"Marami-rami din ang mapapatay ko ngayong gabi, maganda ito para sa aking marka."

Dahan dahan kong binaba ang aking kanang kamay na nakabukas ang palad. Lumabas ang aking espada, nang mabuo na ito hinawakan ko itong maigi.

Tinapat ko ang aking kanang kamay sa may pagitnang dibdib at lumitaw ang isang Magian Cirques na may symbolong infinity na nagliliyab sa kulay pula at malalim na pink. Inilayo ko yun sa aking dibdib at itinapat sa espada papuntang pinakadulo nito at binitawan ko. Tinpat ko ang espada sa aking harapan sunod sa kanan, kaliwa at likod ko.

Lumabas doon ang apat na malalaking Magian Cirques parehas ang kulay.

"Game." Lumusob silang lahat saakin ng iba't ibang dereksyon. Inuna ko ang aking harapan, lumusot ako sa Magian Cirques at nilabas sa kaliwang kamay ang aking katana. Ikiniskis ko ang aking parehas na sandata at nagliyab ito ng todo.

"WHAAAHHH!" sabay sabay naming banggit. Umikot ako sabay laslas ng kanilang mga leeg. Nakatapak na ako saaking patterno, pahigang walo ang aking iniikutan habang kinakalaban sila.

Hindi ako umalis sa aking patterno-hindi kailangan, dahil ito ang nagiging gabay ko upang mas mapadali ang aking pagkitil. Sila dapat ang lumapit, hindi ako.

Gusto ko ng magpahinga, istorbo ang mga ito. Dapat ako'y natutulog na saakin nahanap na tuluyan ngayon gabi kung hindi lang umataki ang kupal na yon. Hindi lang yon! Nagdala pa ng kasama!

Tinapat ko ang aking kamay sa Magian Cirques na sa harapan ko. Meron pa kaseng tabihan at likod. Sa kadahilanang gusto ko ng matulog, tatapusin ko na to.

"Killux Bingeu." Bangit ko bago tuluyang lisanin ang lugar na iyon, at nagpatuloy sa paglalakbay.

Killux Bingeu, isang kapangyarihang mahika na puwedeng kumitil ng ilan sa maiksing oras.

Biglang may sumabog sa himpapawid na parang paputok at parang walang nangyari kanina. Yun nga lang, umulan ng dugo. Sa dami ba naman nilang iyon? Halos nasa dalampung daan? Buti nga walang laman na kasami ih.

Tinatanong niyo ba kung bakit hindi lumusob ang nasa magkabilang tabi at likod na ginawan ko ng Magian Cirques kanina? Kung may espasyo para makaalis? Nako! Diyan ka nagkakamali! Dahil, nakasarado o nakalock na ang mga Gemang nakapalibot sa Magian Cirques na iyon! Astig diba? Kaya inuna ko yung nasa unahan ko para may espasyo akong Magian Cirques na magagamit.

"Eight O' Eight." Lumitaw ang isang lalaki sa harapan ko. Nakapantalong grey ito na may butas-butas? Ewan ko, bagong istilo ata to ng pananamit. Tapos naka hoodie itong kulay violet at black. Meron din nakalagay sa dibdib niya na '8th' na may Idem ng ATDC.

"Bakit mo ko tinawag?"

"Oh eh, bakit ka lumitaw?"

"Tinawag mo ko! Malamang sisipot ako dito. Bakit nga?"

"Hanap mo ko ng matutulugan." Utos ko habang tinitingnan ko sa H.G ko ang kaukulang puntos na aking natanggap kanina.

"Ano ako utusan?-Meron diyan malapit na abandunang gusali, doon ka muna magpalipas ng gabi. Ligtas naman doon, walang makakaabala sayo!"

"Tsk. Aangal pa, sasagutin din naman." Meron akong tatlumpu't pitong puntos na natanggap at pitong libong yen. Aba! Magaling! May kaukalang kabayaran pala kapag nakatalo ka ng Gema!

"Tapos bukas ng umaga, dumayo ka sa syudad ng Fruba at bumili ng kakailangan mo sa paglalakbay. Wag kang magalala, ligtas ang syudad na iyon." Tumango na lang ako.

Isa palang taga Dusk Owl Academy ang aking napatay! Kala ko madami na, isa lang pala. Tsk, puppets talaga ng mga taga Ailk D.O ibang klase-madaling masira. Pfft.

"Wag mong maliitin ang mga alagang puppets ng mga taga Ailk D.O. Nagkataong mahina lang ang iyong nakalaban kanina." Napasimangot naman ako.

"Paano mo nala-"

"Dahil patawa tawa ka pa diyan habang tinitingnan mo ang datos." Eh? Paano niya ulit na laman ang datos? Hindi niya nga to tinitingnan eh!

"Teka-ROBOT KA NO! NAKO! TA-"

"Gema ako. Isa akong Gema. Lul mo!" Nakita niya siguro sa mukha ko ang pagaalinlangan kaya kumuha siya ng dagger at hiniwa ang palad. Nakita ko na tumulo, ang pulang likido doon. Okay, Gema na siya.

"Oh? Naniniwala ka na? Oh sige, magpahinga ka na't aalis na ako. Paa-" Hindi ko siya hinayaang makaalis, kaya hinigit ko ang kanyang braso at tinahak ang sinasabi niyang abandunang gusali.

Naghanap ako ng malinis at tagong lugar, tsaka nilabas sa Inventum ang panlatag at pangunang lunas. Tinapik ko yung tabihan ko habang nakatingin sa kanya. Kaya wala siyang magawa kundi, umupo doon.

Kinuha ko ang alcohol at ibinuhos sa kanyang sugatang palad. Pagkatapos ay binuhusan ko ng betadine at tsaka nilangyan ng bulak. Nirolyo ko sa kanyang kamay ang telang puti at pagkatapos ay tinapik tapik ko pa ng kaunti.

Binuksan ko ulit ang inventum ko't binalik ang pangunang lunas tsaka nilabas ang aking kumot at unan. Ramdam kong di pa siya naalis kaya, tiningnan ko siya't tinaasan ng kilay.

"Maraming salamat. Uyyy-Concern naman siya saakin." Habang may ngiting nakakaloko.

"Tse. Nek-nek mo!" Napatawa siya ng bahagya. "Nga pala, paano mo nalaman yung nakapaloob sa datos kanina? Di mo nga sinilip yun!" Kuryos kong tanong.

"Ah yun ba? Nakakonnekta na kasi ako sayo-sa lahat lahat. Maging sa mga mapersonal mong buhay." Ngumiti siya ng mapait. Nak ng tokwa! Mabibisto ako nito!

"Ah-Eh-Hindi naman to alam ng mga taga headquarters ng paaralang Central Academia?"

"Hindi. Kami lang talaga ang may alam. Bale magrereport lang kami tungkol sa inyong ugali, pagkilos at mga ano pang ginagawa. Wag kang mag-alala, kakampi mo ko!"

"Mapagkakatiwalaan ba kita?"

"Aba'y syempre! Dahil simula sumali ka sa pagsahang ito, ay akin ka na! At ako'y sayo. Pagnatalo ka sa larong ito, di na natin pagmamay-ari ang isa't isa. Paparusahan pa kita. Hihihe." May pataas-baa pa ng kilay ang luko.

"Tch. Oh, sige alis ka. Tutulog na ako."

"Sige, tawagin mo lang ulit ako pag kailangan mo ako! Just call my number and I'll be there.~ Salamat ulit!" Biglaang naglaho. Luko, talaga yun kahit kailan.

Siguro sa ngayon, kailangan ko munang magtiwala sa kanya. Kahit labag sa loob kong magtiwala ulit sa iba pang Gema's, susubukan ko.

Susubukan ko.

¥¥¥¥¥¥

Henwo, Meachiavian readers! Nagbabalik si ako! Tagal din since last update. Kaya di ako naguupdate kase:

1. Writer's block.
2. Tinatamad.
3. Tamad talaga ako.

Writer's block? Ilang months? Grabe talag self ha! Tamad ka lang talaga.

Patawad sa matagal ng paguupdate, sususbukan kong magsipag.

Susubukan ko lang ha!

©Meachiavellian

The Legendary GamerWhere stories live. Discover now