Chapter 34 (Frame)

8.2K 259 12
                                    

**ARRIANE'S POV**

Takbo parin ako nang takbo. Pagdating ko sa may gate ng bahay may nakita nanaman akong maliit na papel.
Kinakabahan ko itong kinuha ngunit hindi ko na muna ito binasa dahil nag mamadali akong pumunta sa kwarto nang kapatid ko.

Laking tuwa ko naman nang makita ko ang kapatid kong ligtas at mahimbing na natutulog.

Tiningnan ko ang papel na nakita ko sa may gate at ang nakalagay doon ang muling nakapagpainit sa dugo ko.

"HAHAHA NATATAWA AKO!!.. HINDI MUNA AKO MANGGAGALAW... PERO MALAPIT NA... Kaya wag mo akong susubuka."

P*tangina. Ano bang klaseng biro ito?! Lumabas na ako nang bahay at tinawagan ang iba sa alalay ko upang mabantayan ang kapatid ko.

Pagdating nila ay agad kong itinuro ang kwarto ng kapatid ko at sinabihan sila na tawagan ako kung sakaling may biglang pumunta at umatake sakanila.

Paalis na sana ako ngunit pinigilan ako ng isa sa mga tauhan ko, "Sandali lang ho, Ma'am.. nakuha ko po kanina sa gate nyo.. " bulong nya sa'kin.

"Hindi ko ho alam kung anong nangyayari pero mag-iingat ho kayo," seryoso nyang paalala at pumasok na sya sa kwarto nang kapatid ko.

Ako naman ay naiwang nakatanga. Hidi ko talaga maisip na may taong nananakot sa akin. I've never been scared in my whole life! Ngayon lang. Sana nga isa lang itong joke. Kasi kahit naman masama ang ugali ko ay may mga tao parin akong pinoprotektahan.

Habang nag-iisip ako tungkol sa taong nagpapadala sa'kin nang sulat ay hindi ko namalayan ang maliit na box sa harap ko.

"Ito 'yong nasa gate sabi ni Allen.." bulong ko sa sarili ko, sabay kuha nang box. May nakasulat sa harap nito na.

"From : GuArDian DeviL"

Binuksan ko ang box at sa loob nito ay may
isang litrato. Tatlong bata ang mag kasama at 'yong isa ay may ekis sa muka. Kung hindi ako nag kakamali, si Mikel ang isa sa mga batang ito.

Agad-agad ko naman syang tinawagan dahil may kutob ako..

Mga ilang minuto ay dumating na sya.

"Okay kalang ba?? " nag-aalala nyang tanong.

Niyakap ko sya, takot akong malaman na tama ang kutob ko. Pinakita ko sa kanya ang litrato at bakas sa muka nya ang pag kagulat.

"Ikaw ang isa sa mga bata dyan diba?? Sino 'yang mga kasama mo??" natatakot at seryoso kong tanong.

"Arianne, you're the one who have a red "X" on the face." - Mikel

Naiiyak na ako...

Tama nga ang kutob ko!! Ako nga ang batang may exis sa muka.. At tuluyann na nga akong naiyak nang marinig ang mga susunod na salita mula sa bibig nya.

"This is our first picture with SAKY.. "

The Secret Mafia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon