Chapter 1

8 0 0
                                        


I WANT to feel alone.

Seriously, I feel like I'm not myself anymore. Pero ayoko namang i-admit na depressed nga talaga ako, ewan ko. Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko. Humahanap nalang ako ng distraction para naman hindi ako magmukmok sa bahay ng tita ko.

Oo, pinatapon ako dito probinsya para raw magbago ako. Para raw ma-realize ko na I'm being so reckless these past few days. Dito na raw muna ako magbakasyon sa bahay ng tita ko. Mabuti na rin, para naman paggising ko ng umaga ay hindi pagbubunganga ng mama ang almusal ko.

At heto ako ngayon, saving my beloved cousin from these- ah-- I don't know if they're still human? Sorry but, they look like a tempura. Seriously girls?

Enrollment kasi ngayon ng pinsan ko dito sa integrated school na pinapasukan niya. At siyempre andito rin yung mga nambu-bully sa kanya. Akala ko sa Maynila lang uso ang bullying. Uso rin pala dito sa probinsya ang bullying.

Buti nalang at nandito ako para iligtas ang pinsan ko. Halata naman na inggit lang itong mga tempura girls na ito sa pinsan ko. Dahil hindi lang ito maganda, matalino rin ito at maraming nagkakagusto rito. Pero kahit na halos lahat ng tao dito sa school ay gustong-gusto siya, hindi pa rin maiiwasang magkaroon ng kaaway ang pinsan ko.

Ang problema nga dito sa pinsan ko, duwag.

Sa akin lang siya madalas magsumbong, eh anong magagawa ko? Nasa Maynila ako. Pero ngayong andito na ako, ako na ang haharap sa mga tempura na ito.

"At sino ka naman?"

Nag-init naman agad ang ulo dahil sa pagkakasabi ng isa sa mga tempura, kung sino ako. Tignan ba naman ako mula ulo hanggang paa. Just wow.

"I'm Summer Cortez, nice to meet you." Sabi ko sa kanya suot ang pinakamatamis na ngiti sa aking labi.

Humarap siya sa akin at lumapit. Halatang napikon sa pag ngiti ko sa kanya, ngiti palang yan girl. Maghintay ka pa.

"Are you going to save this bitch?" Sabi niya sabay turo sa pinsan ko. Like, what? How dare you to say that my cousin is a bitch? Uso rin pala ang English speaking dito sa probinsya. Okay- masyado ko atang minaliit ang kakayahan ng mga probinsyana.

"She's my cousin, so let her go. Or I will cut your head off." Lakas loob kong sabi sa harapan niya.

"Summer tama na please? Umuwi ka na." Pigil sa akin ng pinsan ko. Seriously couz?

Bago pa man ako makapagsalita bigla namang umulan ng malakas. What the? Bakit ngayon pa?

"Pasalamat ka at umulan ngayon, may araw ka rin sa akin babae ka!" Sabi niya sabay takbo at sumunod na rin yung mga alipores niya.

"Summer, sorry ah. Nadamay ka pa sabi ko kasi-"

"Shh, its okay. Tsaka ano namang gagawin ko sa bahay? Nawalan na ako ng interes sa mga bagay na gustong gusto kong gawin noon."

"Sorry pa rin. Tara na, umuwi na tayo."

Hindi na ako sumagot sumabay nalang ako sa kanyang maglakad. Basang basa na kami dahil sobrang lakas ng ulan, kanina naman maaraw pa ah, bakit di ko napansin na dumilim ang langit?

Hindi malamig ang tubig na bumubuhos, maligamgam ito at masarap sa pakiramdam. Parang kakaiba sa feeling yung pagdaloy ng tubig sa katawan ko. Feeling ko buhay ang tubig. No- I'm just imagining things, paano magiging buhay ang tubig?

Nagpalit na ako ng damit at nahiga sa kama ng pinsan ko. Tinatamad nanaman ako ngayong araw, gusto ng katawan kong matulog ng matulog. Malakas pa rin ang ulan at di pa rin ito tumitigil. Mas lalo lang akong nalulungkot dahil ulan.

Napagod din ako ngayong araw na ito. At nararamdaman ko na rin ang unti unting pagpikit ng aking mata.






Summer RainWhere stories live. Discover now