Chapter 1

7 0 0
                                    

Emily's POV

"Ems!" Tawag sakin ni Janice.

"Bakit?" Sagot ko naman.

"Kain tayo...pleeeeeeaaaaasssseee..."


"Sige na nga...Let me guess, my treat again?" Tanong ko naman sa kanya.

"You got it!" Sagot niya sakin habang nakangiti.

Haayyy...ang hirap naman na nga talaga ng pagiging senior high. Paano pa kaya pag nag-college na ako? Huhuhu. Ang dami namin kailangang gawin. Naiintindihan ko naman rin si Janice kaya hindi ko siya masisisi kung bakit gutom na siya dahil sa pagod.

"Ems, dito na lang tayo oh. May free wifi na saka mukhang masarap."

"Sige." Sagot ko. Millennial life na ngayon eh. Lagi dapat may wifi.

Si Janice ang best friend ko since, lumipat ako dito sa campus. Ems ang tawag niya sakin. Siya ang lagi kong kasama at lagi niya ako tinutulungan kahit ganyan siya.

"Bes dito na tayo umupo." Sabay tapik sa upuan.

"Wait, bago tayo umorder, makiconnect muna tayo." Dagdag pa niya.

Nakita ko naman yung sign na may nakalagay na password. Tinype muna namin yung password bago pa kami mag-usap. Click! Connected na ako.

"Uy Ems, tignan mo oh! Ang gwapo."

"Hmmm. Okay lang naman." Malumananay ko namang sabi.

"Ano? Okay lang. Bihira lang tayo makakakita ng gwapo sa tabi-tabi no. Natitibo ka ba Ems?"

"Hindi naman sa ganun, alam mo naman kasi na si Jim Hann..." Pinutol naman ni Janice ang sinabi ko.

"Oo na, si Jim Hannes nanaman." Pasarcastic niyang sabi.

"Alam ko naman na sobrang gwapo niya pero... Hello! Nasa Pilipinas tayo, sobrang layo ng Canada dito no. Kailangan mo rin ng isang lalaki na mapapantayan mo naman. Sobrang layo na rin ang narating nun." Para naman akong pinagsasabihan ni Janice ngayon.

"Sigurado naman ako na wala nang ibang lalaki na makakapantay sa isang katulad niya, lalo na kung Pilipino. Ni- "K-POP" hindi siya kayang pantayan no." Pagtanggol ko naman kay Jim Hannes, ang dream bf ko at ng masa.

"Kung sa bagay nga naman, first love mo siya eh."

"He! Hindi siya ang first love ko no." Sabi ko, sabay taas ng kilay

"Weh, talaga? Wala ka pa namang nakukuwento sakin tungkol sa lovelife mo." Gulat niyang sabi.

"Hindi ko naman kasi talaga shinishare yung mga ganung bagay nang basta-basta lang."

"Akala ko, best friends tayo?" Tanong ni Janice.

"Syempre na, eh hindi ka naman nagtanong eh." Sagot ko naman.

"Sige ikuwento mo na."

"A..."

"Wait lang pala, oorder lang ako ha. Pahingi muna nga pala ng pera pambayad hehe." Pagputol nanaman ni Janice.

"Oh." Sabay abot ko ng pera habang nakasimangot.

Maya-maya, dumating na si Janice na dala na ang pagkain.

"Okay let's eat." Sabi ni Janice.

"Sandali lang, nasan ang sukli ko?" Tanong ko kay Janice.

"Ay ikuwento mo nga pala yung sa flashback niyo ng first love mo." Sabi naman ni Janice.

"Che! Wag na, hindi ko na yun ikukuwento sayo. Kanina mo pa pinuputol ang mga sinasabi ko." Sagot ko naman.

"Bahala ka, na sakin pa rin ang sukli mo." She chuckled.

"Akin na nga yan!" Sinubukan ko namang abutin ang pera ko. Kaso nga lang, magkaharapan itong pwesto namin at hindi naman ako makaalis sa kinauupuan ko. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao na parang dalawang bata na nag-aagawan sa laruan.

In the end, ako pa rin ang talo.

"Haha, you lose!" Pang-aasar naman niya sakin.

"Akin na yan!" I tried to grab it again pero hindi ko talaga maabot.

"Bleh." Para naman siyang bata mang-asar.

"Fine, ikukuwento ko na."

"Yey!" Sabi ni Janice na may kasabay pang palakpak. Bubuka na ang bibig ko nang may biglang nagsalita.

"Ito na po ang food niyo." Sabi ng waitress.

"Janice..."

"Ops! Kain na muna tayo. Mamaya na yang kuwento mo." Pagputol niya nanaman sa sinasabi ko. Hindi ko na nagawa pang magalit ng tuluyan dahil gutom na rin ako. Bwiset.


Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Feb 15, 2019 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

The Youthful Sound of LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora