Chapter 2: First Encounter (Her POV)

5 0 0
                                    

Maybe’s POV

*rings alarm*

“Ughhh. Ang ingay naman.” sabi ko habang nakapikit at kinakapa kung nasaan ang cellphone ko. Sa wakas, nahanap ko rin at pinatay na ang alarm.

Hay, panibagong araw na naman. Ika nga nila, “Panibagong araw, panibagong simula.” May simula kayang mangyayari ngayong araw na ‘to?

Minulat ko na ang mga mata ko, nag-inat at bumangon para ayusin ang kama ko. Mas gusto ko pa rin talaga na ako yung nag-aayos ng kama ko at hindi sila Ate Rose. Para kasing yun na nga yung unang dapat gawin ng isang tao pagkagising niya tapos ipapagawa pa sa iba? ‘Di ikauunlad ng isang tao yon. Lumabas na ko ng kwarto at dumiretso sa CR. Pagkatapos kong magmumog at maghilamos ay bumaba na rin ako sa kusina.

“Good morning Ma! Good morning Pa!” bati ko kila Mama at Papa pagkakita ko sakanila. Si Mama nagluluto, si Papa naman nagtitimpla ng kape gamit yung sarili niyang espresso machine. May-ari kasi ng coffee shop si Papa, si Mama naman isang accountant. Actually, dun sa coffee shop ni Papa una silang nagkita at nagkakilala ni Mama. Ang sweet nga ng first encounter nila eh. Kinikilig pa rin talaga ako tuwing maaalala ko ang love story nila.

“Good morning ‘nak!” sabay na bati nila sakin nang nakangiti. “Baby, gusto mo ng kape?” tanong sakin ni Papa.

“Pa, hindi na po ako baby. Anlaki-laki ko na eh. Si Angie na yung baby ngayon.” Nakasanayan na kasi akong tawagin ni Papa ng baby. But since dumating si Angie seven years ago, sinabi ko kay Papa na si Angie na yung tawagin niyang baby from then on. “And yup, I want a coffee. One latte please. Richard Cruz special.” nakangiting kunwaring order ko kay Papa.

“One latte coming right up!” nakangising sabi sakin ni Papa. Kinuha ko yung mug ko dun sa lalagyan at inabot sakanya. “Pero magka-rhyme naman ang Maybe at baby di ba? Kaya pwede pa rin kitang tawaging baby. Isipin mo na lang nagkamali ako ng bigkas. Baby Maybe.” katwiran naman ni Papa with matching kindat pagkaabot ng mug. Napailing na lang ako.

“Ay hon, gawa na nga pala ‘tong espresso mo. Eto oh tikman mo.” hinihipan ni Papa ang kape habang nilalapitan si Mama.

“Aray, ang init. Napaso ako.” sabi ni Mama pagkatapos niyang uminom ng kaunti.

“Hala, sorry hon. Masyado pa palang mainit yung kape mo. Hindi ko nahipan ng maayos. May masakit ba?” nag-aalalang tanong ni Papa.

“Hindi naman. Ayos lang ako hon.” nakangiting sabi ni Mama.

“Patingin nga ng labi mo. Baka may nalapnos.” hinawakan ni Papa ang mukha ni Mama at tinignan ang labi nito. Ang OA naman nito ni Papa. Parang paso lang eh. Pero pakiramdam ko parang may binabalak ‘tong gwapo kong tatay. Hmm.

“Mukhang wala naman. Buti na lang.” nakangiting sabi ni Papa pagkatapos inspeksyunin ang labi ni Mama. Aktong ilalayo na sana ni Papa ang mukha niya kay Mama nang biglang sumunggab siya ng mabilis na halik kay Mama. Sinasabi ko na nga ba. Talaga ‘tong tatay ko oh. Para-paraan din eh. Hahaha.

“Hon!” reklamo ni Mama kay Papa sabay hampas ng mahina sa braso nito. Si Papa naman ngingiti-ngiti lang ng nakakaloko.

So-called MaybeWhere stories live. Discover now