fourty seven**

Comincia dall'inizio
                                    

"Yehey my Umma ang Appa are now officially engaged. I'm really excited. I'm happy with this." - Clyde habang patalon talon papunta sa lola niya.

"Isasama ko na si Clyde. Be safe okay. Have to go." nakangiting sabi ni Mrs. Jansen sa lahat bago umalis.

Nakaalis na ang mga dumating pero nakatanga pa din ang lahat dahil sa biglaang announcement ng Appa ni Winter.

"Hyung tell me Appa is just kidding right??" tanong ni Winter sa kapatid niya.

"I don't think so Dongsaeng. Nakita mo naman ang reaksyon ni Appa at alam natin na kapag ganun ang itsura niya wala ng makapipigil sa kanya." parang balewalang sabi ni Thunder sa kapatid sabay alis sa loob ng kwarto nito.

Nagsialisan na din ang lahat at naiwan na lang si Winter at Raikoo sa loob. Mukhang di pa din maprocess ni Raikoo ang mga nangyayari sa paligid niya.

"Ikoo sorry dahil sakin kaya ka napasok sa gantong gulo." -Winter

"No ako ang may kasalanan kasi dito ako natulog sa kwarto mo."- Raikoo

"Let's just face it. Wala na tayong magagawa alam kong hindi na magbabago ang isip ni Appa sa ngayon."- Winter

"Yeah."

--

6:30 p.m. at tapos na ang lahat sa pag aayos. Lahat ng mga lalaki ay naka tuxedo habang naka long gown naman ang mga babae. Alam kasi ng Shadow pati na din ni Iki at Min wei na kapag may party sa Mansion kailangan nilang magsuot ng formal attire. Dahil siguradong nandoon ang mga business partners ng mga kumpanya nila.

"hyung nasa garage mo ba yung white na limo?" tanong ni Winter sa kapatid.

"Yeah bakit? "- Thunder

"yun na lang ang gamitin natin. Ako magdadrive okay?"- nakangiting sabi ni Winter sa kapatid. At alam na nito ang gustong gawin ng kapatid niya.

"Sure basta ba sa shot gun seat ako eh."- Thunder

Nakasakay na ang lahat sa limo at nag drive na si Winter.

"Ano ba naman yan Winter ang bagal."- reklamo ni Glen dahil sa mabagal ang takbo nila.

"So bibilisan ko?"- tanong naman ni Winter

"Hindi bagalan mo."- Kai

"Okay sige bibilisan na."- nakangiting sabi ni Winter.

Naging mabilis ang takbo ng limo kaya nagpanic at nagsigawan ang mga tao sa loob ng limo.

Si Sean at Sian nagyakapan dahil sa takot. Si Iki naman ay napakapit kay Kai na todo kapit sa pinto ng limo. Ganoon din si Rina kay Tim. Si Kevin naman ay walang tigil sa pagmumura habang nakapikit. Si Ryuu naman nakakapit lang ng mahigpit sa seatbelt niya habang nagdadasal. Sila Rhon at Leo naman ay naghawak kamay habang nanginginig. Sila Glen at Sky naman tinawag na ang lahat ng santo na kilala nila. Sa kabilang banda si Min wei naman ay sumisigaw dahil sa nag eenjoy siya habang pilit siyang kinakalma ng nanginginig na si Ralph. Sa likuran naman magkakayakap sila Ren, Roo at Raikoo na di na alam ang gagawin kung pipikit ba o sisigaw.

Nakarating naman agad sila sa Mansion ng mga Jansen kaya nakahinga ng maluwag ang lahat. Parang walang nangyaring bumaba si Thunder at Winter. Binuksan naman ni Winter ang pinto ng limo para makababa ang lahat.

Unang bumaba si Min wei na abot hanggang tenga ang ngiti nito.

"Best ride ever. Do it again do it again." - Min wei

"Buo pa ba ang katawan ko?"- Sian

"Nahiwalay ata ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko."- Sean

"Taena kahit na ilang beses ko ng naranasan yun di ko pa din maiwasang matakot. p*ta"- Kevin

"Di ata ako makakalakad ng matino dahil nanginginig ang tuhod ko."- Ryuu

"Sabi ko bagalan mo eh."- Kai

"Bash saludo ako sayo. Isa ka ngang drag racer."- Iki

"Muntik ng maalog lahat ng gadgets ko."- Rhon

"Nagutom ako sa takot. Next time ako na lang mag dadrive okay."- Leo

"Sabi ko bilisan mo hindi patayin kami ng nerbyos."- Glen.

"Buhay pa ba ako?? Ano buo pa ang katawan ko?? Sabihin niyo."- Sky

"Bakit parang balewala lang sa inyong dalawa ha. Magkapatid nga kayo no doubt."- Tim

Hindi na lang nagsalita yung lima dahil nanginginig pa din sila sa takot.

"Oh ano tapos na kayo?? Pwede ba bumaba na kayo ng makapasok na tayo sa loob. Mukha na kayong mga tanga dyan. Okay na oh. Nandito na tayo bitawan niyo na ang mga upuan, seatbelt at pinto. Hindi naman nakakamatay ang pagbitaw seriously."- Winter sabay ngisi sa kanila.

"Yeah tanga na nga kayo lalo niyo pang pinagmumukhang tanga ang sarili niyo."- Thunder sabay ngisi.

"MAGKAPATID NGA KAYO MUNTIK NA KAYA KAMING MAMATAY SA TAKOT." sigaw ng lahat sa dalawa kaya napatawa na lang ang magkapatid at sabay na pumasok sa Mansion.

_____________________________________

ceiket

**edited**

ai wo

Revenge of the Gangster's TwinDove le storie prendono vita. Scoprilo ora