Chptr 3

1.8K 11 0
                                    

Pagkatapos ng eksena kanina sa labas, pumasok na kami sa classroom namin. Magtatagal pa sana ako para namnamin ang biyaya ng Diyos ng pinilit na ako ng bestfriend kong umalis na at baka ma late padaw kami, mangongopya pa daw sya ng assignment!

We are fourth-year college now, at napakarami talaga namin requirements! Which is kinakaya lang talaga namin para sa future, laban lang! Pagpasok namin sa classroom, agad may notebook na tumama sa mukha ko! Ang sakit!

"Oops! Sorry nerd. Akala ko dingding! My bad. Hahaha!" Sabi ni Cheeska, ang Queenbee na wala ng ginawa kundi pagtripan ako sa apat na taon ko dito sa campus! Ano bang problima nya? May utang ba ang pamilya ko sa kanya at ako ang pinagbubuntungan nya ng galit? Hays.

"Hoy! Bruhang Cheeska! Wag na wag mong ginaganito ang bestfriend ko! Kung ayaw mong mag patayan tayo! Ano? Sapakan na?!" Agad na hamon ng bestfriend kong di lang pala bitter, tigre rin! Oh no!

"Huwag na bis, okay lang ako. Maupo nalang tayo. Diba may assignment ka pa? Halika na" Agad na sabi ko sa kanya na ikina-ismid naman ni Cheeska.

After 5 minutes, dumating na si Prof. Elizaga ang pinaka terror namin na Prof. sa lahat! Marami ang natatakot sa kanya at marami ang gusto na paalisin sya dahil na rin  sa mga pamatay na projects na gusto nya! Pero kahit ilang ulit pa nilang gawin yun, napakahirap. Napakatalino nya at matagal na rin sya sa unibersidad na ito. Hindi maitatanggi na kahit napaka-terror nya, lahat naman ng nagiging styudante nya bumabalik sa university na ito, upang pasalamatan sya dahil she is a GREAT TEACHER for them. Sabi nga nila kapag under ka ni Prof. Elizaga, road to future na daw! Kaya tiis-tiis lang pag may time!

"Goodmorning class. I have a very important announcement. So be attentive. Got it?" Striktang tanong nya sa aming lahat na agad naman namin sinagot ng "Yes Maam."

"Okay, so now I'll be giving an important project, this project will serve as your bridge. Why? Dahil kapag hindi nyo ito naipasa ng tama, hindi kayo makakagraduate!" Diretsahang sabi nya na nakapagpawindang sa aming lahat! May iba na napa-nganga. Pasukan sana kayo ng langaw, haha. May iba na malapit pang nahulog sa kanilang mga upuan, may iba na parang wala ng kulay ang kanilang mga mukha at may iba na napa-WHAT?

"Quiet! Yes! You heard it right. So better be responsible enough. Hindi naman kayo mga estyudante kung tanggap ng tanggap lang kayo ng mga grasya sa mga kaklasi ninyo! Dapat rin kayong mag-sumikap. Paano kayo matututo? Tsk. Struggles will make you a student. Para rin ito sa inyo. I know, after this you will learn something! This project is not by pair, para fair. So I will send the details in our group page, asap. And you will have, 3 weeks to finish and submit it to me. Now, class dismissed!"

Para sa future? Laban lang!

Baka SakaliWhere stories live. Discover now