" puro siguro "

835 25 3
                                    


☪︎

Siguro, ako

Siguro ako ang taong handang magkagusto
Pero takot na maiwan kapag umamin na ako,

Siguro ako ang taong madaling masaktan
Pero pinagkaitan ng karapatan,

Kasi hindi naman tayo
Pero kahit na ganon, sayo lang nakatutok ang mga mata ko,

Siguro ako ang taong kayang ibigay ang lahat
Pero natatakot at iniisip na hindi yun magiging sapat,

Siguro ako ang taong matatawag mong tanga
Tanga kasi umaasa lang naman ako kahit alam kong wala naman dapat akong asahan pa,

At siguro nga alam mo
pero mas pinili mong balewalain ang nararamdaman ko para sayo,

Siguro dahil nahihirapan at naiilang ka
Naiintindihan ko, naiintindihan naman kita,

Dapat kasi ay hindi ko na binigyan ng malisya
Dapat ay hindi na ako kinikilig sa mga binitawan mong mga salita,

Pero sana, sana lang ay hindi ka nagbigay ng motibo
Para hindi ako umasa ng ganito,

Libo-libong luha na ang rumagasa
Dulot nang pusong balisang-balisa,

Hindi ko na kailangang untugin ang sarili ko
Para matauhan kasi alam kong hanggang magkaibigan lang tayo,

Siguro nga hindi na mangyayari ang salitang ikaw at ako
Sapagkat kahit pagbali-baliktarin ko man ang mga katagang yan ay hindi parin mabubuo ang salitang tayo,

Kaibigan, pasensya na hindi ko napigilan ang puso kong gustohin ka
At kahit anong gawin kong pag iwas ay mas lalong lumalala,

Hinahanap at hinahanap ka parin ng aking mga mata
Kahit pa kitang kita ang saya kahit hindi ako ang iyong kasama,

Tanga? o nag tatangatahangan?
Bulag? o nag bubulagbulagan?

Manhid? o pinipilit lang itago ang sakit?
Martyr? o nagmamahal lang kahit mahapdi at mapait?

Ayoko na, tama na, hindi ko na kaya
Pagsuko ang naisip na paraan para ang sakit ay mawala,

Papakawalan na kita
Kahit na ang "tayo" ay hindi naman nabuo talaga.

Ayeeezell

rqstd by: maryeaaaaah  ♥︎

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 22, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tulala langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon