Chapter 5: Embarrassing Moment

11 0 0
                                    

Dedicated kay Ate Ales kasi naalala ko si TOP nung araw na inalagaan at binilhan niya ng napkin si Sammy nung meron siya. <3 OMG Ate Ales panuorin mo yung video sa gilid. Si Joseph Marco nakanta! Kyaaa~ *u* Singer si Pula! <3

Charles’ POV

 

“It’s her hair and her eyes today

That just simply take me away

And the feeling that I’m falling further in love

Makes me shiver but in a good way.

All the times I have sat and stared

As she thoughtfully thumbs through her hair

And she purses her lips, bats her eyes as she plays,

With me sitting there slack-jawed and nothing to say…”

Busy ako sa pagkanta habang naggigitara nang biglang nakarinig ako ng katok sa pinto.

“Pasok,” sabi ko habang patuloy pa rin sa pag-strum ng gitara.

Bumukas ang pinto at pumasok si Cherish sa kwarto ko.

“Hi kuya!” masiglang bati niya sakin at nginitian ako ng pagkatamis-tamis. Nanlalaki ang mga mata niya at tila pinipilit na magmukhang cute at maamo.

Shit.

“HOY CHERISH ANDREA! ALAM NA ALAM KO YANG ITSURA MONG YAN! ANO NA NAMANG KAILANGAN MO SAKIN HA?!” sigaw ko sakanya habang inilalapag sa kama yung gitara ko. Tsk. Alam ko kung ano ang ibig sabihin ng itsura niyang yan. Paniguradong may ipapagawa at hihingin na naman saking pabor ‘tong babaeng ‘to. Tae. Ayaw na ayaw ko pa naman na humihingi siya ng pabor sakin.

Umupo siya sa kama ko. “A-ah eh kuya… ano kasi,” sabi niya sakin nang hindi makatingin ng diretso.

“Ano?!”

Huminga siya ng malalim at mabilis na nagsalita habang nakayuko. “Kuya, please ibili mo ko ng napkin sa supermarket. Naubos kasi ni Mama yung stock ko nung nakaraan kaya wala na kong magagamit ngayon. Alam ko naman na ayaw na ayaw mong napunta sa supermarket lalo na sa feminine hygiene section kaso nga lang ansakit talaga ng puson ko ngayon. Hindi ako makakapag-drive. Wala rin sila Manang ngayon kaya wala akong ibang mapag-uutusan. Sige na kuya. Please? Promise babawi ako sa’yo. Ililibre kita ng kahit na anong gusto mo. Basta ibili mo lang ako ng napkin ngayon. Sige na. Please kuya? Please?”

Nanlalaki ang mga mata ko habang nakikiusap sakin si Cherish. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Tae ano raw?! Ibili ko siya ng napkin sa supermarket? Heck no!

“SIRA KA BA?! ALAM MO NAMAN PALANG AYAW NA AYAW KONG NAPUNTA DUN SA SECTION NA ‘YON TAPOS PAGBIBILHIN MO KO NG NAPKIN?! AYOKO! BAHALA KA DIYAN!”

“ALAM KO NAMAN YUN KUYA EH! KUNG KAYA KO LANG BANG MAG-DRIVE NGAYON EH DI AKO NA SANA ANG PUMUNTA SA SUPERMARKET PARA BUMILI!” sigaw sakin pabalik ni Cherish. Nagulat na lang ako nang bigla siyang umaray na parang may iniindang sakit. Nanlalatang humiga siya sa kama ko at ipinatong ang hot compress sa puson niya. Hindi ko napansin na may hawak pala siya non kanina.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

So-called MaybeWhere stories live. Discover now