ng ibang school bago pa mag pasukan. -_-

"Huwag niyo na lang sila pansinin. Kung sakaling makita mo ulit sila, don't mind them na lang, okay? Bagsak lang siguro yun sa mga subjects nila kaya siguro ganoon na lang sila maka react." Sabi ni mama. "Siguro nga mama. Wala namang mali sa Free University eh." Sabi ni Caye. Lahat naman kami agree na ang Free University ang pinaka maganda sa lahat ng mga school na napasukan namin. Dahil bukod sa libre ang pag-aaral, ang babait pa nilang lahat.

Kaya nga nakapagtataka yung dalawang babae doon sa department store eh.
Mga Weirdos.
I better stop thinking of them.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jun 18, 2018 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Free University |On GoingOnde histórias criam vida. Descubra agora