Chptr 9

2K 27 5
                                    

Mae Salvador

Nandito kami ngayon sa gymnasium. Nag-aabang sa pagdating nilang apat dahil tuwing Wednesday may gig sila, at lahat ng fans nila nandito ngayon! Grabe, iba talaga makahatak ng kababaihan ang grupong to! Kahit mga outsider, pinapapasok. Sikat na sikat na talaga sila kahit sa ibang University.

"Hay naku bis! Hanggang kailan ka ba gigising jan sa kahibangan mo?!" Biglang tanong ng bestfriend kong bitter na nasa may gilid ko.

"Wala na akong plano gumising pa bis!" Kinikilig na sagot ko. Hehe

"Gaga ka nga talaga! Sandali lang nga, bibili muna ako ng makakain natin sa cafet. Babalik din ako. Okay ka lang ba jan?" Tanong nya at agad akong tumango, "Oo bis. Okay lang ako dito. Mag ingat ka ha."

"Sure" sagot nya bago sya umalis.

Hays. Bakit kaya ang tagal nila? Grabe naman tong ibang fans nila, nagpa banner pa talaga. Samantalang ako sinulat ko lang sa cartolina ang mga salitang "GO KENT PAOLO KAYA MO YAN! WAG KANG SUSUKO" oh diba? Parang sasabak sila sa gyera! Hihi.

Hindi ko tuloy maiwasang mapa-isip. Dumoble ba ang traffic ngayon sa Edsa? Napakatagal naman nila. Pero dahil solidong fans ako, patience is a virtue! Para kay crush? Laban lang! Pumuti man ang mga mata ko dito sa kahihintay? Laban lang! Hihihi.

Tatayo na sana ako ng may mapansin ako sa di kalayuan, isang lalaki na naka all-black! Grabe! Inumaga ba sya sa lamay na pinuntahan nya? O papunta pa lang sya? Lakas maka all-black ni kuya ah! Hahaha. Pero parang hindi sya mapakali, para syang natata-e. Naku! Baka hinahanap ni kuya ang CR dito? Napakalaki pa naman ng University na ito at kapag hindi mo talaga alam ang pasikot-sikot dito, aabutan ka talaga! Goodluck.

Pupuntahan ko na sana si kuya para tulungan sa paghahanap ng CR ng dumating si Harra at may dalang snacks. Napalingon tuloy ako sa gawi nya.

"Oh bis? Okay ka lang? May hinahanap ka ba?" Curious na tanong nya.

"Eh bis, may nakita akong lalaki kanina para syang natatae na ewan, baka hindi nya mahanap ang CR. Kawawa naman sya." Sagot ko naman. Kawawa talaga si kuya baka natata-e na talaga sya!

"Asan?" Tanong nya. At agad kong tinuro ang gawi ni kuya kanina pero nagulat nalang ako na wala na pala sya dun. Asan na yun?

"Ako ba pinagloloko mi Mae Salvador?!" Taas kilay nyang tanong, hay kainis! Ako pa ang napagkakamalan dito eh. Bahala na nga!

"Ah eh,

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Baka SakaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon