Nung napagod na kaming maglakad ay bumalik na kami sa resthouse at umakyat sa kwarto namin.

Bago kami pumasok may narinig kaming umiiyak.

"Blake ang sakit kasi eh." Pag-iyak ni ate Shin. Umiiyak si ate?

Kumatok muna ako bago ako pumasok.

"Oy? Sige pasok." Sabi ni kuya Blake at pumasok na nga kami.

Nakita namin sa ate na nagpupunas ng luha.

"Okay ka lang Shin?" Pagtatanong ni Aira sa kanya.

"Ha? Ah ano. Oo okay lang. Sakit kasi ng puson ko." Sabi niya at tumango naman kami.

"Tita, tita, tita." Sabi ng isang bata habang pumapasok sa kwarto namin. SI SHINE NA BA TO? GRABE ANG GWAPO NA NIYA!

"Oh bakit?" Masungit na tanong sa kanya ni ate.

"Daddy told me to remind you that you're ugly. Bye tita!" Sabi niya at nanakbo palabas ng kwarto namin.

"Talaga bang sinilang siya ng nanay niya para lang dumagdag sa nang-aasar sakin?" Poker face na sabi ni ate.

Umupo na ako sa kama ko at tumabi naman bigla sakin si Joseph.

"April," Pagtawag niya sakin.

"Tignan mo yung ex mo. Ang sama kaagad ng tingin sakin tumabi lang ako sa'yo." Sabi niya at napatingin naman ako kay Edward at nakita ko ngang ang sama ng tingin niya kay Joseph. Problema nun?

"Nga pala, may gusto akong sabihin sa'yo." Sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko.

"Mukha kang pwet." Bulong niya sakin kaya nasampal ko siya.

"BASTOS MO AH!" Sigaw ko sa kanya kaya napatingin silang lahat sakin.

Nanakbo si Joseph palabas ng kwarto at hinabol ko naman siya. Naabutan ko siya sa labas ng rest house at doon siya hi-nead lock at binatok-batukan.

"Aray! Hoy April! Masakit!" Sabi niya.

"Hindi. Hindi. Hindi. Mukha akong pwet diba?" Sabi ko at kinutusan ko naman siya ngayon.

"ARGH!!" Sabi niya at kumawala sa headlock ko at ako naman yung hinead lock niya ngayon.

"Sige subukan mong batukan ako yari ka sakin kapag nakawala ako." Pagbabanta ko at agad naman niya kong pinakawalan.

"Para namang kaya kitang saktan. Yieee bessy kinikilig." Sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.

"Ano ba!" I shouted slapping his hand away.

"AYIEEEEE." Sigaw ni ate Shin sa taas na nakasilip siya sa bintana.

"We ate! Wag kang mang-asar dyan miss mo lang ako." Sabi ko sabay belat sa kanya.

"Eh bakit ikaw di mo ko miss?!" Sabi niya sabay pameywang.

"Miss siyempre! Yung dalawang taon mo nga naging apat na taon eh." Sabi ko sa kanya at napangiti siya.

"May kailangang tapusin eh." Pagpapaliwanag niya at umalis na sa bintana.

"Ganda pa nga nun bessy. Pwede ko ligawan?" Tanong niya sakin.

"Siguro. Pero dadaan ka muna sa lima niyang kuya na Division leader ng mafia nila at sa papa niyang mafia boss." Sabi ko sabay smirk at nawala yung ngiti sa labi niya.

"Sabi ko nga dito na lang ako sa broken hearted club natin." Sabi niya at napatawa naman kaming dalawa.

"Yieee. Madalas ko na siyang napapatawa." Sabi niya at sinapak ko naman siya.

The Gangster's Princess (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora