" seatmate "

6.3K 172 23
                                    


requested!!

☪︎

Sobrang nalilito ako
Sa nararamdaman ko para sayo
Nagsimula lamang ang lahat ng nagkatabi ang ating mga silya 
At sa panahong yun mayroon akong naramdaman na hindi ko inakala

Isang karamdaman na hindi mawala-wala
Sa isang lalakeng wala akong pag-asa
Ang sakit itago
Nag aalala kasi baka ako'y husgahan mo

Ilang buwan ang lumipas mas naging malapit tayo
Sa puntong sinasabi mo na sa akin ang iyong mga secreto
Pati na ang mga babaeng iyong gusto
Hindi mo man alam pero sinasaksak mo nang paulit-ulit ang aking puso

Nagkaintindihan tayo, nagsiyahan, nagtawanan, naging mabuting magkakaaibigan
Pero sa bandang huli ika'y aking iniyakan

Bakit? hindi ko rin alam sa sarili ko
Hindi ko alam kung bakit ako gumaganito
Kung bakit meron akong nararamdaman para sayo
Sinta, maniwala ka, hindi ko rin ito ginusto

Kusang nagmahal lang ang aking puso
At sakto ring ikaw ang naging biktima nito

Ako'y paniwalaan mo, sinubukan kong pigilan
Sinubukan kitang iwasan
Pinilit kong ibura ang lahat nang aking nararamdaman
Ayaw ko kasing isugal ang ating pinagsamahan

Alam mo, lahat na yata ay aking nagawa
Pero sinta bakit mas lalong lumalala?

Ayeeezell

Tulala langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon